CHAPTER IX

702 29 0
                                    

"Oh, Jho! Nandito ka pala akala ko sa labas mo lang ihahatid si Stacey" Biglang usap sa akin ni Mikha ng makasalubong namin sila ni Ate Aiah na papasok dapat sa bahay nila Stacey.

"Hanggang dito nga lang dapat sa gate, e mapilit tong kaibigan niyo" Sagot ko kay Mikha kaya natawa na lang naman sila ni Ate Aiah.

"Hatid na kita" Alok pa ni Mikha kaya umiling na lang naman ako

"Mag commute na lang ako" Sagot ko sa kaniya pero napailing na lang naman siya.

"Hindi na. May kailangan din akong sabihin sayo" Seryosong sabi na niya kaya wala naman na akong nagawa kung hindi ang sumunod na sa kaniya

"Ingat kayo ah" Bilin pa ni Ate Aiah kaya napatingin na lang ako kay Mikha na todo todo na ulit ang ngiti.

"Jho! Hintayin kita ron!" Sigaw pa ni Stacey kaya tumango na lang naman ako.

"Pakisabi na lang kay Tita Ivy, salamat ulit" Usap ko pa sa kaniya kaya tumango naman siya.

Si Mikha naman ang tumingin sa akin ng nakakaloko ngayon kaya inunahan ko naman na siyang sumakay sa kotse niya para hindi na niya ako matukso pa sa harap nila Ate Aiah at Stacey.

"Anong meron sa inyo ni Stacey? Mukhang may kapartner ka na rin gaya ni Colet at Gwen ah" Nakangiting usap niya habang nagdadrive.

"Friends? Hindi naman mahirap pakisamahan si Pink Lady, nasasanay na nga rin ako sa mga biglaan banat niya e, kahit na minsan hindi ko makausap ng ayos" Sagot ko sa kaniya, tumango naman siya habang focus na focus pa rin sa pagdadrive.

"Ano nga ulit yung sasabihin mo?" Tanong ko pa sa kaniya, saglit pa siyang napatingin sa akin pero agad din naman siyang nakatanggap ng tawag at parehas naman namin na si Stacey yon.

"Mukhang may ipapabili pa sayo" Natatawa na lang na sabi ko kaya agad naman niya iyon sinagot.

"Pero, Stacey" Rinig ko pang sabi usap ni Mikha kaya agad naman akong napatingin sa kaniya, sa tono ng pananalita ni Mikha ay para bang pinigilan siya ni Stacey sa gusto niyang gawin.

"Okay, okay" Napapailing na usap na lang ni Mikha at muling humarap sa akin bago tuluyan huminga ng malalim.

"Oo na, sige na, hindi na" Pag sumuko na lang ni Mikha sa kausap niya sa cellphone niya bago tuluyan ibaba ang linya.

Maya-maya pa ay inis niyang hinampas ang busina niya ng biglang may nag overtake sa harapan namin.

"Hoy Mikhs! Chill!" Saway ko sa kaniya pero walang emosyon lang naman siyang tumingin sa akin.

"Ano bang problema mo? Nag away ba kayo ni Stacey?" Takang tanong ko pa sa kaniya pero umiling naman siya.

"Oh bakit bigla na lang uminit yang ulo mo?" Takang tanong ko pa sa kaniya pero hindi naman siya sumagot at huminga lang ng napaka lalim.

Habang nasa biyahe naman kami ay nanatili lang kaming tahimik hanggang sa makarating na kami sa tapat kung saan nandoon ang condo ng pinsan ko, bababa na sana ako ng bigla naman nagsalita si Mikha.

"Jho!" Tawag niya pa sa akin, napatingin naman agad ako sa kaniya at agad din siyang napaiwas ng tingin na para bang hindi alam kung ano ba ang dapat niyang sabihin.

"Ramdam kong kanina ka pa may gustong sabihin Mikhs, ano ba yon?" Tanong ko sa kaniya, tumango naman siya at humarap din sa akin.

