CHAPTER XVI

665 28 4
                                    

STACEY'S POV

"Ikaw ba, Pink Lady? Naniniwala ka bang may kaniya kaniyang oras ang mga bagay bagay? Naniniwala ka bang posibleng maubusan ng oras?" Biglang tanong sa akin ni Jhoana habang nakatitig sa apoy na nasa harap namin.

Nandito kami ngayon sa Daraitan, Tanay. Matapos kasi ng roadtrip namin nila Ate Aiah at Mikha ay mas nanaig pa rin ang kagustuhan kong ulitin ang mga ganon klaseng gala. Tamang roadtrip habang nakatingin sa magagandang tanawin.

At si Jhoanna nga ang naisip kong yayain, bukod sa siya ang gusto kong makasama, kailangan ko rin siyang kausapin.

Sakto naman na may alam siyang galaan at nabanggit niya nga sa akin ang private camping site na nasa tabi ng ilog dito sa Daraitan. Malaki para sa amin dalawa ang camping site pero nung una pa lang naman ay napagkasunduan na namin pareho na ilihim na lang muna sa mga kaibigan namin ang plano, para hindi na muna mangulit na sumama ang mga ito at para makapag usap na rin kami ng ayos.

Personal naman niya ako pinagpaalam kay Mommy para sa isang araw at isang gabi na pag sstay namin dito sa Tanay, noon una ay nagdalawang isip pa si Mommy pero kinalaunan ay pumayag din naman ito, kung ano-ano pa muna ang binilin niya sa akin sa kwarto bago ako bumaba at ganon din kay Jhoana bago kami umalis.

Ngayon ay nasa labas kami ng kubo na tinutuluyan namin, tamang bornfire lang habang tahimik na nagmumuni-muni at ineenjoy ang malamig na simoy hangin.

"Oo naman, lahat ng tao, hayop o mapa bagay man yan, lahat yan may kanya kanyang oras, parang battery lang yan, sa una maganda pa ang daloy kasi bago pa, marami pa, pero habang tumatagal, bumabagal na ang gana, kasi nga luma na, unti-unti ng nauubos" Sagot ko sa kaniya habang tinatapat sa apoy ang hotdog at marshmallow na nasa stick na hawak ko.

"Pero hindi naman de battery ang buhay, di ba?" Tanong pa niya, humarap naman ako sa kaniya at ngumiti.

"Hindi nga, maliban na lang sa mga buhay na may deperensya, na tanging makina na lang ang nagpapagana" Sagot ko sa kaniya, hindi naman siya nakasagot agad at napatitig na lang sa akin.

Tumabi naman siya sa akin at laking gulat ko pa ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Pwede mo bang ipangako sa akin na hindi ka mauubos gaya ng baterya? Pwede mo bang ipangako sa akin na hindi mo hahayaan magka deperensya ang buhay mo at hinding hindi ka magpapagana sa mga makina na sinasabi mo?" Seryosong tanong niya sa akin. Hindi ko alam pero mas dumoble ang bigat at sakit na nararamdaman ko.

Napaiwas na lang naman ako ng tingin at binawi na ang kamay ko na hawak hawak niya, agad ko rin naman tinabi sa gilid ang stick na hawak ko at pilit na iniiwas ang mga mata ko sa mga mata niyang nasa akin pa rin ang tingin.

Hindi ko kayang tignan si Jhoanna. Hindi ko siya kayang tignan na nasasaktan sa sitwasyon na hindi nalalayo sa katotohanan. Hindi ko siya kayang pangakuan sa isang bagay na, nangyari na, sa isang bagay na wala ng kasiguraduhan.

"Stacey, mahal na kita" Biglang usap niya kaya gulat pa akong napatingin sa kaniya. Huminga naman muna siya ng malalim bago hawakan ang kamay ko.

"Jho"

"Stacey, mahal kita" Sabi pa niya habang hawak hawak na ang magkabilang pisnge ko, para naman akong nilulunod ang mga mata niya dahil sa titig niya matapos niya sabihin ang mga katagan iyon. Hindi ko naman na mapigilan ang maluha, na agad din niyang pinunasan.

"Jhoanna, hindi pwede" Nasabi ko na lang sa kaniya at nagpatuloy na nga ang pagbagsak ng mga luha sa mga mata ko.

"Hindi pwede"

Hindi naman siya nagsalita at niyakap na lang ako hanggang sa naramdaman ko na rin naman na umiiyak na rin siya sa siyang kinaiyak ko pa lalo.

"Jhoanna, I'm sorry" Nasabi ko na lang, hindi naman ako nakarinig ng salita mula sa kaniya bagkus ay ang malumanay na halik sa ulo ko ang natanggap siyang natanggap ko.

"Sshhhh, okay lang, huwag kang mag alala, Mahal pa rin kita" Natatawa ng sabi niya habang yakap yakap pa rin ako.

Ako naman ngayon ang yumakap ng napaka higpit sa kaniya at tahimik na pinapanalangin na sana panaginip lang ang lahat ng ito. Na sana, hindi ako mahal ng taong nasa harap ko.

Dahil mas matatanggap ko pang hindi niya ako kayang mahalin kaysa sa makitang nasasaktan siya ng dahil lang sa akin.

"I'm sorry" Nasabi ko na lang ulit. Alam kong kulang ang salitang sorry sa sakit na nararamdam namin ngayon pero iyan lang talaga ang kaya kong sabihin sa kaniya ngayon.

Hindi ko alam kung paano mawawala ang sakit na binigay ko sa kaniya pero sana sa yakap ko, maramdaman niyang mahalaga rin siya sa buhay ko.

"I love you" Bulong pa niya sa akin kaya mas lalo ko naman hinigpitan ang pagkakayap ko sa kaniya.

"Hindi tanong ang pag aamin ko sayo na Mahal kita, kaya hindi mo kailangan sagutin yon pabalik, isa lang ang hinihiling ko sayo, Pink lady" Usap pa niya habang yakap yakap pa rin ako.

"Na sana, huwag mo kong ipagtulakan palayo sayo, na sana, huwag kang umalis palayo sa akin" Dagdag pa niya at doon ko nanaman narinig ang mahinang pag iyak niya.

Kung ngayon pa lang ay nasasaktan na kita, siguro nga, na dapat sulitin na natin tong mga oras na 'to habang nasa pagitan pa ng mga bisig natin ang isa't isa. Dahil hanggat makina ang nagpapagana ng halos sa lahat. Mananatili pa rin na ang kinabukasan ay walang kasiguraduhan.

Will She Come BackWhere stories live. Discover now