LAST CHAPTER

890 32 0
                                    

Makalipas ng isang buwan ay umalis na lang bigla ang mag ina papuntang New Zealand, hindi na sila nagpaalam dahil alam naman na ni Ivy na susunod sa New Zealand ang magkakaibigan.

Sa loob ng isang buwan ay naging busy lang si Jhoanna pagdating sa pagpapasaya kay Stacey, madalas niya itong ilabas bago maghating gabi para lang ipasilay sa minamahal ang magandang tanawin na paglubog ng araw.

Sa pagiging abala nito sa minamahal ay naging palaisipan na sa mga kaibigan nito kung makakasama pa ba si Jhoanna pa New Zealand, hindi na rin kasi nila ito halos makausap dahil na kay Stacey lang ang atensyon nito, ni hindi na nga halos ito umaalis sa tabi ng dalaga at buong atensyon lang siyang nagbabantay dito.

"Mukha wala talaga sa plano ni Jhoanna sa sumama, kaya siguro sinulit na niya" Usap na ni Colet habang papasok na sila ng eroplano.

"Hindi naman natin masisise si Jhoanna, hindi madali para sa kaniya to, sa atin, kahit ako hindi makapaniwalang pupunta tayo ng New Zealand para rito" Mangiyak-ngiyak na usap ni Maloi sa mga kaibigan.

"Ang kalagayan at sitwasyon na lang ni Stacey ang isipin natin dito" Usap na lang ni Gwen bago tuluyan umupo sa upuan niya.

Nang makarating na sa New Zealand ang magkakaibigan ay agad din sila nakatanggap ng mensahe sa kanilang Tita Ivy kung saan naroroon ang kaibigan na si Stacey. Hindi naman na sila nagsayang ng oras pa at agad din silang pumunta na roon.

"Mikhs" Nasabi na lang ni Aiah sa kaibigan habang papasok na sila sa kwarto kung saan naroroon ang kaibigan nila.

"Para kay Stacey" Nasagot na lang ni Mikha at hinawakan na lang ng mahigpit ang kamay ng dalaga.

Nang makapasok na sila ay doon na nila nakita si Stacey na nakahiga habang pinagmamasdan ang kulay rosas na kalangitan, kasabay ng paglubog ng araw mula sa bintana nito.

"Hindi na ako magtataka kung bakit nandito kayo, sa tigas ba naman ng ulo niyo" Nasabi na lang ni Stacey sa mga kaibigan.

"Ganon ka namin kamahal" Nasabi na lang ni Aiah bago tuluyan tumabi sa higaan ng kaibigan.

"Ibig sabihin hindi ako mahal ni Jho, kaya wala siya rito?" Tanong ni Stacey sa mga kaibigan kaya natahimik na lang ang mga ito.

"Hindi totoo yan, alam mong mahal kita kaya kahit mahirap, pipiliin ko pa rin samahan ka diyan sa tabi mo"

"Jhoanna?!" Gulat na gulat na usap ng magkakaibigan ng makita si Jhoanna.

Hindi naman na sila pinansin ni Jhoanna at lumapit na lang ito sa kama ni Stacey.

"I love you" Nasabi na lang ni Jhoanna ng halikan nito ang noo ng dalaga.

Saglit pa silang nagkwentuhan hanggang sa binigyan na muna ng oras ng magkakaibigan si Stacey at ang Mommy nito para mag usap. Habang ang magkakaibigan naman ay nanatili sa sala at doon na hindi mga mapakali.

"Jhoanna" Biglang tawag ni Ivy sa dalaga ng makalabas na ito ng kwarto, agad naman itong napatayo mula sa pagkakaupo at agad na lumapit rito.

"Tawag ka na ng anak ko" Nakangiting usap na lang ni Ivy kaya napatango na lang naman si Jhoanna.

Nang makapasok na sa kwarto ay agad din siyang humiga sa tabi ng dalaga, agad din naman siyang yinakap nito at nakangiting tumingin sa kaniya.

"Thank you" Nasabi na lang ni Stacey.

"Thank you kasi nandito ka, thank you kasi hindi ka nawala sa tabi ko" Dagdag pa nito. Hindi naman na sumagot si Jhoanna at hinalikan na lang ang ulo ng dalaga.

"Jhoanna, huwag mong pababayaan ang sarili mo ah, babantayan kita, kayo nila mommy" Usap pa ni Stacey, tumango naman si Jhoanna bilang sagot.

"Huwag ka ng mag alala, hindi namin pababayaan ang mga sarili namin, lalo na si Tita Ivy, magpahinga ka lang ng ayos at maging masaya, magiging masaya na lang din kami" Mangiyak-ngiyak ng usap ni Jhoanna sa dalaga.

"Train Station" Nasabi na lang ni Stacey kaya taka naman napalingon sa kaniya si Jhoanna.

"Pag namimiss mo ko, daanan mo muna yung estasyon na yon bago ka tuluyan pumunta kung san man na ako dalhin ni Mommy" Nasabi na lang ni Stacey sa dalaga.

"Dahil sigurado ako na babalik at babalik ako sa lugar na yon kung saan tayo unang nagkita" Nakangiti pang dagdag nito.

"Hindi mo man na ako makikita pero atleast aware ka na babalik at babalik ako sa lugar na yon"

"I love you, Pink Lady" Nasabi na lang ni Jhoanna bago tuluyang yakapin ang dalaga.

"I love you, too, Crushyyy" Nasabi na lang ni Stacey bago tuluyan yakapin ang dalaga.




Kung minsan ang pagmamahal na nabuo sa maikling panahon ay yung pang pagmamahal na hindi ko inaasahan na babaunin ko sa buong buhay ko.

Siguro ay dahil alam ko na rin sa sarili ko na ang yung pagmamahal na yon ay walang makakapantay, walang sing katotoo kumpara sa pagmamahalan namin dalawa ng taong mahal ko.

Maikli man ang binigay na oras para sa amin pero masasabi ko naman ay yung na ang pinaka magandang nangyari sa akin.

Magandang alaala na hindi ko makakalimutan, magandang alaala na patuloy kong babalik balikan, san man ako dalhin, san man ako tanggayin ng hangin.

Will She Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon