CHAPTER III

923 30 0
                                    

Kinabukasan ay nauna na ang mga kaibigan ko papasok habang ako naman ay naghihintay pa rin ng paparating na tren dito sa train station, kagaya kahapon, nakita ko nanaman si Pink Lady sa di kalayuan. Lalapitan ko pa sana siya ngunit agad din naman dumating ang tren kaya ng lingunin ko siya ay nawala nanaman siya, wala naman na akong nagawa kundi ang pumasok na lang din sa loob ng tren.

"Hello?" Bungad ko ng sagutin ko ang tawag ni Colet.

"San ka?" Tanong pa niya

"Nasa tren na, bakit?" Tanong ko rin sa kaniya

"Balik ka, dalhin mo sasakyan mo" Sagot pa niya kaya nagulat naman ako

"Ano?! Siraulo ka ba?!" Sigaw ko pa sa kaniya kaya nahihiya naman akong lumingon sa mga tao sa tren ng makitang nakatingin na ang mga ito sa akin.

"Sorry po" Nasabi ko na lang, nakita ko naman na nakangiting napapailing si Pink Lady kaya umiwas na lang ako ng tingin. Patay ka sa akin mamaya, Colet.

"Ayoko, nakakatamad, balakajan" Sagot ko na lang bago ibaba na ang linya.

Nang makarating na ako sa school ay nakasabay ko pang umakyat si Pink Lady ng hagdan kaya naman saglit pa kaming natigil at nagkatinginan.

"Kung tititigan mo lang tong magandang mukha ko baka parehas lang tayong malate" Kunwaring seryoso pang sabi niya atsaka ngumiti, napanganga na lang naman ako sa sinabi niya at napapailing na sinundan siya ng tingin paakyat ng hagdan. Ako tititig sa kaniya? No way!

"Maganda? Sino? Siya?" Sunod-sunod na tanong ko pa sa sarili ko bago tuluyan sumunod sa kaniya papasok ng classroom.

Pagpasok ko naman ng classroom ay agad din napalingon sa akin ang tatlo at nagpalipat lipat pa sa amin ng tingin ni Pink Lady na kakaupo lang sa upuan niya.

"Kaya pala hindi na nagpapahintay" Asar pa ni Colet kaya naman hindi ko na lang siya pinansin at umupo na lang sa tabi niya.

"Half day lang daw tayo ngayon, kaya may time tayo para mag gala mamaya" Usap ni Mikha.

"Kaya ba pinapadala mo sa akin yung sasakyan?" Inis na tanong ko kay Colet. Tumango naman siya at ngumiti.

"Lakas din ng amats mo e no, nasa loob na kaya ako ng tren non tsaka alam mo bang napahiya ako sa loob ng tren dahil nagulat ako sa sinabi mo" Napapailing na usap ko sa kaniya pero nginitian niya lang naman ako at niyakap.

"Sorry na" Nakangiting usap pa niya habang nakangiti ng nakakaloko, napailing na lang naman ako at napatingin sa pwesto ni Pink Lady na nakatingin sa amin ni Colet, agad naman din siyang napaiwas ng tingin at kinausap na lang si Ate Aiah.

"Okay, class ngayon tayo mag eelect ng officers" Biglang usap ni Miss Ben habang naglalakad papunta sa table na nasa gitna.

Nang maopen na ang election para sa president ay isa-isa na silang nag banggit ng pangalan ng mga gusto nilang maging presidente ng klase hanggang sa...

"I nominate, Jhoanna Robles for President" Napatingin naman ako sa nag elect sa akin at nakita ko naman si Pink Lady na tumingin pa sa akin bago umupo, kita ko rin naman na napapailing si Mikha habang tawang tawa naman si Colet at Gwen.

"Kaya mo yan, master jho" Asar pa sa akin ni Gwen ng lingunin niya ako.

"Ano bang trip niyan?" Tanong ko kay Mikha ng kalabitin ko siya, lumingon naman siya sa akin at ngumit.

