CHAPTER XXV

632 28 7
                                    

JHOANNA'S POV

"Paano kung katulad lang din pala ako niyang sunset?" Biglang tanong sa akin ni Stacey.

Nandito kami ngayon sa Antipolo, gusto niya raw kasi masilayan ang huling paglubog ng araw dito sa Pilipinas bago siya tuluyang umalis pa Dubai para sa pagpapa transplant niya.

"Maganda?" Nakangiting tanong ko pa sa kaniya

"Lilipas din" Sagot niya na siyang nagpatigil talaga sa akin, hinawakan naman niya ang kamay ko kaya ngumiti na lang ako kahit na pilit.

"Hanggat may bukas naman bumabalik at bumabalik pa rin naman ang paglubog ng araw, masisilayan at masisilayan pa rin natin yan"

"Oo, kagaya mo, aalis ka lang saglit pero alam kong babalik at babalik ka pa rin, yang gandang yan, masisilayan ko pa rin" Nakangiting usap ko na lang sa kaniya at niyakap siya.

"Masyado kang maganda para hindi na masilayan, kaya dapat mo lang akong balikan" Kunwari pang utos ko sa kaniya kaya tumango naman siya.

"Okay, baby" Usap niya kaya napatingin naman kami sa isa't isa at sabay na natawa.


Saglit pa naming inenjoy ang paligid, ang pagkain at ang presensiya ng isa't isa hanggang sa kinailangan na nga namin bumalik ng Manila para sa nalalapit na pag alis ni Stacey at Tita Ivy pa Dubai.

Nang makasakay na kami ni Stacey ng bus ay doon ko lang pinasalamatan na hiniling ni Stacey na huwag kami magdala ng sasakyan ngayon, pinasalamatan ko yon dahil mas mahaba ang oras ko na hawakan ang mga kamay niya bago siya tuluyan umalis sa tabi ko.

Ang hirap bitawan ng isang bagay lalo na't hindi mo alam kung babalik pa ito sa iyo.

Ang hirap bitawan ng isang bagay lalo na't hindi mo alam kung sa pag gising mo maging alaala na lang ang lahat ng ito.


"Tahimik ka nanaman" Saway sa akin ni Stacey habang bahagyang pinalo sa akin ang magkahawak namin mga kamay. Ngumiti na lang naman ako sa kaniya at ngumiti.

"Tanda mo pa ba yung unang araw na nagkita tayo?" Tanong ko sa kaniya, ngumiti naman siya at tumango.

"Alam mo bang kinikilig ako non? Alam ko naman na mag tratransfer ka na non sa school pero hindi ko alam na mas mapapaaga pala yung pagsilay ko sayo" Natatawang sabi niya tsaka pinisil ang ilong ko.

"Alam mo rin ba nasa isip ko non?" Tanong ko sa kaniya, taka naman siyang tumingin sa akin

"Ano?" Tanong niya

"Hmm, aminado naman na ako sa sarili ko non na maganda ka, pero nasabi ko rin sa sarili ko na ang mga katulad mo ang dapat kong iwasan" Natatawang kwento ko sa kaniya pero inarapan niya lang naman ako

"Mabuti na lang at inasar nila ako sayo kaya wala na akong kawala" Nakangiting usap pa niya sa kin

"Maswerte ang susunod na taong mamahalin mo" Nasabi na lang niya habang nakatitig sa akin. Ngumiti lang naman ako sa kaniya at hinalikan ang likod ng palad niya.

"Maswerte ka kasi wala ng susunod pa sayo" Usap ko sayo, magsasalita pa sana siya pero agad ko rin naman siyang pinigilan

"Kaya dapat lang na balikan mo ako, Pink Lady"


Madilim na ng makarating kami sa train station kung saan kami unang nagkita, saglit pa kaming umupo sa bench na lagi namin inuupuan sa tuwing mang gagaling kami galing school. Nakangiti niyang pinag mamasdan ang paligid habang pilit kong kinakabisado ang bawat sulok ng mapakaganda niyang mukha.


"Namiss ko rito at alam kong mamimiss ko pa rito" Nakangusong sabi niya

"Mamimiss mo talaga, dito ka unang nakasilay sa akin e" Kunwari pang pag mamayabang ko kaya napapangiti naman siyang umiling iling.

Muli kaming natahimik ng biglang may dumating na tren, tahimik lang namin pinagmasdan ang mga bumababa at mga sumasakay dito.

Naramdaman ko naman na pahigpit na pahigpit na ang hawak niya sa kamay ko, napalingon naman ako sa kaniya at sa tinitignan niya, doon ko naman na nakita sila Ate Aiah sa hindi kalayuan sa amin.

"Kailangan ko ng umalis" Nakangiti ngunit naiiyak ng paalam niya sa akin. Agad ko naman siya hinila palapit sa akin para yakapin ito ng mahigpit.

"Hinihintay na nila ako, Jho" Natatawa pa kunwari na usap nito, mas hinigpitan ko naman ang pagkakayakap sa kaniya at doon ko na nga narinig ang pag iyak niya.

"Mahal kita, Jhoanna" Biglang usap niya na siyang dahilan kung bakit tuluyan ng tumulo ang mga luha sa mata ko.

"Mahal kita" Usap pa niya kaya tumango-tango naman ako at hinalikan na ang noo niya.

"Mahal din kita, balikan mo ko ah, maghihintay ako sayo" Nakangiting usap ko sa kaniya habang pinupunasan na ang mga luha sa mata niya.

"Hihintayin kita"

Muli naman niya akong niyakap kaya niyakap ko na ulit siya pabalik, parehas pa namin ayaw kumalas pero lumapit na sa amin si Ate Aiah para madaliin na si Stacey.

"Stacku, doon na kita hintayin ah, dalian mo na baka malate na kayo ni Tita sa flight niyo" Usap na ni Ate Aiah kaya tumango tango na si Stacey bago tuluyang kumalas sa pagkakayakap sa akin. Naglakad na rin naman naglakad si Ate Aiah palayo sa amin para bigyan pa kami ng kaunting oras.

"I love you, Jhoanna" Nakangiting usap pa niya sa akin habang pinupunasan ang mga luha ko.

"I love you" Usap pa niya uli habang patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha sa mata namin.

Sa hindi malaman na dahilan ay hindi ko na pinigilan ang sarili ko, tuluyan ko na ngang dinampi ang mga labi ko sa labi niya at kasabay ng pag galaw ng mga labi namin ang siyang patuloy na pagpatak ng mga luha sa mata namin pareho.

"Hihintayin kita"

"Mahal na mahal kita, Stacey"

Ngumiti lang naman siya at saglit pang tinitigan ang mukha ko habang hawak hawak niya ito.

"Thank you, Jhoanna" Nakangiting usap niya pa niya bago siya tuluyan maglakad papalayo sa akin, patuloy ko naman siya tinignan papalayo habang umaasa na babalik pa siya matapos ng lahat ng ito.

Na babalik siyang buhay kahit na anong mangyari.

Will She Come BackWhere stories live. Discover now