"Si Stacey" Usap pa niya, taka lang naman akong tumingin sa kaniya

"Oh? Anong meron kay Pink Lady?" Tanong ko

"Alam na namin ni Aiah na hindi siya hinahatid ng driver nila at mas pinipili niyang mag commute kaysa sumabay sa amin ni Aiah" Usap niya, taka naman akong napatingin sa kaniya

"Paano mo nalaman?" Tanong ko pa sa kaniya

"Nakita kami nung driver nila kanina, biniro pa niya kami ni Aiah kung hindi raw ba kami nagsasawa kay Stacey kasi nga hindi na raw nagpapahatid sa kaniya" Seryosong usap pa ni Mikha

"Hindi niyo naman siya siguro isusumbong kay Tita Ivy, no?" Natatawang tanong ko sa kaniya, agad naman siyang umiling

"Hindi, hindi, kaya nga gusto kitang kausapin kasi gusto ko sana na isabay mo si Stacey kapag naisipan mong magcommute, makikiusap din sana kami ni Aiah kung pwepwedeng huwag mo siya iiwan mag isa" Seryosong usap pa niya.

"Teka nga! Teka" Naguguluhan ng usap ko sa kaniya kaya seryoso naman akong humarap sa kaniya.

"Ano ba meron kay Stacey? At bakit parang ingat na ingat kayo sa kaniya ni Ate Aiah?" Tanong ko pa sa kaniya.

"Hindi naging madali ang buhay ni Stacey, buong buhay niya, silang dalawa lang ni Tita Ivy ang magkasama " Seryosong usap pa ni Mikha habang seryoso kong pinakikinggan isa isa ang mga sinasabi niya

"Hindi pa ito yung tamang oras para sabihin ko sayo lahat, pero nakikiusap ako sayo, Jho, na sana kapag sayo sumasabay si Stacey, paki bantayan ng maigi o hindi kaya tawagan mo kami agad ni Aiah kapag napapagod na siya sa pag commute" Seryosong usap pa ni Mikha habang ako naman ay napapaisip pa rin sa mga salitang naririnig ko sa kaniya. At humihiling na sana mali tong naiisip ko.

"Okay" Sagot ko na lang at huminga ng napaka lalim, agad naman niya akong niyakap at tuwang-tuwa na humiwalay sa pagkakayakap sa akin.

"Gaya nga ng sabi ko sayo, hindi mahirap pakisamahan si Pink Lady"

"Ang totoo niyan, kahit madalas kaming magtalo niyan sa classroom, e, napapangiti niya pa rin ako sa simpleng pagbibiro niya tsaka mga kagaguhan na minsan ginagawa niyan kahit na minsan may pagka maarte kapag ako ang kasama" Natatawa usap ko kay Mikha kaya napailing na lang naman siya.

"Ako favorite niyan inisin e, wala na akong magagawa ron" Dagdag ko pa.

"Oh siya, wag na kayong mag alala ni Ate Aiah, pakisabi ako na bahala kay Stacey" Nakangiting usap ko pa sa kaniya kaya tinignan naman niya ako ng nakakaloko.

"Ayus ayusin mo buhay mo, Jho" Natatawang usap pa niya ng buksan ko na ang pinto ng kotse niya, natawa na lang din ako habang bumababa

"Inaayos na nga" Sagot ko kaya bahagya pa siyang gulat na tumingin sa akin

"Sige na, sige na, bye! ingat" Paalam ko na sa kaniya bago isara ang pinto ng kotse niya.

Sana mali talaga ang naiisip ko

"Parang hindi mo naman kilala si Mikha, Jho. May pagka over protective lang talaga yon minsan" Nasabi ko na lang sa sarili ko bago tuluyan pumasok sa building.

Kagustuhan kong ingatan ka
Kahit walang kasiguraduhan magiging akin ka

Will She Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon