CHAPTER X

715 23 0
                                    

STACEY'S POV

"Lakas talaga ng tama mo diyan kay Jhoanna e no"  Natatawang usap sa akin ni Ate Aiah habang papasok na kami ng bahay.

Normal na sa amin to nila Ate Aiah at Mikha, ang ganitong pupunta sila sa bahay namin halos araw-araw o hindi kaya, sa kanila ako sa tuwing may importanteng lalakarin si Mommy. Welcome na welcome ako sa mga bahay nila na parang mga anak na rin ako ng mga Arceta at mga Lim. Welcome rin naman sila sa bahay namin kaya nga lang mas may buhay lang sa mga bahay nila kasi mas marami sila roon kumpara rito sa bahay namin na tanging kami lang ni Mommy, uwian pa ang kasambahay at driver namin.

"Okay lang yon, Ate Aiah, ano ka ba! Hindi naman niya alam yon" Natatawang usap ko sa kaniya kaya napapailing na lang din siyang natawa.

Ang totoo niyan matagal ko ng kilala si Jhoanna, madalas kasi siyang nababanggit sa amin ni Mikha noon at pinapakita pa niya sa amin minsan ni Ate Aiah na nakikipag video call siya sa mga kaibigan niya. Doon ko na nga nakita si Jhoanna at lalo ko pa nga siyang nagustuhan dahil sa mga pinag kwekwento sa amin ni Mikha.

"Malalaman niya yon kapag sinabi kong kinulit kulit mo si Mikha na pakausap kay Tito John yung mga school admin para lang maging kaklase natin yung tatlo this school year" Tawang-tawa pa rin na usap ni Ate Aiah habang inaalala ang kabaliwan namin bago mag pasukan.

Isa pa yan, nung malaman kong mag tratransfer nga sila Jhoanna sa school na pinapasukan namin ay pinilit ko talaga silang gumawa ng paraan para lang maging kaklase namin silang magkakaibigan, mabuti na lamang at kilala nila ang mga Lim at kami na rin tatlo dahil sa mga sinasalihan namin tatlo kaya naging madali na rin ang pag apruba nila sa kahilingan namin.

"Hanggang crush lang naman ito Ate Aiah atsaka obvious naman na wala akong pag-asa diyan kay Jhoanna no" Nasabi ko na lang din kay Ate Aiah

"At isa pa, hindi pwedeng mas lumalim pa samahan namin dalawa no, friends lang" Nakangusong usap ko pa sa kaniya kaya napatingin siya sa akin ng masama

"Alam ko nanaman patutunguhan ng kwentuhan natin na 'to, Stacku, akala ko ba———

"Okay okay okay, hindi na" Pagpuputol ko sa kaniya kaya napailing na lang naman siya.

Tumayo naman ako saglit para kunin ang gatas sa ref para inumin, kinuha ko rin naman si Ate Aiah ng maiinom bago tuluyan bumalik ulit sa sala.

"Bakit nga pala umabot si Jhoanna rito? Pinilit mo no?" Pag uusisa pa niya sa akin.

"Pinilit talaga? Para naman sinabi mong walang silbe itong ganda ko kay Jhoanna" Sagot ko sa kaniya kaya natawa naman siya na akala mong nang iinsulto.

"Hindi naman" Tawang-tawa pa rin na sabi niya.

"De, siya nagprisinta na ihahatid niya ako hanggang dito sa bahay, mag isa lang daw kasi siya sa condo ng pinsan niya kaya papagurin niya raw muna sarili niya para diretso pahinga na siya pag uwi" Kwento ko sa kaniya kaya napatango naman siya

"At talagang napagod talaga siya kasi mula ron sa paglagpas lang ng kaunti sa guard house hindi ko na kinaya kaya napaupo na ako sa tabi kaya ayon pinasan na niya ako hanggang diyan sa gate" Kwento ko kay Ate Aiah

"Atleast tinupad ko yung gusto niyang mapagod di ba? Anghel niyo talaga ako" Dagdag ko pa habang gulat lang naman siyang napatingin sa akin.

