CHAPTER XV

638 20 0
                                    

JHOANNA'S POV

"Jho? Nakaamin ka na ba kay Stacey? Alam na rin ba ni Mikha yang nararamdaman mo riyan sa Pink Lady mo?" Tanong sa akin ni Colet, nandito sila ngayon ni Gwen sa tinutuluyan ko, bored daw sila dahil may kaniya kaniya raw lakad sila Maloi at Sheena habang sila Ate Aiah, Mikha at Stacey naman ang magkakasama.

Umiling naman ako kay Colet bilang sagot, pumalakpak naman si Gwen at sinabayan naman din agad yon ni Colet.

"Please welcome! Our consistent honor student, Ms. Jhoanna Robles! Si Jhoanna ay isang batang may talent sa pag new news reporting, ngunit, hindi maibalita balita sa taong gusto niya ang totoong niyang nararamdaman!" Kunwari pang pagpapakilala sabi ni Gwen habang pumapalakpak palakpak pa. Napailing na lang naman ako at hindi na lang siya pinansin.

"Ganto lang yan, Jho. Watch and learn" Usap pa ni Colet sa akin atsaka tumayo pa ng tuwid.

"Magandang gabi bayan!" Biglang usap niya kaya natawa naman na kami ni Gwen at binato siya ng unan.

"Teka lang kasi!" Saway niya sa amin at binato sa amin pabalik ang unan.

"May isang batang babae sa isang sikat na paaralan sa Maynila na natagpuang nahulog ang loob sa kaibigan nang kaibigan niya, at ito ay nangangalang si Jhoanna Robles, ayon sa mga nakasaksi, si Jhoanna raw ay torpe at hindi maamin amin ang pagkakasala sa pagkahulog ng loob niya sa kaibigan na si Pink Lady, ngunit hanggang ngayon ay naghihintay pa rin sila sa pwedeng mangyari" Kunwari pang pagrereport nito kaya sabay naman kaming pumalakpak ni Gwen habang nag bbow pa sa harap namin si Colet.

"Ang galing mo! Ikaw na lang kaya umamin para kay Jho?" Suhestiyon pa ni Gwen kaya natawa na lang sila pareho ni Colet habang napapailing na lang naman ako.

"Bat ba kating kati kayong paaminin ako? E ni hindi nga natin alam pare pareho kung may gusto rin ba sa akin yon" Usap ko sa kanila, kunwari pa naman silang napaisip. Sana, may isip sila.

"Paano kung pagselosin natin dalawa?" Suhestiyon pa ni Colet ng makalapit ito sa akin.

"Siraulo ka ba? Edi nayare tayo kay Maloi, tsaka isa pa, walang maniniwala sa atin, ang dami kaya nakakakita sa classroom ng pagiging malandi mo diyan kay Maloi" Usap ko sa kanya, napatango naman siya bilang pang sang ayon.

"Sa bagay" Sagot pa niya kaya natawa na lang ako.

"At isa pa, mahaba haba pa naman ang school year, marami pang oras para riyan" Usap ko pa sa kanilang dalawa

"Paano kung wala ng time?" Biglang tanong ni Gwen kaya agad naman kami napalingon sa kaniya ni Colet.

"Paanong mauubusan ng oras?" Takang tanong ni Colet kay Gwen, hindi naman ito sumagot at nanatili lang tahimik.

"Imposibleng maubusan ng time, sabi nga sa isang movie ng KathNiel, hindi nauubusan ng oras ang nagmamahal, even just one second with the right person, can feel like more than a lifetime" Nasabi ko na lang sa kaniya kaya bahagya pa siyang napangiti at lumapit sa akin.

"Paano mo naman nasabi na si Stacey na yung right person? Agad agad?" Tanong pa ni Colet sa akin.

"Jhoanna, movie yon, lahat ng yon, palabas lang, may script, may dialogue, may direktor, may camera, arte lang lahat ng yon at yung mga wakas non, planado. Nakasulat na ang kwentong yon" Seryosong pagpapaliwanag ni Gwen.

"Jho, ibang iba yon sa mga nangyayari sa totoong buhay, ang mga pelikula, planado, pero ang kwento niyo, kayo mismo ang gagawa non, kaya hanggat may oras pa, gawin mo ng maganda yang kwento niyo" Usap pa niya kaya taka na lang naman akong napatingin sa kaniya.

"Anong pinupunto mo?" Tanong ko pa sa kaniya, napabuntong hininga na lang naman siya bago tuluyan ulit sumagot.

"Paano ka nakakasiguro na may oras pa kayo ni Stacey?" Diretsong tanong niya, hindi naman ako agad nakasagot at nanatili lang sa kaniya ang paningin ko

"Teka nga! Ang seryoso niyo naman dalawa, chill! gusto pa lang naman, hindi pa mahal, diba? Jho?" Tanong pa sa akin ni Colet pero hindi ko na lang naman siya pinansin.

Gets ko si Gwen, alam ko kung ano ang pinupunto niya, pero ang hindi ko maintindihan, saan yon nang galing? Saan niya nakuha ang ideya para sabihin at itanong yon lahat sa akin? Anong alam niya na hindi ko alam?

"Nasabi ko na ang dapat kong sabihin, Jho, nasa sayo na yan" Usap pa niya bago tumayo papuntang kusina.

Agad naman lumapit sa akin si Colet na takang taka pa rin sa sinasabi ni Gwen.

"Hindi ko gets!" Angal pa niya.

"Sana nga parehas na lang tayong hindi nagets yung sinabi niya, para hindi ko na rin maisip kung anong nasa isip niya" Nasabi ko na lang, kita ko naman na mas nagtaka siya sa sinabi ko, bago umalis sa tabi ko.

"Sana pala kila Stacey na lang ako pumunta, mukhang mas matino pa siya kausap ngayon kaysa sayo, o parehas lang kayong hindi makausap ng ayos?" Tanong pa niya, hindi ko na lang naman siya pinansin at ginulo na lang ang buhok ko.

Totoong malayong malayo sa mga pelikula
Pero tong nararamdaman ko, hinding hindi ko na maipagkakaila
Kung talagang posibleng maubusan ng oras
Pwede bang sumama na lang din ako sa pagwawakas

Will She Come BackWhere stories live. Discover now