CHAPTER VII

719 27 0
                                    

Paglabas namin mula sa tren ay naupo na muna siya sa isang bench kaya wala naman na akong nagawa kung hindi ang maupo na lang din sa tabi niya. Mabuti na lang ay wala pang masyadong tao sa station kaya kahit papaano ay nakaramdam pa kami ng kaunting pahinga.

"Hatid na kita sa inyo" Biglang usap ko sa kaniya, taka naman siyang napatingin sa akin

"Seryoso, wala rin kasi akong gagawin, mabobored lang ako sa condo ng pinsan ko" Nakangusong usap ko sa kaniya kaya napangiti na naman siya.

"Okay, sabi mo yan ah" Biglang usap niya atsaka tumayo

"Wala ng atrasan yan, Jho" Usap pa niya tsaka naunang naglakad agad ko naman siyang sinundan sa paglalakad at tinignan ang mga nasa paligid para maging pamilyar na rin ako kung sakaling pumunta ako sa kanila sa susunod. Advance ako e.

Nang makarating kami sa terminal ng tricycle ay sinabi naman na niya ang destinasyon namin kaya pinapasok na rin kami ng driver sa loob, makalipas lang ng ilan minutong biyahe ay nakarating na rin kami sa gate ng isang subdivision.

"Pamilyar" Nasabi ko na lang pagbaba namin ng tricycle. Ngumiti naman siya

"Malamang kaibigan mo si Mikha e" Natatawang sabi niya tsaka naglakad na palapit sa gate.

"Hi, Manong Guard, sikreto lang ho natin to ah" Nakangiting bati pa niya sa guard kaya ngumiti rin naman ito sa kaniya.

"No problem, ma'am" Sagot pa ng guard kaya agad din akong tumakbo palapit sa kaniya.

"Sikreto?" Takang tanong ko pa sa kaniya, tumango naman siya

"Ang alam kasi ni Mommy kapag hindi ako nagpapahatid sa driver niya kay Mikha at Ate Aiah ako sumasabay tas ang alam naman ni Mikha kapag hindi ako sasabay sa kaniya sa driver naman ako ni Mommy nagpapahatid pero hindi nila alam nagcocommute lang ako minsan" Natatawang usap pa niya habang naglalakad

"Bakit ka ba nagcocommute pa? May driver namana pala kayo" Takang tanong ko sa kaniya, tumigil naman siya sa paglalakad at humarap sa akin.

"May sasakyan ka rin naman pero nagcocommute ka lang din" Sagot niya

"E kasi ako mas nadadalian ako tsaka ngayon lang ako nagcommute, e na enjoy ko kaya tinuloy tuloy ko na" Sagot ko rin sa kaniya kaya tumango naman siya.

"Parehas lang tayo" Patango tango pang usap niya atsaka naupo sa gater sa gilid ng daanan.

"Pagod ka na?" Tanong ko sa kaniya, tumango naman siya kaya natawa na lang ako, Ang bilis talagang mapagod ng isang to.

"Okay, mukhang wala na akong choice" Usap ko na lang at naupo patalikod sa kaniya.

"Ano yan?" Takang tanong niya, lumingon lang ako sa kanya at tinap ang dalawa kong balikat.

"Pumasan ka na sa akin at baka hanapin ka na sa inyo malaman na nagcommute ka pa" Usap ko sa kaniya at hinintay siyang pumasan sa akin

"Sigurado ka?" Nag aalangan pang usap niya kaya ngumiti na lang ako, maya-maya pa ay pumasan na rin siya sa akin kaya sinimulan ko na rin ang maglakad.

Tahimik lang siyang nakapasan sa akin habang tahimik lang din naman akong naglalakad, pilit kong inaalala ang pamilyar na lugar hanggang sa tinuro na sa akin ni Stacey ang isang gate.

"Ito yung bahay namin" Todo ngiting usap niya habang tinuturo ang bahay nila. Malaki at mukhang alagang alaga sa linis.

"At yan naman sa tapat, bahay nila Mikha tas tong sa tabi namin kila Ate Aiah" Usap pa niya habang tinuturo ang bahay nila Ate Aiah at Mikha.

"Sabi na nga ba kaya pamilyar e" Napapailing na usap ko na lang.

"Hindi ka pa ba nakakapunta kila Mikha?" Takang tanong pa niya.

"Nakapunta na kami diyan, tinuro na rin sa amin ni Mikha yang bahay nila Ate Aiah pero hindi ko alam na kapitbahay lang din pala nila kayo tsaka magkakamukha kasi halos mga gate at bahay niyo" Sagot ko sa kaniya kaya tumango naman na siya.

"Wala pa yung dalawa, wala pa yung kotse ni Mikha e, pasok na muna tayo" Yaya pa niya sa akin kaya taka naman akong tumingin sa kaniya.

"Hindi na, uuwi na ako" Pagtanggi ko at lumayo pa ng bahagya sa kaniya pero hindi naman siya nakinig sa akin at hinila pa ang dalawang kamay ko.

"Tara na tsaka alam kong napagod ka sa pagpasan sa akin kaya pahinga ka muna sa loob, pakilala kita kay Mommy" Todo ngiting usap pa niya kaya wala naman na akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang din sa kaniya.

Binuksan naman na niya ang gate at hinila pa ulit ako papasok na para bang kaya ko pa siyang takasan, pagpasok na pagpasok namin ay agad niyang sinara ang gate at muli akong hinila papunta sa pintuan nila.

"Oh anak" Biglang bati ng mommy ni Stacey ng makita kami pagpasok na pagpasok namin sa pinto. Agad naman tumakbo palapit sa kaniya si Stacey para humalik.

"Mommy kaibigan ko po si Jhoanna, classmate kami this school year tas matagal na rin silang bestfriend ni Mikha" Pakilala niya sa akin

"Jho, mommy Ivy ko" Pakilala pa niya sa mommy niya, agad ko naman nilahad ang kamay ko

"Nice to meet you po, Mrs. Sevilleja" Pakilala ko pa, nakipag shake hands naman na siya sa akin at ngumiti.

"Tita Ivy na lang, nice to meet you too, Jhoanna" Nakangiting usap pa niya bago tuluyan bitawan ang kamay ko.

"Mabuti na lang at nakilala ka nitong anak ko, bukod kasi kay Aiah at Mikha, wala ng pinakilalang kaibigan to sa akin si Stacey" Nakangiting kwento pa ni Tita Ivy kaya napatingin na lang din naman ako kay Stacey. Seryoso ba?

"May apat pa po siyang bagong kaibigan, tita, may mga sariling lakad lang po kaya hindi po nakasama sa amin ngayon" Nakangiting sagot ko sa kaniya kaya napatango naman siya.

"Mabuti naman kung ganon atleast alam kong hindi na malulungkot mag isa tong nag iisang unica hija ko" Nakangiting usap pa niya

"Oh siya, maupo na muna kayo sa sala at paghahanda ko na muna kayo ng meryenda" Pahabol pa niya bago kami tuluyan ni Stacey.

Will She Come BackWhere stories live. Discover now