"Kamusta ka na? Okay ka lang ba?" Tanong pa niya kaya kung ano ano nanaman kalokohan ang naisip ko, kaya tumayo naman ako ng bahagya para mag inarte.

"Arayyy!" Ipit na sigaw ko pa at kunwaring may sumasakit sa katawan ko, kaya agad agad naman siyang nag aalalang tumayo palapit sa akin.

"My god! Stacku! Anong nangyari sayo? Anong masakit?" Natatarantang tanong niya habang chinecheck ang buong katawan ko, nang hindi na niya malaman ang gagawin niya ay tinawag na niya si Mommy.

"Tita!" Sigaw niya kaya agad ko naman tinakpan ang bibig niya, napatitig lang naman siya sa akin habang hindi ko na napigilan ang sarili ko kakatawa sa reaksyon niya. Hindi pa rin naman siya makapaniwalang tumingin sa akin bago ako tuluyang layuan.

"Huwag mo kong lalapitan, Stacku ah" Inis ng sabi niya atsaka bumalik sa pagkakaupo niya sa sofa, kinuha na lang naman niya ang cellphone niya sa bulsa niya habang ako naman ay tawang-tawa pa rin sa kaniya.

Makalipas ng ilan minuto ay hindi pa rin niya ako pinapansin kaya lumapit na ako sa kaniya para yakapin siya.

"Sorry" Paghingi ko sa kaniya ng paumanhin pero hindi pa rin niya ako pinapansin

"Ate Aiah, sorry na" Nakanguso ng sabi ko sa kaniya kaya inis lang siyang humarap sa akin.

"Huwag na huwag mo ng uulitin yon, pinakaba mo kong siraulo ka" Inis pa rin na sabi niya kaya tumango na lang naman ako at niyakap siya ulit.

Bigla naman ng dumating si Mikha kaya napapailing na lang siya ng makita niya kami ni Ate Aiah.

"Ano nanaman ginawa mo Stacku?" Natatawang tanong niya habang nilalapag sa mesa ang mga pagkain na dala niya.

"Yang gaga mong kaibigan, umarte na mayroon masakit sa kaniya, tuwang tuwa pa sa pinag gagagawa niya" Inis pa rin na sagot ni Ate Aiah kay Mikha kaya napailing na lang naman si Mikha.

"Ayon pa talaga naisip mong trip ah" Seryoso na rin usap ni Mikha kaya napanguso na lang naman ako.

"Dito na tayo sa sala kumain, si Tita?" Usap pa ni Mikha

"Tawagin ko lang saglit" Sagot ni Ate Aiah atsaka akma pang tatayo

"Ate Aiah, sorry ulit, hindi ko na uulitin promise" Paghingi ko pa ng paumanhin habang yakap yakap siya ng mahigpit niyakap niya rin naman ako pabalik.

"Okay sige, tawagin mo na si Tita Ivy" Natatawa ng sabi niya kaya napahiwalay naman na ako sa pagkakayakap ko sa kaniya.

"De, sige tumayo ka na, kaya mo na yan" Usap ko sa kaniya kaya inis nanaman niya akong binato ng unan bago tuluyan umalis sa sala para tawagin na si Mommy.

"Inggit ka?" Biglang tanong ko kay Mikha na busy inaayos ang mga pagkain

"Saan?" Takang tanong pa niya sa akin atsaka tinuloy ang paglalabas ng pagkain sa paper bag.

"Kasi malaya kong nayayakap si Ate Aiah samantalang ikaw naiilang" Tawang tawa sabi ko sa kaniya kaya napailing na lang naman siya.

"Ayyiiieeee" Asar ko pa sa kaniya kaya natawa na lang naman kami parehas.

Will She Come BackWhere stories live. Discover now