CHAPTER II

983 30 1
                                    

Matapos ipakita at ipakilala sa amin ni Mikha ang ilan mahahalagang building at ang ilang mga namumuno rito sa school ay napagdesisyunan na rin naman na pumasok na sa classroom namin para hindi na rin kami malate. Sakto rin naman na pagkaupo na pagkaupo namin apat ay agad din dumating ang adviser namin at nakangiting tumingin sa amin.

"Good Morning Everyone" Nakangiting usap pa ng teacher na nasa harap namin habang isa-isa kaming tinitignan.

"Good Morning Miss" Sabay-sabay din namin bati sa kaniya.

"Ako si Miss Beneice, Miss Ben for short" Usap pa niya matapos isulat sa white board ang pangalan niya, napatango naman kami.

"Gusto ko lang malaman niyo na lahat kayo rito puro transferee, maliban lang sa tatlong itlog na tong mga 'to at hindi ko rin alam kung bakit nandito tong mga 'to" Seryoso ngunit malokong usap pa ni Miss Ben habang tinuturo si Mikha pati na rin si Pink Lady at si Ate Aiah na laging kwinekwento sa amin ni Mikha. Ate raw kasi matanda raw ito ng isang taon sa amin sabi nila Mikha.

"De, mababait at kilala yang mga yan dito dahil prinepresent nila ang pangalan ng school laban sa iba pang school kaya proud din ako sa mga yan" Nakangiti pang usap ni Miss Ben kaya tinapik naman ni Colet si Mikha. Nasa harap kasi namin si Gwen at Mikha habang kami naman ni Colet ang magkatabi sa likod nila.

"Famous naman pala" Asar pa ni Colet kaya inirapan na lang naman siya ni Mikha.

"Gaya ng ibang nagkadaan pang first day of school niyo, gusto kong ipakilala niyo muna ang mga sarili niyo sa mga bago niyong kaklase at sabihin niyo rin kung saan school o province kayo nang galing, so, simulan natin dito sa harap" Nakangiting sabi pa ni Miss Ben kaya agad din naman nag simulang nagpakilala ang mga taong nasa harapan.

"Hi! Ako si Sheena Catacutan and I'm from Isabela" Nakangiting pakilala pa nito kaya agad ko rin naman sinipa ang upuan ni Gwen dahil sa kakulitan nito.

"Ang aga ng landi mo" Bulong na saway ko sa kaniya kaya natawa na lang naman sila.

"Ikaw nga may Pink Lady agad e" Asar pa sa akin ni Colet kaya napailing na lang naman ako.

"I'm Aiah Arceta, I'm from Cebu, pero dito na talaga ako nag aaral since high school" Nakangiting pakilala pa niya kaya sabay-sabay naman kaming napatingin kay Mikha na pasikreto pang pumapalakpak

"Dre, nagpakilala lang parang proud na proud ka na" Rinig namin bulong pa ni Gwen kay Mikha kaya napayuko na lang naman kami ni Colet kakatawa.

"Ako po si Maloi Ricalde, ale e galing po ako sa Batangas" Nakangiting pakilala niya kaya napangiti naman kami pare-pareho.

"Cute" Usap pa ni Colet habang ibang-ibang ang ngiti kumpara sa amin, agad naman napalingon sila Gwen at Mikha ng marinig ang sinabi ni Colet.

"Delikado ka na" Usap pa ni Mikha kaya natawa nanaman kami pare-pareho habang inis naman sinipa ni Colet ang upuan ni Mikha.

"First day of School pa lang, isantabi niyo nga muna yang kalandian niyo" Saway ko sa kanila.

"Hi! I'm Stacey Sevilleja" Pakilala na ni Pink lady, hindi ko naman namalayan na napatitig na rin pala ako sa kaniya hanggang sa

"Ms. Sevilleja naman pala, Jho" Nakangiting usap pa ni Gwen kaya agad naman ako napatingin sa kaniya habang napapailing na lang naman si Mikha, inis ko naman tinignan si Colet na kanina pang tawang-tawa sa tabi ko.

"Isantabi pala ang kalandian ah, sino kaya yung tulalang napatitig?" Tawang-tawa pa rin na bulong sa akin ni Colet kaya hindi ko na lang naman siya pinansin.

Nang palapit na sa amin sa bandang likuran ay agad din nagsi ayusan ng upo ang mga nasa harapan upang makita nila ng ayos ang mga nagpapakilala.

"I'm Gwen Apuli and I'm from Albay" Simpleng pakilala niya kaya agad din naman tumayo si Mikha

"I'm Mikha" Mas simpleng pakilala ni Mikha kaya bahagya pa kaming natawa ni Colet dito sa likod habang si Ate Aiah naman ay nakangiting nakatitig kay Mikha. Hmm, may something?

"I'm Colet Vergara and I'm from Bohol" Todo ngiting pakilala ni Colet kaya napapailing na lang naman akong tumayo.

"I'm Jhoanna Robles and I'm from Laguna" Pagpapakilala ko, sa hindi malaman na dahilan ay napatingin naman ako sa gawi ni Pink Lady pero agad din akong napaiwas ng tingin ng makitang nakatingin na rin ito sa akin. Awkward!

"Since alam niyo na kung ano ang pangalan ng isa't isa, gusto kong maglabas kayo ng one sheet of paper at ilagay niyo ang pangalan niyo sa bandang itaas ng papel, kapag okay na ang lahat, sabay-sabay natin ipapaikot yon dito sa buong classrom, yung matatapat na papel sa inyo kada iikot, isusulat niyo sa papel na yon yung first impression niyo doon sa kaklase niyo" Mahabang paliwanag pa ni Miss Ben. Well, hindi na rin naman bago sa amin 'to. Kakambal na rin yata talaga 'to ng introduce yourself.

Matapos ng mahabang eksplenasyon ay sinimulan na namin ang pagpapaikot ng mga papel, may mga ilang kaklase pa rin akong hindi pamilyar sa mukha o kahit sa pangalan kaya ang nilalagay ko na lang ay kung hindi ang mabait ay yung tahimik naman.

"Oyy si Pink Lady" Tuwang-tuwang usap pa ni Colet ng nakarating na sa kaniya ang papel ni Pink Lady.

"Seryoso ka?" Takang tanong ko sa kaniya ng makita ko sa papel ang sinulat niya. Pink Lady ni Lalim? Seryoso ba 'to?

"Okay pass" Sigaw pa ni Miss Ben kaya ipinasa na sa akin ni Colet ang papel. Wala naman na akong maisip kaya Pink Lady na rin ang sinulat ko.

Nang ipasa ko na kay Gwen ang papel ay natawa pa siya atsaka pinakita kay Mikha ang sinulat namin ni Colet. Matapos ng mahaba-habang ikot ay nakarating na ulit sa amin ang mga papel namin. Nagulat naman ako ng biglang tumawa si Colet at Gwen habang nakatingin sa papel ni Mikha kaya agad din naman ako napatingin sa papel nito.

"Buti hindi ka pa naninigas" Nasabi ko na lang kaya mas lalo naman natawa sila Colet at Gwen. Paano ba naman kasi karamihan sa nakasulat sa papel niya puro 'COLD'

"Train station?" Takang tanong sa akin ni Gwen, napatingin din naman ako sa papel ko para hanapin yon.

"Train Station" Nasabi ko na lang at napatingin kay Pink Lady na nakangiting nakatingin sa akin.

Will She Come BackWhere stories live. Discover now