CHAPTER XXVII

571 24 0
                                    

Matapos lang ng dalawang linggong pananatili ng magkakaibigan sa condo na tinutuluyan ni Jhoanna ay sa wakas at dumating na rin ang Christmas Break na hinihintay-hintay nila. Ngayon na ang huling araw nila sa kanilang eskwelahan bago pa ulit silang tuluyang pumasok sa susunod ng taon.

"Ano plano niyo ngayong christmas break?" Biglang tanong ni Colet sa mga kaibigan.

"Ala edi uuwi sa kaniya kaniya namin pinagmulan" Sagot ni Maloi sa kaibigan.

"Same, uuwi rin kaming Cebu bago mag christmas e" Biglang usap ni Aiah na siyang kinagulat talaga ni Mikha.

"Totoo? Bakit hindi ko alam yon?" Takang tanong ni Mikha kay Aiah.

"Bakit? Dapat ba alam mo?" Tanong ni Gwen.

"Bakit sino ka ba?" Tanong naman ni Colet

"Bakit jowa ka ba niya?" Dagdag na tanong pa ni Jhoanna kaya inis naman silang tinignan ni Mikha.

Lingit naman sa kaalaman ng magkakaibigan ay tawang-tawa na ang iba pa nilang kaibigan habang si Aiah naman ay napapailing na lang sa mga ito.

"Nako, tigilan niyo na yan at baka biglang maghanap yan si Mikha ng iba" Asar pa ni Sheena kaya taas kilay naman siyang tinignan ni Aiah.

"Kaya nga, ang dami pa naman din nagkakagusto diyan, mamaya kausapin lang ni Mikha yung mga yon at bigla na lang mga mag I Do" Dagdag pa ni Maloi kaya natawa nanaman ang ilan.

Nang makarating na sila parking lot ay agad din naman hinarap ni Mikha si Jhoanna.

"Uuwi kang Laguna?" Tanong ni Mikha sa kaibigan at tumango naman ito bilang sagot.

"Naka impake na yung ibang gamit ko kaya baka mamaya alis na rin ako" Sagot pa ni Jhoanna.

"Mag iingat ka sa pag drive, mag bibirthday ka pa, may senior prom at graduation pa tayong kailangang puntahan" Natatawang usap ni Mikha sa kaibigan.

"Sana alam din ni Stacey yan" Sagot na lang ni Jhoanna.

"Sana makabalik na siya bago pa ako mag birthday. Gusto ko pa siyang maisayaw sa senior prom at makasama grumaduate" Dagdag pa nito. Napatango na lang naman si Mikha.

"Anong malay natin? Malay mo naman, matupad pa rin yang mga gusto mo" Nakangiting usap pa ni Mikha kaya napangiti na lang din si Jhoanna.

"Oh siya, una na ako, see you next year" Pagpapaalam na ni Jhoanna bago tuluyang sumakay ng kotse.

Nang makarating sa condo ay agad niya rin inayos muna iyon bago tuluyang linisin ang sarili niya. Pagkatapos niyang ayusin ang lahat lahat ay kinuha na rin niya ang ilang gamit niya bago tuluyang patayin na ang ilaw at isara na ang pinto.

"Pa?" Bungad ng dalaga ng sagutin ang tawag ng kaniyang ama.

"Ingat ka sa pagda drive mo anak, ah. Hihintayin ka namin dito" Bilin pa ng tatay ni Jhoanna

"Opo" Sagot na lang ni Jhoanna at agad din binaba ang linya bago pa tuluyan humaba ang kanilang usapan.

Bago pa man tuluyan umuwi sa kanilang probinsya ay dumaan na muna siya sa bahay nila Stacey. Pagdating naman niya sa loob ng subdivision ay agad niya rin nakita si Aiah at Mikha na papasok sa bahay nila Stacey kaya agad din naman itong bumaba ng sasakyan niya.

"Oh nandiyan ka na pala e, tara na sa loob" Biglang yaya ni Mikha sa kaibigan kaya taka na lang naman napatingin si Jhoanna sa mga ito.

"Alam na kasi namin na dadaan ka pa muna rito bago ka umalis, at mukha naman na tama kami kaya napagdesisyonan namin na rito muna mag stay kila Stacey" Nakangiting usap pa ni Aiah sa kaibigan.

"Kung gusto mo dito ka na muna magpalipas ng gabi, medyo delikado na rin kasi kung ngayon ka na uuwi" Suhestiyon pa ni Mikha sa kaibigan. Napatango na lang naman si Jhoanna bilang pang sang ayon.

Nang makapasok na sila sa loob ng bahay ay agad din sila napaupo sa sofa. At ilan saglit lang ang nakalipas ay dumating na rin ang iba pa nilang mga kaibigan.

"Talagang mag oovernight tayo rito ng wala yung may ari ng bahay ah" Nasabi na lang ni Jhoanna.

"Sure naman akong okay lang kay Tita Ivy yon at bilin naman din niyang pumasok na lang kami kung kailan namin gusto o di kaya kung sakaling man na gustuhin mo" Nakangiting sagot ni Aiah kaya napatango na lang naman si Jhoanna.

"Ate Aiah, pwede naman siguro ako matulog ngayon sa kwarto ni Stacey, di ba?" Tanong ni Jhoanna sa kaibigan bago tuluyang tumayo. Tumango naman si Aiah at ngumiti.

"Oo naman, ilan beses ka naman na nakatulog don" Natatawang sagot na lang nito kaya napapailing na lang din naman si Jhoanna.

Bago pa tuluyang umakyat sa kwarto ni Stacey ay nagpaalam na rin siya sa ilan pa niyang kaibigan at hindi naman na nila ito pinigilan pa, halata naman kasi na hindi na ito nakapaghintay na umakyat sa kwarto ng isa pa nilang kaibigan at bakas na rin ang antok at pagod sa mukha ni Jhoanna.

"Dalhan kitang pagkain?" Pahabol pang tanong ni Aiah sa kaibigan.

"Hindi na, thanks Ate Aiah" Sagot pa nito.

Nang makapasok na sa kwarto ng dalaga ay agad din naman siya huminga ng napakalalim pero kahit anong pagpipigil pa ang gawin niya ay tuluyan naman ng bumabagsak ang luha sa mata niya lalo na ng makita niya ang litrato nilang dalawa sa gilid ng kama ng dalaga.

"I miss you, baby" Nasabi na lang ni Jhoanna habang nakatingin sa litrato ng dalaga.

"Sinakripisyo natin tong darating na pasko at bagong taon ngayon para sa mga susunod na marami pang taon" Usap pa nito.

"Namiss kita lalo rito, sinanay mo kasi akong laging yakap mo kapag nandito ako" Natatawa ng usap ni Jhoanna.

"Tulog na ako, baby. Pagdadasal ko na lang na sana okay lang kayo nila tita Ivy at ni mama diyan sa Dubai" Usap pa ni Jhoanna, bago tuluyan mahiga sa kama ng dalaga para magpahinga.

Will She Come BackWhere stories live. Discover now