CHAPTER XXVI

606 33 3
                                    

Makalipas ng ilan araw matapos umalis nina Stacey pa Dubai ay balik eskwela na ulit ang magkakaibigan. Kumpara noon ay tahimik lang ang mga ito at ni isa ay walang nagsasalita patungkol kay Stacey.

Bakas din naman sa mukha ng magkakaibigan na pag aalala nila sa sitwasyon ni Jhoanna kaya hindi rin nila maiwasan na tignan tignan si Jhoanna kahit na bahagya pa silang malayo sa kaibigan.

"Paano kung sa condo tayo matulog? Mukhang hindi ako makakatulog nito mamaya lalo na't alam kong mag isa lang don si Jho" Suhestiyon ni Colet sa mga kaibigan, sabay-sabay naman napatingin ang mga ito kay Jhoanna na nakatungong natutulog sa upuan nito.

"Mabuti pa nga" Pag sang ayon ni Mikha habang nakatingin sa kaibigan na natutulog.

Nang oras na ng uwian ay nauna ng nagpaalam si Jhoanna kaya wala naman ng nagawa ang magkakaibigan kundi ang tumango na lang, agad din naman sila nagsi uwian sa kani-kanilang bahay para magpaalam sa kanilang mga magulang at para mag impake na ng mga gamit.

"Sure ba kayong okay lang kay Jhoanna?" Nag aalangan na tanong ni Maloi sa mga kaibigan

"Ngayon ka pa talaga nag alangan kung kailan nasa elevator na tayo ah" Natatawang usap na lang ni Sheena sa kaibigan kaya nginusuan na lang naman siya nito.

"Mukhang wala naman na magagawa si Jhoanna, nakapag impake na tayong lahat oh" Dagdag pa ni Aiah habang tinuturo ang mga dala dala nilang mga bag.

Nang makarating na sila sa mismong pintuan ng condong tinutuluyan ni Jhoanna ay si Mikha na ang nag doorbell. Ilan sandali lang ang nakalipas ay pinagbuksan na rin sila ng pinto ni Jhoanna kaya ni walang ano-ano ay basta na lamang pumasok ang magkakaibigan sa loob.

"Anong trip niyo?" Natanong na lang ni Jhoanna sa mga kaibigan habang sinasara ang pinto.

"Dito kami matutulog and take note! hanggang mag christmas break kami rito" natatawang usap pa ni Colet sa kaibigan kaya gulat naman napatingin sa kaniya si Jhoanna.

"Sawang-sawa na ako sa pagmumukha niyo e" Nasabi na lang ni Jhoanna, natawa na lang naman ang ilan habang inaayos na nila ang mga sofa sa sala.

"Dito tayong lahat matutulog sa sala" Usap pa ni Aiah kaya wala naman na nagawa si Jhoanna kundi ang tumango.

"Yan, tama yan, sumunod ka sa thunders" Sabi pa ni Mikha kaya naman ay nakatanggap siya ng malakas na hampas mula kay Aiah.

"Ito naman, joke lang e" Nasabi na lang ni Mikha habang hinahaplos haplos na ang balikat niya.

Pagdating ng hapunan ay mas pinili na lang muna nilang magpadeliver na lang ng pagkain dahil sa kakulangan ng mga ingredients at pagkain sa condo ni Jhoanna.

"Mabuti na lang pinuntahan ka namin, kundi mag isa ka nanaman kakain" Nasabi na lang ni Maloi sa kaibigan.

"Wag mong sabihin na puro noodles ang kinakain mo, Jhoanna" Biglang usap pa ni Sheena.

"Minsan, pag tinamad akong magpadeliver o magluto ng kung ano, mas mabilis pag noodles e" Sagot ni Jhoanna, napailing na lang naman ang magkakaibigan sa narinig nilang sagot.

"Hay nako! Dapat talaga sa amin ka na lang tumuloy" Napapailing na usap pa ni Colet sa kaibigan.

"O hindi kaya sa amin, sinabi ko naman na sayo, Jho" Dagdag pa ni Gwen sa kaniya.

"Kinausap ko na rin yan tungkol diyan, pinipilit nga ni Daddy na doon na sa amin yan pero tigas talaga ng ulo" Usap na ni Mikha sa dalawang kaibigan kaya napapailing na lang ang mga ito.

"Feeling ko alam ko na kung kanino kang bahay mag isstay" Nakangiting usap ni Aiah sa mga kaibigan kaya sabay sabay naman itong napatingin sa kaniya.

"Kanino?!" Takang tanong ng mga ito.

"Kila Stacku" Sagot ni Aiah sa mga kaibigan, sabay-sabay naman napangiti ang mga ito at mga napatango.

"Owww shesssh! Live in" Natatawang biglang usap ni Sheena kaya natawa na rin ang magkakaibigan.

Matapos nilang maghapunan ay nag kanya kanya na sila ng gawain habang si Jhoanna naman ay mas piniling mag stay na lang muna sa kwarto habang nakatitig sa cellphone niya.

Lingit naman sa kaalaman niya ay nasa kwarto na rin si Mikha at si Aiah na kanina pa nakatingin sa kaniya.

"Sabi ni Tita Ivy, baka hindi siya makapag update sa dami ng kailangan nilang asikasuhin doon" Biglang usap ni Aiah sa kaibigan, agad naman napalingon sa kanila si Jhoanna at agad na tinago ang cellphone.

"Mabuti na nga lang daw at nandoon ang mama mo para tulungan siya" Dagdag pa nito, napangiti na lang din naman si Jhoanna sa kaibigan.

"Si Stacey lang pala ang kailangan mo para kausapin ulit yan mama mo e" Napapailing na usap ni Mikha sa kaibigan.

"Mahal mo talaga e no" Nakangiting usap pa ni Mikha sa kaibigan kaya napangiti na lang din naman ito.

"Lahat naman tayo rito mahal yung babaeng yon" Sagot na lang ni Jhoanna sa dalawang kaibigan kaya napangiti naman ang mga ito ng nakakaloko.

"Mahal namin bilang kaibigan, bilang para na rin namin kapatid, e ikaw? Mahal mo, bilang?" Nakakalokong tanong pa ni Aiah sa kaibigan, napapailing na lang naman umiwas ng tingin si Jhoanna at agad na tumayo sa kama.

"Sus! Hindi ka pa ba sinasagot?" Natatawang tanong pa ni Mikha sa kaibigan.

"Hina mo naman, Jho" Dagdag pa nito na siyang nagpatigil sa paglalakad ni Jhoanna habang natatawang humarap sa kaibigan.

"Ikaw rin naman, Mikhs, ang hina mo rin" Sagot nito at natatawang lumabas sa kwarto.

Naiwan na lang naman ang dalawa sa loob kaya ni isa sa kanila ay hindi magawang umusap. Sakto naman na tinawag na sila ni Maloi kaya agad din naman na naglakad si Mikha palabas ng pinto.

"Mahihintay mo pa naman ako, di ba?" Biglang tanong ni Aiah na siyang nagpatigil din kay Mikha

"Ako pa rin ba?" Dagdag na tanong pa ni Aiah sa kaibigan. Napahinga na lang naman na muna ng malalim si Mikha bago tuluyang harapin si Aiah.

"Ikaw lang at ikaw pa rin at handa pa rin akong maghintay gaya ng pinangako ko sayo noon" Nakangiting usap pa ni Mikha sa kaibigan. Napangiti na lang din naman si Aiah at tumango.

Walang huli sa taong marunong maghintay.

Will She Come BackWhere stories live. Discover now