SPECIAL CHAPTER

1.4K 43 14
                                    

AFTER 4 YEARS...

"Gaya ng sinabi mo, babalik at babalik ka sa lugar na ito kaya ganon rin naman ako, bumabalik at bumabalik pa rin ako sa lugar na ito" Nasabi na lang ni Jhoanna ng makaupo na siya sa isang bench sa train station kung saan silang unang beses na nagkita ni Stacey.

Apat na taong na ang nakakalipas mula ng piliin na lang na tapusin ni Stacey ang sarili niyang buhay sa New Zealand (EUTHANASIA) At halos apat na taong na rin nagpapabalik-balik si Jhoanna sa lugar kung nasaan siya ngayon.

eu•tha•na•sia

The painless killing of a patient suffering from an incurable and painful disease or in an irreversible coma. The practice is illegal in most countries.

Euthanasia became legal in New Zealand when the end of life choice act 2019 took effect on 7 November 2021.

"Jhoanna, anak" Bungad ni Ivy sa linya

"Tita Ivy"

"Congratulations, anak! graduate ka na, malamang niyan proud na proud sayo yung isa diyan sa itaas" Masayang bati ni Ivy sa dalaga.

"Thank you po tita, sana nga po proud siya" Nasabi na lang ni Jhoanna. 

"Sigurado ako ron, san ka na nga pala? Nandito na parent mo at friends niyo ni Stacey, ikaw na lang ang wala rito" Usap pa nito.

"Papunta na rin ho ako tita, dumaan lang ho ako rito sa train station saglit" Sagot pa ni Jhoanna.

"Tinutupad mo pa rin talaga pangako mo sa kaniya ah, sige sige, basta mag iingat ka ah, bye" Huling usap pa ni Ivy bago tuluyan ibaba ang linya.

Napahinga na lang naman ng malalim si Jhoanna bago tuluyan tumayo sa pagkakaupo, saglit pa niyang ginala ang paningin niya at napangiti na lang siyang makita ang isang bata na puro pink ang halos na suot nito.

"Mini Pink Lady" Nakangiting usap pa niya bago tuluyan umalis sa estasyon.

Nang makarating sa sementeryo ay agad din niyang binigay kay Stacey ang bulaklak na binili niya bago tuluyan umupo sa tabi nito.

"Hi, baby" Nakangiting bati nito habang nakatitig sa litrato ng dalaga.

"Makababy akala mo may label" Biglang usap ni Mikha na siyang dahilan ng pagtawa nilang magkakaibigan.

"Nagsalita ang meron" Napapailing na usap na lang ni Jhoanna.

"Ayy talagang meron!"

"Stacku! Sinagot na ako ni Aiah kanila lang pagtapos ng graduation namin" Masayang balita ni Mikha sa kaibigan, gulat naman napatingin si Jhoanna sa kaibigan habang tumango naman si Aiah bilang pang sang ayon.

"Hayaan mo na, Jho. Tagal naghintay niyan oh" Pangangasar pa ni Colet sa kaibigan.

"Yabang mo porket ang tagal niyo na ni Maloi!" Rebat pa ni Mikha.

"Dili na lang ako mag talk" Usap na lang ni Gwen na siyang may pinakamatagal ng relasyon kasama ni Sheena.

"Yayabang niyo" Napapailing na sabi na lang ni Jhoanna at tinignan ulit ang litrato ng minamahal.

"Basta ako, sayo ako"

"Hinding-hindi ko pagpapalit yung mga bangayan at sabunutan natin" Usap pa ni Jhoanna kaya natawa naman ang mga kasama niya.

"Tandang-tanda ko pa yung nung nagsabunutan yang dalawang yan" Biglang usap ni Maloi na siyang nag simula sa pagbalik ng masasaya nilang alaala na kasama ni Stacey.

Babalik lang ako sa alaala ng nakaraan kung kasama ka, masakit man pero isa yon sa dahilan kung bakit ako ngayon maligaya.

At patuloy pa rin akong babalik sa alaala ng nakaraan na kasama ka dahil doon ako totoong naging masaya, saya na baon baon ko pa rin hanggang sa kasalukuyan.

Hindi man naging tayo, ramdam ko pa rin ang pagmamahal mo.

Hindi man kita nakikita na sa ngayon, ramdam ko pa rin na nandito ka lang sa tabi ko.

Hindi man tayo ang para sa isa't isa ngayon, sisiguraduhin ko naman na, na sa susunod na habang buhay, hindi ko na itatanong sa sarili ko kung babalik ka pa ba, hindi ko na hahayaan yung sarili na magtanong pa dahil hindi ko na hahayaan na umalis ka pa.

Hanggang sa muli, Pink Lady. Mahal na Mahal Kita.






















WAKAS.

Will She Come BackWhere stories live. Discover now