CHAPTER XXI

635 26 0
                                    

JHOANNA'S POV

"Myeloma" Biglang usap ni Tita Ivy.

Nandito na kami ngayon sa loob ng kwarto ni Stacey.

Si Colet ang nakakita sa akin sa labas ng kwarto ni Stacey at gaya nga ng inaasahan ko ay gulat na gulat siyang makitang nasa hospital din ako, sa hospital kung nasaan yung taong mahal ko.

Nang makita ako ni Colet ng mga oras na yon ay agad pa muna siyang pumasok ulit sa loob at sa muling paglabas naman niya ng kwarto ay kasama na niya ang mga kaibigan namin.

Hindi na lang naman ako nag salita at narinig ko na lang kay Ate Aiah na nagpapahinga na si Stacey kaya hindi na rin ako nagdalawang isip na pasukin na siya sa loob.

Nandito na ako ngayon sa harap niya, alam kong hindi siya matutuwang makita ako rito pero parehas lang din naman kami dahil gaya niya hindi rin naman ako natutuwang makita siya rito na hinang hina.

"Bone marrow cancer" Dagdag pa ni Tita Ivy kaya napaiwas na lang naman ako ng tingin kay Stacey.

"Cancer" Nasabi ko na lang at napatingin kay Tita Ivy, tumango naman siya at hinawakan pa ang kamay ni Stacey bago sumagot.

"Nakuha niya yon sa side ng daddy niya, nung unang beses na nalaman namin yang tungkol sa sakit niya, wala siyang ibang ginawa kundi palakasin lagi ang loob ko, lagi niya sinasabi sa akin na kakayanin niya yang sakit niya, na lalaban siya at hindi niya ako iiwan" Kwento pa ni Tita Ivy kaya napatingin na lang ulit ako kay Stacey.

Paano mong nagagawang manatiling malakas kahit na sa loob mo'y hinang hina ka na?

"Kaya nga gusto ko rin siyang tulungan sa laban niya, kaya nilapitan ko na ang mga dapat kong lapitan para mas mapadali ang pagpapa appointment namin sa mga kilalang hospital sa Dubai dahil kailangan na niyang magpa bone marrow transplant sa lalong madaling panahon" Dagdag pa ni Tita Ivy kaya napabuntong hininga na lang naman ako.

"Dubai?" Tanong ko pa kay Tita Ivy, tumango naman siya at ngumiti.

"Oo, Jhoanna, sa Dubai, ang totoo niyan ready na kami sa pag alis, hinihintay na lang talaga namin kung saan kaming hospital tatanggapin" Sagot pa niya

"Kaya nga hinihiling ko sayo na sana mahintay mo ang anak ko, sana hindi mawala yang pagmamahal mo kahit na dalhin ko pa siya sa malayo" Usap pa ni Tita Ivy kaya ngumiti naman ako.

"Hindi niyo na po kailangang hilingin sa akin yon tita kasi kahit na ano pong mangyari, hihintayin at hihintayin ko po tong si Stacey" Nakangiting usap ko sa kaniya kaya napangiti na rin siya.

Iniwan naman na muna ako ni Tita Ivy kay Stacey dahil may mga kakausapin pa raw siyang mga doktor kaya agad din naman ako tumango at umupo na sa kama ni Stacey.

Napangiti naman ako ng mahawakan ko ulit ang napaka ganda niyang mukha.

"Ang daya mo" Nasabi ko na lang sa kaniya habang tinititigan pa rin ang mukha niya

"Ito ba yung dahilan mo kaya lagi mong sinasabi na hindi pwede?"

"Paanong hindi pwedeng mahalin at magmahal ang isang katulad mo?"

"Wala ka naman pala e. Ang tapang tapang mong makipag sabunutan sa akin pero duwag ka naman palang mahalin ako"

Hinalikan ko na lang naman ang noo niya atsaka hinawakan ang kamay niya.

"Miss na kita, Pink Lady"

"Huwag ka na lang maingay sa kanila pero mas gusto ko pa ring kumain sa room ng mga gulay at prutas na kasama ka kaysa sa mga pagkain na karne na wala ka" Natatawang usap ko pa sa kaniya.

Ilan saglit pa ay bumalik na rin si Tita Ivy at masayang lumapit sa akin.

"Makakauwi na si Stacey" Bungad niya sa akin.

"Nung nakaraan pa kasi yang nagsasabi na gusto na niyang umuwi, kaya nag request na ako sa doktor niya na kung pwede na sa bahay na siya iconfine, mabuti na lang at pumayag yung doktor niya" Nakangiting dagdag pa niya kaya napatango na lang naman ako.

"Pwede ko naman ho siya dalawin sa inyo, hindi ho ba?" Nag aalangan na tanong ko pa kay Tita Ivy. Tinapik naman niya ang braso ko at natawa pa ng bahagya.

"Oo naman, Jhoanna"

"Pero sana matiis mo pag mamaldita niyang batang yan, pag may mga bagay pa naman na hindi nasusunod diyan e dinaig pa yung tigre kung magwala" Natatawang bilin pa ni Tita Ivy.

"Ako bahala diyan, Tita Ivy. Magiging maamong pusa sa akin yan" Nakangiting sabi ko pa sa kaniya kaya natawa naman siya.

Kinagabihan ay nagpaalam na rin ako sa kaniya para umuwi. Bago pa tuluyang lumabas ng kwarto ni Stacey ay nagpaalam naman muna ako para sa mga susunod kong plano, kita ko naman na masaya siya sa plinaplano ko at masaya rin ako ng bigyan niya ako ng isang 'YES' bilang pang sang ayon.

Ang buong akala ko, okay lang ako dahil nagagawa kong makatawa at makangiti sa harap ni Tita Ivy at ni Stacey. Pero nang makapasok na ako sa sasakyan ko parang doon lang nag sink in ang lahat ng mga malaman ko, doon ko lang naramdaman yung matinding sakit, doon ko lang naintindihan kung bakit hindi pwepwede, doon ko lang tuluyang naintindihan ang buhay na de makina.

Hindi ko na mabilang ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko, hindi ko na alam kung paano ilalabas ang sakit na nadarama ko. Ang alam ko lang, ayokong mawala si Stacey at gagawin ko ang lahat para lang maging okay siya, gagawin ko lahat para lang manatili siya rito sa mundong ito.

Para maging okay lang ang taong mahal ko.

Will She Come BackWhere stories live. Discover now