CHAPTER V

774 26 0
                                    

"Uwi na tayo" Biglang yaya ni Pink Lady paglabas na paglabas namin ng isang store, napatingin naman kaming lahat sa kaniya ng bigla na lang siyang tumigil sa paglalakad.

"Okay, sabay ka na sa amin ni Mikha" Usap na ni Ate Aiah kay Pink Lady atsaka hinawakan na ang kamay nito.

"Pero Ate ——

"Wag ka na magulo" Saway na ni Ate Aiah kay Pink Lady kaya wala naman na itong nagawa kundi ang sumunod na lang kay Ate Aiah.

Agad naman na lumapit sa akin si Colet na kanina pa hindi humihiwalay kay Maloi.

"Sabay ka na sa amin ni Maloi" Yaya pa niya sa akin kaya napailing na lang naman ako.

"Hindi na, hahaba lang biyahe niyo kapag sa inyo pa ako sumabay" Sagot ko kay Colet.

"Edi, sa amin ka na lang ni Sheena sumabay" Yaya rin sa akin ni Gwen kaya napapngiti naman akong tumingin sa kaniya

"Sabay-sabay kayo?" Natatawang tanong ko pa sa kaniya, pinanlakihan naman niya ako ng mata kaya umiwas na lang ako ng tingin.

"Hindi na, mag tren na lang ako, masira ko pa mga date niyo" Natatawang usap ko sa kanila ni Colet kaya pinandilatan na lang naman nila ulit ako ng mata. Nang makarating na kami sa parking lot ay agad na rin akong nagpaalam sa kanila.

"Ingat kayo, una na ako" Paalam ko sa kanila bago pa ako ulit tumingin kay Pink lady.

"Sabay ka na sa amin nila Mikha" Usap pa niya bago buksan ang sasakyan ni Mikha, umiling na lang naman ako bilang sagot.

"Oo nga, Jho, tara na" Yaya rin sa akin ni Mikha.

"Hindi na, mag commute na lang ako para sulit na talaga yung pagod, para diretso tulog na rin ako pag uwi" Nakangiting usap ko sa kaniya kaya napailing na lang naman siya.

"Sure ka?" Paninigurado pa ni Ate Aiah kaya nakangiti naman akong tumango.

"Oh paano, una na ako, ingat kayo" Paalam ko pa kay Ate Aiah at Mikha bago lapitin ulit si Pink Lady na nakaupo na sa likod ng kotse ni Mikha.

"Bye, Pink Lady" Paalam ko sa kaniya pero tinarayan niya lang ako.

"Pink Lady mo mukha mo" Inis na usap pa niya kaya natawa na lang naman ako

"Huwag mo kong tawanan naiinis ako sayo" Sagot niya lang atsaka binalik ang paningin niya sa cellphone niya, natawa naman ako kaya lumapit pa ako ng bahagya sa kaniya.

"Inis ka dahil tinawag kitang Pink Lady o dahil third wheel ka sa dalawa?" Natatawang tanong ko pa sa kaniya.

"Hmm both, sabay ka na kasi" Sagot niya kaya napangiti naman ako.

"Hindi na, mapapalayo lang kayo lalo" Sagot ko na lang

"Bye" Paalam ko pa tsaka ko sinara ang pinto.

Nang makalabas na ng mall ay agad din akong sumakay ng jeep papunta sa train station, naninibago man pero masaya rin ako dahil nagiging pamilyar na rin ako sa mga lugar dito sa Metro Manila. Ilan saglit pa ay nakaratin na rin ako sa train station at mabilis ko naman inasikaso ang mga dapat kong asikasuhin bago tuluyan makasakay ng tren.

Matapos ng mahabang lakaran, walang katapusan na paglalaro sa arcade at matagal-tagal na biyahe ay basta ko na lang naman binagsak ang sarili ko pagkauwi ko sa sofa dala ng sobrang pagod. Nagchat naman na sila Colet at Gwen na nahatid na nga nila sila Maloi at Sheena at ganon din naman si Mikha kila Ate Aiah at Stacey. Nagchat na rin naman ako na nakauwi na ako kaya binaba ko naman na muna ang cellphone ko sa center table rito sa sala.

"Dapat pala dinala ko na rin sasakyan ni Papa para may makasabay rin ako" Usap ko para sa sarili ko

"Teka! Sino naman isasabay ko?" Takang tanong ko pa sa sarili ko.

Napabangon naman ako ng bigla kong narinig na nag ring ang cellphone ko at dali-dali ko rin naman sinagot yon ng makitang papa ko ang tumatawag.

"Hello pa?" Bungad ko

"Kamusta ka na riyan?" Tanong niya sa kabilang linya. Huminga naman na muna ulit ako bago sumagot

"Okay lang naman, Pa. Magkakaklase ulit kaming apat"

"Mabuti naman kung ganon" Sagot pa niya

"Na promote ngayon ang mama mo sa trabaho, nabati mo na ba siya?" Tanong pa niya kaya napapikit na lang naman ako.

"Nabati niyo na naman po siguro siya kaya okay naman na po siguro yon" Sagot ko na lang

"Sige na ho, pa. Dami ko pang gagawin e" Pagpapaalam ko na at agad na binaba ang linya. Wala na akong enerhiya para makipagtalo.

Matapos ng kaunting pahinga ay agad ko na rin nilinis ang sarili ko para tuluyan na akong makapagpahinga sa kwarto.

Will She Come BackWhere stories live. Discover now