CHAPTER XXIX

561 24 2
                                    

JHOANNA'S POV

Pasado alas otso na ng gabi pero pinili ko pa rin manatili sa lugar kung saan kami una at huling beses na nagkita, dito sa train station. Masyado ng napamahal ang train station na 'to para sa akin, kagaya na lamang ng pagmamahal ko sa taong yon. Alam kong napamahal na rin siya sa lugar na 'to kahit na ilan buwan na rin siyang hindi bumabalik dito.

"Nasaan ka na?" Tanog sa akin ni Mikha ng sagutin ko ang tawag niya, hindi naman ako sumagot at nanatili lang na nasa tenga ko ang telepono ko.

"Hoy! ayus ayusin mo buhay mo! Birthday mo ngayon, alangan mag celebrate kami ng wala ka rito" Inis pang sabi niya kaya napailing na lang naman ako.

"Akin na nga yan, napaka walang kwenta mo talaga kumausap" Rinig ko pa sa kabilang linya kaya napangiti na lang ako. Under Mikha.

"Hey! Alam kong birthday mo ngayon pero alam kong alam mo rin na hindi pa tayo sigurado kung kailan siya babalik, o kung babalik pa ba talaga siya, di ba?" Mahinahon na usap ni Ate Aiah kaya napa buntong hinga na lang naman ako ng napaka lalim. Papaano kung ngayon siya bumalik? Paano kung bumalik na siya at madatnan niyang wala ako rito?

"Uuwi na rin ako maya-maya Ate Aiah, kumain na rin kayo kung hindi pa kayo kumakain, huwag niyo na akong hintayin, saglit na lang talaga" Sagot ko na lang atsaka ko pinatay ang linya.  Napasandal na lang naman ako sa kinauupuan ko ng napagdesisyunan kong maghintay pa kahit saglit.

"Stacey, sige na, miss na miss na kita. Nasaan ka na ba?" Tanong ko habang pinapalibot libot ang mata ko sa train station. Nang wala akong makitang bakas ni Stacey ay napasandal na lang ulit ako sa bench at napapikit.

Stacey, sa sobrang dami ng nangyari sa atin, masaya ako at hindi pa rin nagbabago kung anong meron sa atin. Gusto ko lang malaman mo na patuloy pa rin akong bumabalik kung saan unang beses mga mata mo'y sa akin napatingin, kung saan ang pakiramdam ko'y hindi ko mapaliwanag sa sobrang kaba dahil sa mga mata mong kumikinang na para bang isang bituin.

Mahal, umaasa pa rin akong babalik ka, kahit malabo, kahit hindi tayo sigurado. Kung may isang bagay man na sigurado ako, yun ay ang pagmamahal ko sayo. Mahal, walang araw na hindi kita hinanap at inisip, pero kahit kailan hindi ako maiinip.

Pangako maghihintay ako, maghihintay ako dito sa ating tagpuan, patuloy akong babalik hanggang sa ika'y akin muling matagpuan, at patuloy na aasang maipagpatuloy natin ang naudlot natin pagmamahalan.

Nang marinig ko na ang paparating na tren ay agad kong binuksan ang mga mata ko at isa-isa tinignan ang mga bumababang pasahero mula roon pero nakaalis na lahat lahat ang tren, wala pa rin yung taong hinihintay ko. Wala pa rin si Stacey Sevilleja na taong mahal ko.

Tumayo naman na ako sa kinakaupuan ko ng mapagdesisyunan ko ng umuwi, kanina pa rin kasi akong naghihintay dito pero kagaya pa rin ng mga nakaraan araw, linggo at buwan, wala pa rin.

"Will she come back?"

























"Jhoanna"

Will She Come BackWhere stories live. Discover now