CHAPTER IV

908 33 0
                                    

Pagpasok namin sa opisina ni Miss Ben ay bigla na lang nagkaroon ng sari-sariling mundo ang mga kaibigan ko. Si Mikha ay basta na lamang tumabi kay Ate Aiah, habang ganon din naman si Colet kay Maloi at si Gwen naman kay Sheena. Napailing na lang naman ako ng makita ko kung paano lumandi ang mga kaibigan ko. Ang gagasgas.

"Inggit ka? kung gusto mo naman, tayong dalawa na lang" Todo ngiti pang sabi niya atsaka binalik ang tingin sa cellphone niya. Hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kaniya at napailing.

"Akala ko tahimik lang yang mga kaibigan mo, may mga kalandian din palang taglay yang mga yan" Dagdag pa niya kaya napangiti na lang naman ako.

"Oo kaya nga naisip ko na dapat pala ikaw ang kaibigan nila Colet hindi ako" Nasabi ko na lang at binalik ang tingin ko sa cellphone ko.

"Talaga ba?" Kunwari pang paninigurado niya, kaya tumango na lang naman ako

"Sus! Ikaw din, baka mamaya niyan, hanap-hanapin mo ko at tong panlalandi ko sayo" Natatawang usap pa niya bago tuluyan tumayo palapit kila Ate Aiah at Mikha.

"Bakit ko naman siya hahanapin?" Bulong ko pa sa sarili ko kaya naman ay napailing na lang ako. Ilan saglit lang ay dumating na rin si Miss Ben para sabihin na ang mga rules and regulations na gusto niyang ipatupad sa loob ng classroom namin. Nang magkaintindihan na kami pare-pareho ay agad na rin kaming pinauwi ni Miss Ben kaya naman ay excited kaming hinarap ni Colet at Gwen.

"Total maaga pa naman, bakit hindi na muna tayo mag mall?" Todo ngiting suhestiyon ni Colet

"Oo nga, para magkakila kila na rin tayong mga officers" Dagdag pa ni Gwen

"Kayo na lang uuwi na lang ako" Usap ko sa mga kaibigan ko kaya napatingin naman sila sa akin pare-pareho.

"Uuwi na lang din pala ako, hindi pala siya sasama e" Dagdag pa ni Pink Lady, kita ko naman na napapangiti sila Ate Aiah at Mikha kaya napaiwas na lang ako ng tingin. Kailan pa nakasalaylay desisyon nito sa akin?  Hindi ako na inform.

"Ms. Sevilleja, pwede ka naman sumama kahit hindi ako kasama, kumpleto naman mga paa mo, matibay naman na siguro mga buto mo, kaya, kaya mo na yan" Biglang usap ko kay Pink Lady kaya napatingin na lang silang lahat sa akin maliban kay Ate Aiah at Mikha na parang nag aalala pang tumignin kay Pink Lady.

"Sana nga" Usap niya lang at ngumiti. Taka lang naman akong tumingin sa kaniya

"Kaya ko nga pero walang saysay ang pagsama ko kung wala ka rin don at isa pa, diba sabi ni Gwen lalabas tayo para magkakila-kila tayo" Usap niya habang unting-unti lumalapit sa akin.

"Paano kung sabihin ko sayong ikaw yung gusto kong makilala ko?" Bulong niya sa akin ngunit rinig na rinig pa rin naman ng mga kaibigan namin.

"WHOOOOOAAAA" Biglang sigawan ng mga kaibigan namin kaya napaiwas na lang ako ng tingin. Ibang klase pala bumanat ang isang to, ang korni!


Matapos ng hindi kahabaan na debate namin ni Pink Lady ay wala na rin akong nagawa kung hindi ang sumama na rin sa kanila, habang naglalakad sa loob ng mall ay kaniya kaniyang landi ang mga kaibigan ko habang ako naman ay naiwan kay Pink Lady.

