CHAPTER VIII

724 26 1
                                    

Nang makaupo na kami parehas sa sofa ay agad ko rin siyang hinarap habang siya naman ay nilalaro na ang alaga niyang pusa.

"Alam mo, wala sa mukha mong wala masyadong kaibigan" Usap ko sa kaniya, natawa naman siya at binaba na ang alaga niyang si Sassha.

"Ano ba dapat yung mukha ng walang masyadong kaibigan?" Tanong pa niya kaya hindi naman akong nakapaniwalang humarap sa kaniya.

"Ganto ba? Ganto? O ganto?" Tanong pa niya habang nagsasad face kaya naman ay napailing na lang ako

"Bakit ba ako umaasa na makakausap kita ng ayos?" Natanong ko na lang at sumandal sa sofa nila. Natawa naman siya at bahagya pang lumapit sa akin.

"Hindi ko trip maging kaibigan yon iba, okay na ako kay Ate Aiah at Mikha" Usap pa niya kaya napatango na lang ako

"Atleast meron ka ng ako, di ba?" Usap ko rin sa kaniya kaya napangiti naman siya.

"Oo naman, masaya akong meron na akong Jhoanna" Todo ngiti pang usap niya atsaka nagpatango tango na animo'y nangangasar.

"I mean, ako tsaka sila Colet" Pagdedepensa ko pa sa kaniya pero hindi naman na niya ako pinansin at kunwari pang wala siyang naririnig.

Sakto naman na nakita ko na si Tita Ivy na may dala dalang tray ng pagkain kaya agad din akong tumayo para tulungan siya.

"Ako na ho" Alok ko pa sa kaniya kaya napangiti rin naman ako ng ibigay niya ang tray sa akin.

"Salamat, Jho" Pasasalamat niya sa akin at bahagya pang tinapik ang balikat ko.

"Sana mapadalas ka pa rito sa amin para may makakwentuhan naman tong anak ko kapag may ginagawa ako" Usap pa ni Tita Ivy sa akin ng nailapag ko na ang tray sa mesa nila sa sala.

"Hay nako, mmy. Jho wag mong intindihin yang mommy ko" Usap pa ni Stacey bago kumuha ng pagkain sa tray.

"Sige ho ba, Tita Ivy. Yun ay kung okay lang po sa inyo na dumalas ako rito" Nakangiting usap ko pa kay Tita Ivy, napangiti naman ito kaya agad din ako niyakap nito ng bahagya.

"Nako! Oo naman no, okay na okay, Jhoanna, walang problema" Todo ngiti pang usap ni Tita Ivy napatingin naman ako kay Stacey na nakatingin lang sa amin ng mommy niya habang napapailing.

"Sige, maiwan ko na kayo, kumain ka na Jhoanna ah, may tatapusin lang ako" Pagpapaalam na ni Tita Ivy bago kami tuluyan iwan ni Stacey sa sala.

"Huwag mong intindihin mga pinagsasabi ni Mommy, kumain ka na" Usap pa niya habang hindi tumitingin sa akin.

"Seryoso ako sa sinabi ko sa mommy mo" Usap ko sa kaniya kaya napatingin naman na siya sa akin.

"Mag isa lang ako sa condo ng pinsan ko, mukhang mag isa ka lang din dito kapag may ginagawa mommy mo, kaya sabihan mo lang ako, darating agad ako" Usap ko pa sa kaniya kaya napangiti naman siya.

"Hmm nandiyan naman sila Ate Aiah at Mikha pero sige, hindi ko palalagpasin yan, tatandaan ko yang sinabi mo" Nakangiting usap pa niya

Nagmeryenda naman kami habang nagpapatugtog siya ng kung ano-ano sa sala nila, ginala ko naman ang mata ko sa sala nila at doon ko napagtantong hinding hindi akong magsisise na Pink Lady ang natawag ko sa kaniya simula pa lang nung una dahil halos karamihan sa mga gamit nila ay meron touch of pink.

"May kapatid ka ba, Jho?" Biglang tanong niya sa akin habang nilalaro niya ulit si Sassha.

"Wala, only child lang ako" Sagot ko, hindi ako komportableng pag-usapan ang bagay na 'to pero si Stacey naman ito kaya okay lang siguro yon.

"Parehas pala tayo" Usap pa niya kaya napatango na lang ako.

"Mabuti na lang talaga lumipat sila Mikha diyan sa tapat noon at kahit papaano may nakasama kami ni Ate Aiah maglaro noon" Nakangiting usap pa niya kaya napangiti na lang din ako.

"Siguro kung hindi kami bumalik sa Laguna non nakilala kita ng mas maaga" Sagot ko na lang habang nakasandal na ulit sa sofa nila.

"Siguro nga, alam mo ba naniniwala ako na ang lahat ng bagay may dahilan" Biglang seryosong usap pa niya kaya napailing naman ako

"Wow! ang seryoso ah" Natatawang usap ko na lang habang nakatingin sa kaniya

"Seryoso nga, Jho" Usap pa niya sabay ng pag iirap sa akin.

"Oo siguro nga lahat ng bagay may dahilan pero minsan naiiisip ko na lang na sinasabi lang nila yon para pagaanin yung loob ng isang tao" Sagot ko na lang at hiniram sa kaniya si Sassha na agad niya rin naman binigay sa akin.

"Bakit mo naman nasabi yan?" Takang tanong pa niya kaya nakibit balikat naman ako

"Pakiramdam ko lang, paulit-ulit na lang kasi yang lahat ng bagay may dahilan na yan pero ni isa walang nagsasabi kung ano ba talaga yung dahilan" Usap ko pa sa kaniya kaya napatango na lang naman siya.

"Hmm, kung hindi mo man mahanap yung dahilan, gusto ko lang malaman mo na nandito lang ako, pwede mo kong sabihan" Nakangiting usap pa niya sa akin habang nakasandal na rin siya sa sofa, napatingin naman ako sa kaniya at napangiti.

"Gusto ko rin malaman mo na nandito lang din ako para sayo at pwede mo na rin akong guluhin kung kailan mo gusto" Natatawang usap ko sa kaniya kaya natawa na lang din naman siya.

"Guluhin talaga? pero sige" Sagot pa niya kaya parehas naman kaming natawa at sinulit na parehas ang oras bago ko pa maisipan ang umuwi.

Will She Come BackDonde viven las historias. Descúbrelo ahora