"Ikaw" Sagot niya tsaka binalik ulit ang tingin kay Miss Ben. Ano bang ginawa ko?

Napabuntong hininga na lang ako ng ianunsyo na ni Miss Ben na ako nga ang nanalo bilang presidente ng klase. Nagpatuloy naman ang botohan ng vice president hanggang sa muse at escort. At hindi naman ako papayag na ako lang ang papasok sa officers kaya ninominate ko rin ang tatlong ungas na nasa harap at tabi ko.

PRESIDENT:      JHOANNA ROBLES
V. PRESIDENT:  AIAH ARCETA
SECRETARY:    STACEY SEVILLEJA
TREASURER:   MALOI RICALDE
SGT AT ARMS: MIKHA LIM, COLET VERGARA
AUDITOR:         SHEENA CATACUTAN
PRO:                 GWEN APULI


"Ang sama ng trip ng Pink Lady mo, Jho. Pati tuloy ako damay" Reklamo pa ni Mikha, natawa na lang naman si Colet at Gwen kaya nakangiting humarap naman sa amin si Gwen kay Mikha.

"Sus! gusto mo rin naman kasi nandon si Ate Aiah" Asar pa ni Gwen kaya umiwas na lang ng tingin si Mikha.

"Kunwari pa kayong dalawa, e kayo rin naman" Asar ko naman sa kay Colet at Gwen

"Obvious naman na may gusto kayo ron sa Maloi at Sheena" Dagdag ko pa, sabay naman silang napatingin sa akin kaya napaiwas na lang din ako ng tingin.

"Bakit ikaw wala?" Tanong pa sa akin ni Colet, taka naman akong tumingin sa kaniya

"Anong wala?" Takang tanong ko pa sa kaniya.

"Wala kang gusto kay Pink Lady?" Tanong pa sa akin ni Gwen kaya napatingin naman ako sa kaniya.

"Bakit naman ako magkakagusto ron?" Takang takang tanong ko sa kaniya. Napalingon naman sa amin si Mikha habang natatawa.

"Ganyan din sinabi ko sa inyo noon, di ba? Tignan mo ko ngayon, kay Ate Aiah din bagsak" Napapailing na sabi niya at binalik na rin sa harap ang tingin.

"Tignan mo rin hanggang landian pa rin sila" Kunwari pang seryosong sabi ni Colet kaya napalingon naman ulit si Mikha sa kaniya.

"Totoo naman" Pag mamatapang na usap pa ni Colet kaya napailing na lang naman si Mikha.

"De, sige lang, Jho, hahayaan ka namin ienjoy yang pagiging indenial stage mo 2nd day pa lang naman" Dagdag pa ni Gwen at binalik na rin sa harap ang atensyon niya.

"Lalakas ng trip niyo" Napapailing na lang naman na sabi ko at sumandal na lang sa upuan ko. Gusto ko lang naman makapag focus sa acads ko para mayroon akong patuloy na may maipagmamalaki sa mama ko, pero tignan niyo naman, binigyan pa ako ng responsibilidad sa klase na 'to.

"Okay, since half day lang naman tayo, wala naman kayong masyadong gagawin except sa mga officers" Usap pa ni Miss Ben.

"Miss Robles?" Tawag pa sa akin ni Miss Ben, agad naman akong napatayo at tumingin sa kaniya.

"Yes, Miss?" Tanong ko.

"Bago kayo umuwi, dumaan na muna kayong mga officers sa office ko para mag meeting tayo saglit" Nakangiting usap pa niya bago kunin ang mga gamit niya.

"Yes, miss" Sagot ko bago umupo.

"Narinig niyo naman na, ayoko ng ulitin" Usap ko pa kay Colet.

"Oo, Mikha, ayy, Jho pala" Natatawang usap pa niya kaya hindi ko na lang naman siya pinansin.

Will She Come BackWhere stories live. Discover now