CHAPTER XIII

650 25 0
                                    

STACEY'S POV

Pagdating ko sa Train Station ay nauna nanaman sa aking si Jhoanna kaya natatawa na lang naman akong lumapit sa kaniya.

"Good morning" Bati ko sa kaniya, ngumiti rin naman siya sa akin bago ako batiin.

"Good morning, tara na?" Tanong pa niya kaya tumango na lang naman ako.

Nang makapasok na kami sa tren ay may isang lalaki pa ang nagbigay ng upuan niya sa amin kaya nagkatinginan pa kami ni Jho kung sino ang uupo sa amin sa dalawa.

"Ikaw na, payat payat mo e" Natatawang sabi niya kaya natawa na lang din naman ang lalaking nag paubaya ng upuan sa amin.

"Wow! Payat ka rin naman!" Usap ko pa sa kaniya bago tuluyan tumingin kay Kuyang Paubaya.

"Salamat po" Todo ngiting sabi ko pa kay Kuya kaya napapailing na lang naman si Jhoanna.

Nang makarating na kami sa school ay nagfocus na kami sa mga pinapagawa sa amin at pagdating naman ng Lunch ay agad ng tumabi sa akin si Jhoanna at nilabas na rin ang pagkain niya.

"Hindi ka nauumay?" Natatawang tanong ko sa kaniya ng makitang puro gulay at prutas din ang baon niya, nakangiti naman siyang umiling bago tuluyan isubo ang pagkain niya.

"Kung magkakarne ako, baka mainggit ka lang, mas gusto ko pa rin na samahan kang magdusa sa mga gulay na to" Natatawang sabi pa niya habang may kaunting pagkain pa sa bibig niya. Pinunasan ko na lang naman ang bibig niyang may sauce habang napapailing naman ako, kita ko naman na nagulat siya sa ginawa ko pero dinedma ko na lang yon.

"Hindi ka ba tinuruan ng mama mo na huwag na huwag kang magsasalita habang may laman yang bunganga mo?" Kunwaring tanong ko pa sa kaniya habang tinatarayan siya, hindi naman siya sumagot at ngumiti lang ng pilit.

"Ang daldal mo nanaman, akala ko ba gusto mo maging tahimik gaya ni Mikha? Kumain ka na nga lang, aabutan nanaman tayo ng bell niyan oh" Kunwaring naiinis na sabi niya atsaka tinuro ang pinabaon sa akin ni Mommy. Tinarayan ko na lang naman siya at sinimulan na kainin ang pagkain ko. E sa hindi ko kayang tumahimik e.

Makalipas lang ng ilan oras ay inutusan naman ako ng teacher namin na kunin ang flash drive niya sa table niya sa office niya, agad naman akong sumunod at lumabas na ng classroom, nakita ko pang nakatingin sa akin si Jhoanna kaya dinalian ko na ang paglalakad ko. Kalma, Stacku, si Jhoanna lang yan, wag kang marupok.

"Pink Lady!" Napalingon naman ako sa tumawag sa gawi ko at hindi nga ako nagkamali na inakala na si Jho yon. Siya lang naman nagbigay na nickname na yon sa akin.

Saglit pa akong napahinto at takang napatingin sa kaniya

"San punta mo?" Tanong ko sa kaniya, ngumiti lang naman siya at nauna ng maglakad.

"Sa pupuntahan mo" Sagot niya, agad naman ako naglakad papalapit sa kaniya at taka ulit tumingin sa kaniya.

"Pinayagan ka ni Mrs. Flores na samahan ako?" Tanong ko sa kaniya pero umiling naman siya bilang sagot.

"Ang sabi ko gagamit ako ng comfort room pero hindi talaga, nabobored lang talaga ako sa lesson niya ngayon kaya sumunod na ako sayo" Usap pa niya habang patuloy pa rin sa paglalakad.

Nang makuha na namin ang dapat namin makuha ay naupo na muna ako sa upuan sa labas ng office ni Mrs. Flores para magpahinga saglit. Gaya ng parating ginagawa ni Jho ay bigla bigla na lang siyang uupo sa harap ko para alukin ako na pumasan na sa kaniya. Ako lang naman 'to, si Stacey, sino ba naman ako para tumanggi, diba?

Kaya ayon, sumakay na ako sa likod niya.

"Ano ba naman yan, Jho! Ang bagal bagal mo, dinaig mo pa pagong! Wala na bang ibibilis yan?" Kunwaring angal ko pa sa kaniya, bahagya pa siyang lumingon sa akin bago magsalita

"Ah ganon?" Nagulat naman ako ng bigla siyang tumakbo habang pasan pasan pa rin ako, hindi ko naman malaman kung matatawa o matatakot ako sa kabaliwan namin ni Jhoanna ngayon, panay naman din ang tawa at saway ko sa kanya, hanggang sa...

"Miss Robles! Miss Sevilleja!" Agad naman napatigil si Jhoanna at agad din naman akong bumaba sa likod niya para harapin  ang sumigaw sa amin.

"Ano ba naman kayong dalawa? Hindi na kayo bata, at lalong hindi ito playground para rito pa kayo maglaro" Saway sa amin ni Miss Ben, agad naman kami humingi ni Jhoanna ng pasensya sa kaniya bago niya kami tuluyan paalisin ulit.

Nang mawala na sa paningin namin si Miss Ben ay nagkatinginan pa kami ni Jhoanna bago tuluyan matawa ng malakas, mabuti na lang at bakante ang mga classroom na malapit sa amin kaya wala ng sasaway sa amin.

Nang makapasok na kami sa classroom ay sumalubong nanaman ang mga mapanuksong mga tinginan ng mga kaibigan namin habang si Mrs. Flores naman ay walang kamalay-malay na hindi talaga gumamit ng comfort room si Jhoanna at sumunod lang ito sa akin.

Nang uwian na ay agad ng lumapit sa akin si Jhoanna at nag offer ulit na ihatid ako, tumango na lang naman ako bago kami tuluyan magpaalam sa mga kaibigan namin.

"Oyy! Jho! Ingatan mo yan!" Sigaw pa ni Ate Aiah kay Jhoanna, nag thumbs up lang naman ni Jhoanna at tumango.

"Oyy! Jho! Ingat ka diyan!" Rinig ko pang sigaw ni Mikha.

"Aba! Siraulo ———

"Oh! oh! chill!" Pagpipigil sa akin ni Jho habang hawak hawak ang magkabilang beywang ko

"Stacey, tandaan mo, mysterious girl ka kagaya ni Mikha, kaya dapat chill ka lang" Seryosong usap pa niya sa akin na para bang pilit niyang pinapaintindi ang mga sinasabi niya, kaya tumango na lang naman ako.

"Tama! Dahil ako si Stacey Sevilleja, isa akong introvert at mysterious na babae kaya dapat chill lang ako" Usap ko pa sa kaniya habang inaayos ang damit ko, tumango tango naman siya na para bang naniniwala sa akin.

"Tama! Tama!" Sagot niya pa kaya parehas na lang kaming natawa.

Hindi rin naman pala masama na nasa tabi kita
Dahil tong saya ko, nararamdaman ko lang tuwing kasama ka

Will She Come BackWhere stories live. Discover now