CHAPTER XIX

612 26 1
                                    

JHOANNA'S POV

Laking tuwa ko naman ng magising ako ng maaga na walang sakit na ulo na naramdaman. Nakarating din ako sa tamang oras na sinet ko sa sarili ko nung una pa lang para lang ako ang laging maghihintay kay Stacey sa train station.

Nakarating na nga ako sa train station at matiyaga ko ulit siyang hinintay, kaya lang sa lumipas na kalahating oras, isang oras, ay wala pa rin siya, wala pa ring Stacey na dumadating.

Sinubukan ko naman tawagan ang telepono niya pero nakapatay naman ito, naka tanggap naman ako ng tawag mula kay Mikha kaya agad ko rin naman itong sinagot.

"Sa train station ka pa?" Tanong niya

"Oo, wala pa rin si Stacey e, kasabay niyo ba?" Tanong ko pa sa kaniya, hindi naman siya nakasagot agad kaya kinailangan ko pang ulitin ang sinabi ko.

"Kasabay niyo ba ngayon ni Ate Aiah si Stacey?" Tanong ko pa ulit sa kaniya.

"Hindi, baka sa driver na nila nagpahatid, sumakay ka na ng tren baka malate ka pa" Usap pa niya bago ibaba ang linya. Naghintay pa naman ako saglit bago tuluyan maisipan ang sumakay ng tren.

Nang makarating na ako sa harap ng room ay sakto papasok pa lang din ang first subject teacher namin kaya nagmadali na rin akong pumasok, agad ko rin naman tinignan ang upuan ni Stacey ngunit wala pa rin ito roon at tanging si Ate Aiah, Maloi at Sheena lang ang naroroon.

Nasa ibang upuan din naman si Mikha habang abalang abala sa pagtatype sa cellphone niya.

"Wala pa si Stacey?" Tanong ko sa kanila, umiling lang naman si Colet at Gwen atsaka pinagpatuloy na ang pagsusulat nila ng kung ano-ano.

"Bakit nandon si Mikha?" Tanong ko pa kay Colet.

"Wag mong intindihin yon, alam mo naman yan, laging may sariling mundo" Sagot naman niya kaya napatango na lang naman ako.

Gaya nga ng sabi ni Colet, hindi ko na muna inintindi si Mikha. Pinilit ko naman mag focus na lang sa mga lecture ngayon araw kaysa magtanong nang magtanong kung bakit lumayo siya sa amin ng upuan at kung bakit wala si Stacey

Pero kahit ano pa lang pilit kong wag na muna siya isipin ay awtomatiko naman akong napapatingin sa upuan niya at nangingibabaw pa rin ang pag aalala at pagtataka ko kung bakit wala siya.

Nang magbell na para sa Lunch break kaya agad naman akong lumapit kila Ate Aiah, Maloi at Sheena.

"Ate Aiah, bakit wala si Stacey? Hindi rin siya sumasagot sa mga text ko" Tanong ko sa kaniya, tumingin lang naman siya kila Maloi at Sheena bago tuluyang tumingin sa akin at sumagot

"Hindi ko rin alam, Jho e"

"Akala ko rin kasi sayo siya sasabay" Dagdag pa niya

"Hinintay ko siya kanina sa Train Station, pinapasok na ako ni Mikha kasi baka sa driver na raw nila sumabay" Sabi ko pa sa kaniya pero napatango at umiwas lang siya ng tingin.

"Baka naman nalate lang gising kaya hindi agad nakapasok" Biglang usap ni Sheena kaya naman napatingin na lang ako sa kaniya.

"Oo nga, Jho. Baka pumasok na rin yon bukas" Nakangiting usap pa ni Maloi bago ako yakapin.

"Sumabay ka na sa amin kumain sa baba" Usap pa niya sa akin kaya napatango na lang naman ako.

Habang kumakain sa cafeteria ay napansin ko naman na busy pa rin si Mikha sa phone niya kakatype at kung minsan pa ay meron pa siyang mga tinatawagan, kaya hindi ko naman na maiwasan magtanong sa iba pa namin mga kaibigan.

"Anong problema niyan? Kanina ko pa napapansin na parang aligaga at busy na busy siya diyan sa cellphone niya" Tanong ko pa kay Gwen at Ate Aiah. Nagkibit balikat lang naman si Gwen habang kunot noo naman tumingin sa kaniya si Ate Aiah.

"Salamat sa tulong mo" Rinig ko pang bulong ni Ate Aiah kay Gwen kaya natawa na lang naman ito.

"May importanteng pinapagawa lang sa kaniya daddy niya kaya ganyan yan" Sagot ni Ate Aiah kaya napatango na lang naman ako.

"Kain nang kain, Jho. Wala ka pa halos nakakain oh" Biglang usap ni Colet kaya napatingin naman ako sa pagkain ko.

"Baka kasi masuka ako sa room kapag dinamihan ko ng kain" Bulong ko sa kaniya kaya napatango naman siya.

"Sabagay, buti nga nakapasok ka pa" Natatawa ng sabi niya kaya napangiti na lang naman ako.

Nang uwian na ay nauna ng nagpaalam sila Ate Aiah at Mikha kaya hinayaan na lang namin ang mga ito. Nagpaalam na rin naman ako sa ilan pa namin mga kaibigan para dumaan na muna sa bahay nila Stacey.

Sakto naman na nakita ko ang driver at kasambahay nila sa labas ng bahay na may dala dalang isang hindi kalakihan na bag na siyang nilagay niya sa kotse nila Stacey.

"Kuya!" Tawag ko rito, gulat pa siyang makita ako kaya napangiti na lang naman ako.

"Si Stacey nandiyan ba? Hindi siya pumasok kanina e" Tanong ko pa sa kaniya, sinara naman na muna niya ang pinto ng kotse bago tuluyang humarap sa akin.

"Ahh Jho, ano e, umalis sila ni ma'am Ivy, may importante lang daw sila saglit na aayusin" Sagot niya kaya napatingin na lang naman ako sa taas kung nasaan ang kwarto ni Stacey, bago tumango

"Sige kuya, salamat po, alis na ho ako" Paalam ko sa kaniya.

"Hatid na kita" Alok pa niya pero ngumiti na lang naman ako at umiling.

"Hindi na ho, baka may importante pa po kayong gagawin e tsaka may kailangan din po akong daanan" Pagpapalusot ko na lang, tumango naman na siya at ngumiti.

"Sige Jho, Ingat ka, sabihan ko na lang sila na napadaan ka" Usap pa niya kaya ngumiti na lang naman ako.

Masyado nga yatang nasanay ako na nasa tabi kita
Kaya ngayon wala ka, hinahanap hanap kita

Will She Come BackWhere stories live. Discover now