Mukhang mabait na tao naman si Pink Lady, hindi naman siguro siya magiging kaibigan ni Ate Aiah at Mikha kung hindi. Aminado akong maganda siya, sadyang may pagka malakas lang kung magtrip kaya siguro ay kung minsan may mga oras na ayoko talagang nasa tabi ko ang isang 'to.


Nagulat naman ako ng bigla siyang humawak sa kamay ko "Kahit ngayon lang" Bulong niya sa akin at tumigil pa kami saglit. "Okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya ng maramdaman ko ang higpit ng pagkakahawak niya.


Tumango naman siya "Oo, gutom lang siguro ako" Sagot niya kaya napatingin naman ako sa mga kaibigan namin


"Mikha!" Tawag ko kay Mikha, agad naman silang lumingon sa akin ni Ate Aiah ganon din ang ilan namin kaibigan, nang makita nila si Stacey ay agad din silang tumakbo palapit sa amin.

pagkalapit nila ay agad din nilang kinamusta si Stacey at nag aalalang tumingin pa sa kaniya.

"Gutom daw siya kaya kumain na muna tayo" Usap ko sa dalawa kaya agad din silang napatingin sa akin.

"Ayon oh! Doon na lang tayo, mas malapit pa, para makakain na rin si Stacey" Usap ni Maloi kaya napatango na lang kami pare-pareho.

"Kaya?" Tanong pa ni Mikha kay Stacey, tumango lang naman ito at nagsimula na palakad kasabay ni Ate Aiah.

"Hindi kasi kumain ng lunch niya yan kanina kaya siguro nagutom" Usap ko kay Mikha habang naglalakad na kami papunta sa restaurant na tinuro ni Maloi.

"Paano mo naman nalaman? Tinitignan mo no?" Nakakalokong tanong naman sa akin ni MIkha.

"Oo, kasi iilan lang naman kaming naiwan sa classroom kanina nung lunch break, hindi niyo man lang pinilit kumain" Sagot ko sa kaniya.

"Kaya ba hindi ka rin bumaba non? Kasi baka walang makasama si Stacku sa classroom?" Tanong pa niya, napailing na lang naman ako

"Pinagsasasabi mo? Hindi ko lang talaga trip bumaba" Sagot ko kaya napatango na lang naman si Mikha.

"Hindi trip ni Stacku magpanik panaok sa classroom at canteen, kadalasan dinadalhan lang namin siya ni Aiah ng food o hindi kaya pinagbabaon siya ni Tita Ivy ng pagkain niya" Biglang usap sa akin ni Mikha


Taka naman akong napatingin sa kaniya "Bakit?"

"Hindi healthy mga pagkain sa canteen e" Sagot niya lang at naglakad na ng mabilis papalapit kay Ate Aaiah at Stacey.


Nang makaupo na kami pare-parehas ay saglit pa akong napatitig kay Stacey na kanina pa panay ang type sa cellphone niya.

"Hoy! baka matunaw yan" Natatawang bulong sa akin ni Sheena. Si Sheena ang isa ko pang kaklase na kinakabaliwan ng kaibigan kong si Gwen dahil kay Sheena bigla na lang nabuhay ang kalandian taglay ni Gwen.

Napangiti na lang naman ako at napailing "Sira!"

"Kung may mga gusto kang ishare, ishare mo lang sa akin ah, makikinig ako" Todo ngiting sabi niya kaya napatago na lang naman ako.

Dumating naman na ang mga inorder namin kaya napatingin naman ako sa mga inorder ni Pink Lady.

"Nice! Healthy Living" Usap ko pa sa kaniya ng makita mo ang salad dressing, egg at milk na inorder niya.

"Sana naging pagkain na lang ako, para napapansin mo rin ako" Kunwari pang broken na sabi niya habang nakanguso pang nakatingin sa akin kaya tawang tawa nanaman ang mga kaibigan ko. Mukhang kailangan ko ng masanay sa mga banat ng babaeng 'to.

Will She Come BackWhere stories live. Discover now