CHAPTER XXXI

696 26 0
                                    

"Congrats sa atin guys!" Masayang bati ni Sheena sa mga kaibigan.

"Congrats at goodluck sa atin sa college" Dagdag pa ni Maloi.

Ngayon araw nagtapos sa Senior High ang magkakaibigan, kasama nilang magtapos si Stacey kaya masaya silang lahat dahil kumpleto sila sa espesyal na araw na ito.

"Magkakahiwa-hiwalay na tayo ng school pero sana naman makumpleto pa rin tayo kahit papano" Biglang usap ni Colet. Napatingin naman si Aiah at Mikha kay Stacey na tahimik lang nakikinig sa usapan ng mga kaibigan.

"Sana nga makumpleto pa rin tayo" Nakangiting usap pa ni Stacey na siyang kinabigla ng magkakaibigan.

Hindi naman na nila malaman ang sasabihin dahil unting-unti na nila nauunawaan ang sinabi ng kaibigan. Alam na ng lahat na hindi natuloy ang transplant ni Stacey, wala naman na naglakas loob sa ilan mga kaibigan niya na pag usapan pa ang tungkol sa lagay ng kaibigan dahil lagi lang sinasabi nito na 'May oras pa ako'.

"Walo tayo hanggang dulo" Nasabi na lang ni Mikha at napaiwas na lang ng tingin mula kay Stacey.

"Tara na hinihintay na nila tayo sa labas, kita kita na lang tayo kila Stacey mamaya" Usap na ni Jhoanna atsaka lumapit kay Stacey para alalayan na ito palakad.

"Sige, sige ingat kayo, Stacku? Kitakits!" Paalam na ni Gwen sa kaibigan, ngumiti naman ang dalaga at tinanguan ang kaibigan bago ito tuluyan tumakbo na palayo sa mga kaibigan.


Sa mga Sevilleja naman na dumiretso si Jhoanna at ang mga magulang nito, na hindi niya inaasahan na makukumpleto ulit sila at sa unang pagkakataon ay parehas niyang magulang ang nagsabit sa kaniya ng mga medalyang nakamit niya.

Magkakasama sila sa iisang sasakyan, na siya namang minamaneho ng papa ni Jhoanna.

"Nako, Ivy, hindi na, okay na kami roon sa condo ng pamangkin ko, doon na lang muna kami magstay nitong papa ni Jhoanna, hatid na lang naman kayo" Sagot ng mama ni Jhoanna ng ayain sila ni Ivy na sa bahay na muna manatili.

"E ikaw ba, Jhoanna?" Tanong nito sa anak at tumingin pa sa rear mirror para makita ito

"Kila Tita Ivy po muna ako mag stay ma" Sagot ni Jhoanna na siyang nagpangiti sa katabi niya.

"Nako Tita! Delikado na tong anak niyo, ayaw ng humiwalay sa akin" Biro pa ni Stacey kaya nakatanggap naman ng pangangasar si Jhoanna galing sa papa niya.

"Hindi ko alam na ganyan ka palang magmahal, anak" Usap ng papa nito kaya napapailing na lang naman si Jhoanna.

Kinahapunan ay nakumpleto ulit ang magkakaibigan sa bahay ng mga Sevilleja habang aksidente naman nakita ni Jhoanna ang isang papel na naiwan ng kasambahay nila Stacey sa garden area kaya agad niya itong kinuha at tinignan.

"2 months? New Zealand?" Takang tanong nito. Agad niya ulit binasa yon at doon na niya nalaman ang buong katotohanan.

Katotohanan na minsan hindi binalak ni Stacey na sabihin sa kaniya.

Katotohanan na minsan hindi niya inaasahan na maaari pala talagang mangyari.

"Jhoanna? Bakit ka nandito? Nagpaparty na sila sa loob" Usap ni Ivy ng makita nitong nasa garden area nila ang dalaga.

Hindi naman sumagot si Jhoanna bagkus humarap lang ito sa kaniyang tita Ivy at mangiyak-ngiyak na pinakita ang papel na aksidente niya lang na nakita.

"Paanong?" Tanong ni Ivy at agad na kinuha ang papel sa dalaga.

"Pumayag ho kayo?" Umiiyak ng tanong ni Jhoanna

"Jhoanna, maniwala ka, kahit ako, ayoko" Mangiyak-ngiyak ng sagot ni Ivy sa dalaga.

"Pero desisyon na ng anak ko 'to, kahit anong pagpipigil pa ang gawin ko wala na akong magagawa ron" Sagot pa ni Ivy sa dalaga.

"Tita bakit naman siya ganon?" Umiiyak pa ring tanong ni Jhoanna.

"Jhoanna, hirap na hirap na ang anak ko, palagi niya sinasabi na hindi na siya masaya, laging bukambibig niya hindi na niya kaya, ibang klaseng sakit na nararamdaman niya" Umiiyak na rin na usap ni Ivy sa dalaga, kaya wala naman ng nagawa si Jhoanna kung hindi ang yakapin ang tita Ivy niya.

"May isang buwan pa tayo, Jhoanna, may isang pa tayo bago siya tuluyang umalis papuntang New Zealand" Usap na lang ni Ivy kaya wala naman ng nagawa si Jhoanna kung hindi tumango at punasan ang sariling mga luha.

"Salamat, Tita" Nakangiting usap na ni Jhoanna

"Salamat kasi dinala mo sa mundong to yung babaeng mahal ko, salamat kasi nandiyan ka palagi para sa kaniya" Dagdag pa nito na siyang dahilan ng pag iyak muli ng mommy ni Stacey.

"Salamat din dahil pinasaya mo ang anak ko, Jhoanna" Usap pa ni Ivy kaya napatango na lang naman ang dalaga.

________________________

"I guess, alam mo na" Biglang usap ni Gwen sa kaibigan na tahimik na nakadungaw sa garden area. Inabutan niya rin naman ito ng beer na siyang agad na tinanggap ni Jhoanna.

"Kailan niyo pa nalaman?" Natanong na lang ni Jhoanna sa kaibigan bago uminom.

"Since nung nalaman din ni Ate Aiah at Mikha" Sagot nito.

"Alam mo, dati, akala ko ang hirap hirap mawalan ng minamahal ng hindi mo alam kung kailan at saan mawawala, pero mas mahirap pala yung alam mo na kung kailan at saan ka mawawalan" Nasabi na lang ni Jhoanna sa kaibigan.

"Wag mo na sayangin ang oras, Jhoanna. Gawin mo na ang lahat ng magagawa mo para pasayahin si Sevilleja" Nasabi na lang ni Gwen sabay inom ng alak na hawak hawak niya.

"Kahit kami nabigla, kahit kami napaiyak, pero sa tuwing nakikita namin ni Stacey na nahihirapan, Jho, ang sakit" Napapaiyak ng usap ni Gwen.

"At alam kong mas masakit sayo tong desisyon niya, kaya bilang kaibigan mo, nandito lang kami, sasamahan namin kayo, gawin natin makabuluhan tong isang buwan na natitira na 'to, Jhoanna" Dagdag pa ni Gwen, kaya napaiyak naman na lalo si Jhoanna, hindi naman na nagsalita si Gwen at niyakap na lang ang kaibigan.



Ano nga ba ang mas mahirap? Yung hindi mo alam kung kailan mawawala? O, yung alam mo na kung kailan mawawala?

Will She Come BackWhere stories live. Discover now