CHAPTER XI

667 23 0
                                    

STACEY'S POV

Kinabukasan ay mas inagahan ko ang pag aayos sa sarili ko bago pumasok sa eskwelahan dahil may usapan kami ni Jhoanna kahapon na sa Train Station kami magkikita. Ayoko naman na siya pa ang paghintayin ko dahil ako naman talaga ang humingi sa kaniya ng permiso na kung maari ay sabay na kami papasok.

"Okay, done na" Usap ko sa sarili ko sa salamin bago tuluyan bumaba, sakto naman na nasa dining area na si Mommy at ang isa namin kasambahay na naghahanda na ng agahan.

"Good morning Mommy! Good morning ate Beth!" Masayang bati ko sa kanila kaya agad naman sila napangiti.

"Good morning!" Nakangiting bati pa ni Mommy bago tuluyan akong harapin.

"Ang aga mo yata ngayon? tsaka, yan ngiting yan ah! ano yan?" Panunukso pa niya sa akin kaya natawa na lang naman ako.

"Ito ang ngiti ng magaganda, mommy, huwag ka na magtaka" Sagot ko na lang sa kaniya bago kumuha ng pagkain.

"Sus! Ang sabihin mo, yan ang ngiti ng excited makita si Jhoanna" Natatawang panunukso pa niya sa akin bago tuluyan maupo sa upuan niya.

"Wow! mmy, botong boto ah" Usap ko pa sa kaniya kaya nakangiti naman siyang tumango

"May magagawa ba ako? E laki kitang naririnig noon pa na puro Jhoanna lumalabas sa bibig mo" Usap pa niya kaya natawa na lang naman ako, saglit pa kaming nagkwentuhan bago ako tuluyan magpaalam sa kaniya, ang alam niya ay kila Mikha ako sasabay ngayon kaya nauna naman na siya umalis papasok kasama ng driver namin.

Nang hindi ko na matanaw ang sasakyan namin ay agad na ako naglakad palabas ng subdivision, sakto naman na rumoronda si Manong Guard kaya inangkas naman na niya ako sa motor niya palabas ng gate.

"Salamat, Manong guard! da best ka po talaga" Sabi ko pa sa kaniya at sumaludo pa.

"No problem, ma'am. Ingat po kayo!" Pahabol pa niya kaya kumaway na lang naman ako sa kaniya bago tuluyan sumakay ng tricycle papunta ng station.

Nang makarating na ako sa station ay laking gulat ko pa ng makita ko na si Jhoana roon sa bench kung saan kami naupo kahapon.

"Ang aga mo" Gulat pa rin na bungad ko sa kaniya.

"Inagahan ko talaga para hindi ka na maghintay" Sagot niya bago ako umupo sa tabi niya.

"Sarap naman sa tenga non" Usap ko pa sa kaniya kaya napangiti naman siya.

"Hindi ka ba napapagod mag commute?" Biglang tanong niya sa akin kaya taka naman ako umiling.

"Kung gusto mo dalhin ko na araw-araw yung sasakyan ng papa ko tas susunduin na lang kita sa inyo?" Tanong pa niya sa akin kaya mas taka naman akong tumingin sa kaniya.

"No, mas trip kong mag commute" Nasagot ko na lang kaya tumango na lang naman siya sa akin.

Nang dumating na ang tren ay sabay na kaming napatayo ni Jhoanna at pinauna naman na niya ako papasok ng tren, pagpasok namin ay may isang bakante na lang ng upuan kaya nag tinginan pa muna kami kung sino ba ang uupo sa amin.

"Ikaw na" Sabi ko sa kaniya pero umiling lang siya at inaalalayan na lang ako paupo sa upuan.

"Ikaw na, baka matumba ka lang sa sobrang payat mo" Asar pa niya sa akin kaya inambahan ko na lang naman siya, natawa na lang naman siya habang naupo na lang naman ng ayos sa upuan.

Matapos ng ilan minutong pag bibiyahe ay nakasabay pa namin si Ate Aiah at Mikha na paakyat na rin sa classroom namin.

"Sabay kayo?" Nakangiting tanong sa akin ni Ate Aiah kaya napatingin na lang naman ako kay Jho na chill na chill lang nakatingin sa amin. Ayokong mag sinungaling.

Kaya tumango na lang naman ako bilang sagot

"Nag commute lang kami" Sagot ko kaya tumango naman siya bago pa siya pumulupot sa braso ko bago kami ulit umakyat ng hagdan.

"Akala ko magsisinungaling ka pa e" Biglang usap ni Mikha sa likod namin kaya taka naman akong lumingon sa kaniya.

"Alam na namin na nag cocommute ka lang, nakausap namin yung driver niyo" Gulat naman akong napatingin sa kaniya.

"Akala niya sa amin ka sumasabay, ang akala rin naman namin sa driver niyo ikaw sumasabay" Napapailing na sabi pa ni Ate Aiah kaya napanganga na lang naman ako sa gulat.

"Pero Ate Aiah ———

"Mag cocommute ka lang kapag kasama mo si Jhoanna" Usap niya sa akin atsaka lumingon kay Jho, agad din naman ako napatingin kay Jho at nagulat na lang din ako sa sunod niyang sinabi.

"Huwag ka na mag alala diyan, Ate Aiah. Ako na bahala diyan kay Pink Lady" Usap pa ni Jho kay Ate Aiah kaya nakangiti naman ng tumango si Ate Aiah bago ulit ako tuluyan hilahin papasok na ng room.

Agad naman kami sinalubong ni Maloi at Sheena nang kung ano anong chika kaya hindi ko naman na nagawang lingunin si Jhoanna.

Will She Come BackWhere stories live. Discover now