CHAPTER XXX

612 27 0
                                    

JHOANNA'S POV

"Happy Birthday, Jho" Nakangiting usap niya ng makalapit na siya sa harap ko. Hindi naman na ako nagsayang ng oras at kaagad ko rin siyang niyakap ng napaka higpit.

Sa hindi malaman na dahilan ay bigla na lamang tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya dahil nandito't bumalik na siya o dapat pa rin akong matakot dahil walang nagbago sa kaniya.

At iisa lang ang ibig sabihin non.

Walang nagbago dahil hindi na nila sinugal ang napaka babang tyansang gumaling at mabuhay pa siya. Walang nagbago dahil mas ginusto na lang nilang ienjoy na lang ni Stacey ang mga araw na meron pa siya kaysa isugal ang isang bagay na wala na silang kasiguraduhan.

"I love you" Nasabi ko na lang habang yakap yakap pa rin siya.

"I miss you muna bago i love you" Biro pa niya.

"I miss you, Jho"

Hindi ko naman na nakuha pang magsalita pa dahil sa bigat ng nararamdaman ko, gustong gusto kong ilabas ang bigat na nararamdaman ko pero alam ko rin na mas kailangan ko pa rin maging malakas at matapang para kay Stacey.

"Habol tayo sa birthday celebration mo sa bahay" Yaya na niya sa akin at humiwalay na sa pagkakayakap sa akin

"Paano mo nalaman?" Takang tanong ko na lang sa kaniya.

"Galing na ako sa bahay, e wala ka ron kaya agad din akong umalis para hanapin ka"

"At tama nga ako na nandito ka" Sagot niya. Napangiti naman ako at hinalikan ang noo niya.

"Total nandito naman na tayo kung saan tayo unang nagkita, dito na rin kita yayayain" Nakangiting usap ko sa kaniya habang taka lang naman siyang tumingin sa akin.

"Pwede ba kitang makadate sa prom?"

"Wala naman akong yayayain iba kasi ikaw lang din naman yung gusto ko kaya -----

Hindi ko naman na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang niya pinatikom ang bibig ko gamit ang labi niya, hindi naman na ako umusap pa at hinayaan na lang siyang patikumin ang bibig ko.

___________________________________________________________________________


"Ang ganda mo" Nakangiting usap ni Jhoanna sa babaeng kasayaw niya ngayon.

"Ano ka ba Jhoanna? Matagal ko ng alam yon" Natatawang sagot ni Stacey habang bahagya pa nitong hinampas ang braso ng dalaga. Napapailing na lang naman ng nakangiti si Jhoanna bago halikan ang noo ng dalaga.

Parehas naman na ulit silang natahimik habang bahagya pa nilang sinasayaw ang mga magkalapit nilang mga katawan.

"Malapit na graduation natin, anong gusto mong gift?" Biglang tanong ni Stacey

"Oo"

"Anong gusto mong gift? Oo?" Takang tanong pa ni Stacey ng sagutin siya ni Jhoanna

"Oo mo, ayon yung gusto kong iregalo mo" Sagot ni Jhoanna, gulat naman napatingin sa dalaga si Stacey kaya natawa na lang naman ito.

"Ayy! Ano ba yan! Paano yan? mahal oo ko?" Tanong pa ni Stacey kaya natawa na lang naman si Jhoanna

"Balakajan! Tatanong tanong ka tas mamamahalan ka" Nasabi na lang nito

"Baka naman pwede kayong maistorbo at kami naman ang isayaw niyo" Biglang bungad ni Mikha sa dalawa at agad din na inagaw si Stacey kay Jhoanna, wala naman na nagawa ang dalawa at sinayaw na lang nila si Aiah at Mikha.

"Salamat" Biglang usap ni Aiah habang sinasayaw siya ni Jhoanna, taka naman tumingin sa kaniya si Jhoanna

"Salamat kasi nandiyan ka para kay Stacey, salamat sa pag iintindi at pag aalaga mo sa kaniya" Dagdag na usap pa ni Aiah sa kaibigan.

"Hindi niyo ko kailangan pasalamatan, Ate Aiah. Lahat naman tayo nag iintindi at nag aalaga sa kaniya, mahal natin e" Sagot ni Jhoanna.

"Mahal na mahal" Mangiyak ngiyak na rin usap ni Aiah kaya agad naman din siyang umiwas ng tingin.

--------

"Mikhs? Hindi ka pa ba sinasagot ni Ate Aiah?" Tanong ni Stacey sa kaibigan habang sinasayaw siya nito

"Ikaw ba sinagot mo na si Jhoanna?" Tanong din ni Mikha sa kaibigan.

"Hindi"

"Edi hindi pa rin" Sagot ni Mikha kaya natawa naman si Stacey

"Ang tagal niyo talaga ni Aiah kahit kailangan" Napapailing na lang na usap ni Mikha sa kaibigan.

"Huwag niyo pababayaan ni Ate Aiah ang isa't isa ah" Biglang usap ni Stacey na siyang nagpatigil kay Mikha.

"Stacey"

"Alam kong alam niyo na ni Ate Aiah, kaya hayaan niyo na lang ako Mikhs, mas magiging totoong masaya lang ako kapag alam kong hindi na ako mahihirapan, magiging masaya lang ako kapag alam kong wala ng nahihirapan ng dahil sa akin" Usap pa ni Stacey kaya hindi naman na nakapag usap si Mikha at niyakap na lang ng mahigpit ang kaibigan.

"Mahal na mahal kita, Stacku"

"Mahal din kita, Mikhs. Salamat kasi naging mabuting kaibigan at kapatid ka sa akin" Usap pa ni Stacku at niyakap na rin ng mahigpit ang kaibigan.

-----------

"Ate Aiah" Tawag ni Stacey kay Aiah ng makaupo na sila. Agad naman lumingon si Aiah sa kaibigan at nilapitan ang upuan niya rito.

"I love you" Dagdag pa ni Stacey kaya ngumiti naman si Aiah ng pilit bago yakapin ang kaibigan.

"I love you too, Stacku" Sagot ni Aiah.

Si Aiah naman na ang humiwalay sa pagkakayakap sa kaibigan para hawakan ang mga kamay nito.

"Mahal kita, Stacey. Gusto kong sumaya ka pero sana naman hindi sa

"Ate Aiah, meron na, malapit na, hihintayin ko na lang" Pagpuputol ni Stacey sa kaibigan.

"Ayon na ang napagkasunduan namin ni Mommy, pinagbigyan ko siya sa gusto niyang subukin ang natitirang tyansa namin sa Dubai pero wala pa rin at bilang kapalit ay ang pagbigyan niya rin ako sa gusto kong mangyari" Sagot ni Stacey sa kaibigan kaya ni walang ano ano ay bigla na lamang tumulo ang luha sa mga mata ni Aiah.

"Alam kong hindi niyo pababayaan si Mommy at ang laki ng pasasalamat ko dahil mayroon akong kayo" Nakangiting usap pa ni Stacey kaya hindi na napigilan ni Aiah ang sarili at agad na niyang niyakap ulit ang kaibigan.

Will She Come BackWhere stories live. Discover now