CHAPTER XXIII

626 31 0
                                    

FLASHBACK...

nilapitan ko na ang mga dapat kong lapitan doon para mas mapadali ang pagpapa appointment sa mga kilalang hospital sa Dubai dahil kailangan na niyang magpa bone marrow transplant sa lalong madaling panahon

hinihintay na lang talaga namin kung saan kaming hospital tatanggapin

nilapitan ko na ang mga dapat kong lapitan doon para mas mapadali ang pagpapa appointment sa mga kilalang hospital sa Dubai dahil kailangan na niyang magpa bone marrow transplant sa lalong madaling panahon

hinihintay na lang talaga namin kung saan kaming hospital tatanggapin

nilapitan ko na ang mga dapat kong lapitan doon para mas mapadali ang pagpapa appointment sa mga kilalang hospital sa Dubai dahil kailangan na niyang magpa bone marrow transplant sa lalong madaling panahon

hinihintay na lang talaga namin kung saan kaming hospital tatanggapin

"Pero si mama lang ang kilala kong nagtratrabaho sa Hospital sa Dubai" Usap pa ni Jhoanna sa sarili niya bago tuluyan inumin ang alak na nasa baso niya.

"Hello anak?" Sagot ng mama ni Jhoanna sa linya ng tawagan siya ng anak nito

"Hello? Jhoanna? Anak?" Usap pa nito sa kabilang linya ng hindi agad magsalita si Jhoanna.

"Hello, ma?" Sagot na ni Jhoanna, linggit naman sa kaalaman ni Jhoanna ay dinaig pa ng mama nito ang nanalo sa lotto ng unang beses siyang tawagan at makausap ng anak matapos niya itong iwanan sa Pilipinas ng mahabang panahon.

"Jhoanna, anak, napatawag ka? May maitutulong ba si mama sayo? Sabihin mo lang anak, gagawin lahat ni mama para sayo" Tuloy-tuloy ng usap ng mama ni Jhoanna kaya hindi naman na napigilan ni Jhoanna ang maiyak.

"Alam mo ma, kaya hindi kita magawang tawagan o kausapin sa mahabang panahon na lumipas, kasi gusto ko patunayan sa sarili ko na kaya ko kahit wala ka, na kaya ko kahit na nasa malayo ka" Umiiyak ng usap ni Jhoanna sa linya habang napaiyak na rin naman ng mama nito dahil sa sakit sa malamang saloobin ng sariling anak.

"Naging matigas ako pagdating sayo, gusto kong iparealize sayo na kaya ko kahit nasa malayo ka, na kailanman hinding-hindi ko kakailanganin ang tulong mo pero mali pala talaga ako" Dagdag pa ni Jhoanna.

"Ma, patawarin mo ako, pero hindi ko na po talaga alam ang gagawin ko, ma tulungan mo ako" Umiiyak na talagang usap pa ni Jhoanna kaya nag aalala ng sumagot ang mama nito sa kaniya.

"Bakit anak? Anong problema? Sabihin mo lang sa akin tutulungan kita kahit ano pa yan" Nag aalalang usap na talaga nitong sa anak na rinig na rinig na sa linya ang sobrang pag iyak.

"Ma, si Stacey" Usap pa ni Jhoanna

"Yung babaeng kwinekwento mo sa papa mo?" Paninigurado pa ng mama ni Jhoanna rito.

"Opo"

"May myeloma siya, may bone marrow cancer siya, ma" Umiiyak pa rin usap ni Jhoanna sa linya, nagulat naman ang mama nito sa narinig ang doon lang napagtanto ang totoong pinagdaraanan ng anak.

"Nagpa appointment na yung mommy ni Stacey na si Tita Ivy sa ilang hospital diyan sa Dubai para sa gagawin bone marrow transplant kay Stacey pero hanggang ngayon wala pa rin tumatanggap na hospital sa kanila" Kwento pa ni Jhoanna.

"Sige anak, gagawan ni mama ng paraan yan, kaya huwag ka na mag alala" Sabi na ng mama ni Jhoanna kaya mas lalo naman napaiyak ang dalaga

"Pero sa ngayon, gusto kong magpahinga ka na muna at tigilan mo na ang pag iyak, sa susunod na magkakausap tayo sisiguraduhin kong makakapunta na rito sa Dubai si Stacey" Dagdag pa nito.

"Ma, sorry po talaga sa lahat lahat, kayo lang po talaga ang malalapitan ko sa sitwasyon na ito, hindi ko na rin po kasi talaga alam ang gagawin ko, gustong-gusto ko po talaga tulungan si Tita Ivy at Stacey" Usap pa ni Jhoanna sa mama nito.

"Huwag mo na isipin yon, anak. Masaya ako dahil tinawagan at nilapitan mo ko, huwag ka na umiyak, sisimulan na ni mama asikasuhin ang tungkol diyan, bigay mo na lang ang contact ng mommy ni Stacey para kami na lang ang mag usap tungkol diyan" Usap nito sa anak.

"Ma, thank you"

"Salamat po talaga sa lahat"

"Patawarin niyo rin po ako sa pagkukulang ko bilang anak niyo" Sunod-sunod ng usap ni Jhoanna kaya napangiti na lang ng magulang nito.

"Ako ang dapat humingi ng kapatawaran, Jhoanna. Dahil alam ko, marami pa rin talaga akong pagkukulang sayo bilang mama mo, ni hindi man lang kita naalagaan, ni hindi ko man lang nasubaybayan ang paglaki mo, ni hindi man lang kita nasamahan sa entablado para samahan kang magtapos at sabitan ng mga medalyang natatanggap mo" Umiiyak na rin na usap ng mama ni Jhoanna.

"Ako ang patawarin mo, Jhoanna, patawarin mo ako sa mga pagkukulang ko sayo, anak ko" Dagdag pa nito.

"Naiintindihan ko na kung bakit mo kailangan gawin ang lahat ng yon noon, Ma. Masaya ako dahil dumating sa buhay ko si Stacey para ipaintindi ang lahat ng mga yon" Sagot ni Jhoanna

"Masaya rin ako dahil ako ang nilapitan mo para tulungan yang babaeng mahal mo, anak" Natutuwa ng usap pa ng mama ni Jhoanna rito.

"Oh siya, magpahinga ka na at wag mong kalimutan ibigay sa akin ang contact ng mommy ni Stacey para makausap ko na siya" Sabi na ng mama ni Jhoanna kaya napatango na lang ito

"Okay ma, salamat po ulit" Sagot na ni Jhoanna sa kabilang linya.

"No, anak, salamat kasi tinawagan at kinausap mo ulit ako" Usap na ng mama ni Jhoanna kaya hindi na ulit nitong napigilan mapaluha.

"Hihintayin ko yung contact ng mommy ni Stacey ah"

"I love you, Ma" Biglang usap ni Jhoanna, linggit naman sa kaalaman ni Jhoanna ay tuwang tuwa na ang magulang nito dahil sa salitang narinig mula sa kaniyang nag iisang anak.

"I love you too. Anak"

Will She Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon