CHAPTER XVII

608 23 2
                                    

STACEY'S POV

Makalipas lang ng ilang minuto matapos niyang aminin ang nararamdaman niya sa akin ay agad na rin akong nagpaalam para mauna ng magpahinga, nakangiti naman siyang tumango at sinabing mananatili na muna siya roon para magpahangin.

Bago pa makapasok sa kubo na tutulugan namin ay saglit ko pa siyang tinignan bago tuluyan pumasok sa loob.

Kasalanan ko, kung hindi ko sana hinayaan na manaig ang nararamdaman ko sa kaniya noon pa ay hindi na sana kami humantong sa ganito.

Nasaktan ko si Jhoanna.

Nasaktan ko yung taong mahal ako.


Kinabukasan, wala naman nagbago sa pagtratrato niya sa akin, kung ano siya sa akin noong hindi pa siya umaamin sa akin ay ganon pa rin siya hanggang sa ngayon na nasaktan ko siya. Maingat pa rin siya pagdating sa akin at hinatid pa rin niya ako hanggang bahay, sakto naman na nandoon ang driver ni Mommy kaya tinulungan na niya kami ni Jhoanna na ibaba sa kotse nito ang mga gamit ko.

Nang makapasok na sa loob ang driver namin ay agad ko pang tinawag si Jhoanna para yakapin ito.

Ito lang ang kaya kong gawin sa ngayon at isang mahigpit na yakap lang ang kaya kong ipabaon.

"Sabay tayong papasok bukas ah, hihintayin kita" Usap niya bago kumalas sa pagkakayakap ko, tumango naman ako at ngumiti sa kaniya.

"Jhoanna —

"I love you" Pagpuputol niya sa sasabihin ko.

Sakto naman dumating si Mommy kaya hindi na ako nakapag bitaw pa ng salita.

"Oh! mabuti naman at ligtas kayong nakauwi, kamusta lakad niyo?" Masayang bungad sa amin ni Mommy, agad naman ngumiti ng malapad si Jhoanna ng humarap ito kay Mommy.

"Okay na okay, Tita Ivy. Salamat ho pala ulit sa pagpayag kay Stacey, salamat din po sa tiwala" Pasasalamat pa ni Jhoanna kay Mommy, bahagya pang tinapik ni Mommy ang braso ni Jhoanna bago sumagot.

"Wala yon, basta ikaw, Jhoanna" Biro pa ni Mommy kaya napangiti na lang ulit si Jho.

"Pasok ka muna, para makapag pahinga ka na muna saglit" Yaya pa ni Mommy kay Jho, napatingin naman ako kay Jho habang hinihintay ang isasagot nito.

"Hindi na ho muna siguro, baka po kasi hindi pa makapag pahinga tong si Stacey kung magstay pa po ako diyan sa loob" Sagot niya kay Mommy kaya tumango lang naman ito.

Ilan saglit pa ay dumating si Ate Aiah at Mikha para lapitan kami, tahimik lang nila kaming pinagmasdan ni Jhoanna kaya parehas na lang kami nitong napaiwas ng tingin.

"Pasok na ako, Jho ah, Ingat ka sa pag uwi" Paalam at bilin pa ni Mommy kay Jhoanna bago pumasok sa loob

"Sige po, tita. Salamat po ulit" Pasasalamat pa ni Jhoanna kay Mommy, nang tuluyan ng makapasok si Mommy ay agad ko rin hinarap ulit si Jho.

"Una na ako" Paalam na niya sa amin, ngumiti na lang naman kami sa isa't isa bago siya tuluyang maglakad na papasok sa kotse.

"Doon muna ako tatambay, nagyaya sila Colet at Gwen sa condo e" Paalam ni Mikha sa amin ni Ate Aiah at mabilis na pumasok sa kotse ni Jhoanna.

Nang makaalis na sila ay agad din akong niyaya ni Ate Aiah papanik sa kwarto ko, nang makapasok na kami ay hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak.

Kaya agad agad din naman akong nilapitan ni Ate Aiah para yakapin.

Sana kahit sa yakap nila ay mawala man lang yung sakit,
Sana kahit sa pagbuhos ng iyak ay mabawasan man lang ang mga hinanakit.

"Sabi na e, anong nangyari?" Tanong niya sa akin habang hinahagod hagod ang likod ko. Hindi naman ako nakasagot agad kaya niyakap pa na muna niya ako.

"Sige lang, iiyak mo lang yan, mas mahihirapan ka lang kung ikikimkim mo lang yan" Sabi pa niya, agad ko naman pinunasan ang luha ko bago tuluyan humarap sa kaniya.

"Mahal ako ni Jhoanna, Ate Aiah" Nakangiting usap ko sa kaniya habang patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha ko.

"Hindi ba dapat masaya ka? Si Jhoanna na yan oh, matagal mo na siyang gusto, di ba?" Usap pa niya kaya mas lalo naman akong naiyak. Bakit ang hirap?

"Ate Aiah, alam mo naman hindi pwede diba" Sagot ko sa kaniya, napailing na lang naman siya bago ulit ako yakapin.

"Ikaw lang naman nagsasabi na hindi pwede"

"Stacku, pwedeng pwede kung gugustuhin mo" Usap niya sa akin habang hawak hawak ang mukha ko.

"Pero ayoko siyang maiwan" Nasabi ko na lang

"Sino ba may sabing iiwan mo siya? Sino bang may sabing iiwan mo mommy mo? Sino bang may sabing iiwan mo kami?" Sunod-sunod na tanong niya. Hindi naman ako nakasagot at napayuko na lang.

"Stacey, gawin mong inspirasyon si Jhoanna para lumaban, hindi mo kailangan pahirapan si Jho at mas lalong hindi mo kailangan pahirapan ang sarili mo" Seryosong usap niya habang pinupunasan na ang mga luha ko.

"Deserve rin malaman ni Jho at ng iba pa nating kaibigan ang tunay na kalagayan mo" Dagdag pa niya kaya napaiwas na lang naman ako ng tingin.

"Matatalino at mas lalong hindi tanga ang mga kaibigan natin, Stacku. Nakakahalata na rin yon sayo, napapaisip na rin ang mga yon at hirap na rin akong itago sa kanila ang sitwasyon mo" Usap pa niya sa akin habang napapaiyak na rin siya

"Hirap na rin akong makita kang nagkakaganyan, Stacey. Hindi ko alam kung bakit parang bigla ka na lang sumusuko sa lahat, akala ko ba lalaban ka?" Umiiyak ng usap niya sa akin.

"Huwag na huwag kang panghihinaan ng loob, lumaban ka para kay Tita Ivy, lumaban ka para sa amin at lalong lalo na para sa sarili mo" Usap pa niya habang yakap yakap na ako.

"I love you, Ate Aiah, love na love ko kayo ni Mikha" Nasabi ko na lang habang yakap yakap siya.

"Nakarinig ba si Jhoanna ng mga salitang yang galing sayo?" Tanong pa niya.

Will She Come BackDove le storie prendono vita. Scoprilo ora