CHAPTER XVIII

657 24 2
                                    

JHOANNA'S POV


"Yan ang salitang hindi ko narinig sa kaniya" Nasabi ko na lang ng tanungin ako ni Mikha kung mahal din ba ako ni Stacey at kung nakarinig daw ba ako ng mga katagang 'I love you o Mahal kita' mula rito.

"Hindi naman niya kasalanan na mahalin ko siya pero wala siyang ibang sinabi kung hindi, I'm sorry, I'm sorry Jhoanna" Kwento ko sa kanila habang sila naman ay nakatingin lang sa akin.

"Pero alam ko rin naman na hindi naman tanong ang salitang 'i love you' para sagutin niya yon pabalik" Usap ko pa sa kanila atsaka ininom dire diretso ang alak na nasa baso ko.

"Naiintindihan ko naman siya, alam ko naman na hindi ako madaling mahalin, sarili ko ngang nanay, hindi man lang hinintay na makapag lakad muna ako, bago ako iwan e" Natatawang usap ko na lang sa kanila.

"Hindi yan totoo, Jho" Seryosong usap na ni Mikha.

"Alam mo naman na mangibang bansa si Tita para rin sayo, di ba? Gusto ka lang niya bigyan ng magandang buhay niyo, Jho" Pagpapaliwanag sa akin ni Colet habang tinatagayan na rin niya ang sarili niya.

"Pero kailangan ko rin siya rito, kailangan ko rin siya sa tabi ko nung mga panahon na yon" Nasabi ko na lang

"Tanda niyo pa ba yung family day natin nung elementary? Hindi ba ako lang walang nanay non? Sorry guys, kaibigan ko kayo, pero aminado akong inggit na inggit ako sa inyo nung mga oras na yon, minsan nga tinatanong ko sa sarili ko, ano kaya feeling na alagaan ka ng sarili mong nanay?" Natatawang kwento ko na lang sa kanila.

"Kung umuwi lang sana siya para piliin ako kumpara sa trabaho niya edi sana hindi na lumaki yung inggit na yon, hindi na sana ako nakakaramdam ng galit sa kaniya ngayon" Dagdag ko pa.

"Jhoanna, mama mo yon, kahit balik baliktarin mo pa ang mundo, sa kaniya ka pa rin nang galing at sinusiguro ko sayong matapos man ang lahat ng ito, mama mo pa rin yon" Usap pa ni Gwen pagtapos uminom.

"Tama si Gwen, Jho, pero naiintindihan ka rin namin, alam namin na hindi naging madali sayo lahat pagdating sa mama mo" Dagdag pa ni Colet.

"Alam namin darating ang araw na maiintindihan mo rin lahat at sana huwag na huwag mong isasara yang puso mo sa kapatawaran" Dagdag pa ni Mikha kaya mapangiti na lang naman ako.

Masaya akong mayroon akong SILA na natatakbuhan ko sa tuwing may mga problema ako, masaya rin ako na sa paglipas ng taong ay nananatili pa rin kami sa kung ano at paano kami kami sa isa't isa.

Ramdam kong mas naging masaya kami ng muling magsama sama ulit kami matapos namin umuwi sa kaniya kaniya namin probinsiya noon nila Colet at Gwen. At sa muling pagsama-sama namin ay nakakilala pa kami ng Aiah, Maloi, Sheena at Stacey.

Si Stacey

Mahal ko si Stacey at nirerespeto ko ang sinabi at desisyon niya matapos kong aminin sa kaniya na mahal ko siya, patuloy ko siyang iintindihin kahit na malabo kung bakit hindi pwede. Ayokong mapilitan siyang mahalin din ako pabalik dahil unang una, hindi naman niya ginustong mahalin ko siya kaya hindi niya responsibilidad na ibalik din sa aking ang pagmamahal na naramdaman ko sa kaniya.

Matapos ng nangyari ay nakakasiguro akong mananatili pa rin ako nasa tabi niya kahit na anong mangyari, hindi ako magsasawang hintayin siya sa tagpuan namin para lang sabay kaming pumasok, hindi ako magsasawa sa mga gulay at prutas na lagi namin kinakain dahil lang sa mas healthy daw yon, hindi rin ako magsasawang pasanin siya kapag alam kong napapagod ang babaeng yon.

At mas lalong hinding hindi ako magsasawang mahalin siya kahit na alam kong malabong ibalik niya ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kaniya.


Sapat na sa akin na hayaan niya akong manatili ako sa tabi niya, sapat na sa akin hayaan niya akong sabayan siya sa tuwing lunch break, sapat na sa akin na hayaan niya pa rin niya akong ihatid siya.

Alam ko rin naman sa sarili ko na hindi pang matagalan yon, alam kong maaaring makakilala si Stacey ng taong pwede siyang mahalin. At alam ko rin na kapag dumating ang oras na dumating siya sa buhay ng taong mahal ko, kahit na sa ayaw ay sa gusto ko, kailangan ko yong respetuhin.

Hanggang ngayon napapaisip pa rin talaga ako, kung de baterya man ang buhay at ang lahat ng bagay dito sa mundo, mali bang hilingin ko ang sarili kong maging makina? Makina, na patuloy na magpapagana sa buhay na meron si Stacey. Wala man kasiguraduhan ang kinabukasan at kung dumating man na maluma, maubos at mapagod ako, mananatili pa rin akong masaya dahil alam kong kay Stacey ko nabigay ang lakas na meron ako.

"Aiah?" Biglang usap ni Mikha ng sagutin ang tawag na natanggap niya. Agad naman siyang napatingin sa akin at agad din umiwas ng tingin.

"Okay sige, uuwi na ako" Usap niya, agad naman niya binaba ang linya at mabilis na nilagok ang alak na nasa harap niya. Matapos niyang ibaba ang linya ay agad din naman siyang nagpaalam na sa amin.

"Hatid na kita" Alok ko pa sa kaniya, agad naman siyang umiling bilang pagtanggi.

"Hindi na, magalit pa sa akin si Stacku kapag nakita kang nakainom" Usap pa niya kaya napailing na lang naman ako. Nagpaalam naman na ulit siya bago magmadaling tumakbo palabas ng pinto.

Habang pinagpatuloy na lang naman namin nila Colet at Gwen ang pag iinom para makapag pahinga na rin kami ng maaga, uuwi pa rin kasi sila dahil may pasok na rin kami kinabukasan.

Sana lang talaga ay magising ako ng maaga, ayoko naman si Stacey pa ang maghintay sa akin.

Mas gugustuhin ko pa rin maghintay kahit matagal
Basta ba ay ang huling hahantungan nito ay sa kasal

Will She Come Backحيث تعيش القصص. اكتشف الآن