CHAPTER XXVIII

576 24 0
                                    

JHOANNA'S POV

Lumipas ang pasko at bagong taon na wala kaming natatanggap na balita galing kay Tita Ivy patungkol kay Stacey, maski ang magulang ko ay umiiwas sa usapan sa tuwing naitatanong ko sila Tita Ivy at Stacey sa kaniya.

Hindi naman ako tumigil sa pangungulit kay Ate Aiah at Mikha kung sila ba ay may balita kay Stacey pero kagaya ko ay wala rin silang balita na natatanggap. Lagi lang nila sinasabi sa akin na dapat na maging handa na ako sa mga posibleng mangyari sa Stacey.

Hindi ko alam kung dapat pa ba akong umasa o dapat ko na lang ba talaga tanggapin ang mga posibleng mangyari gaya ng mga sinasabi nila. Pero malaki ang tiwala ko kay Stacey at naniniwala ako sa sinasabi niyang babalik siya.

Mahal ko si Stacey at maghihintay pa rin ako kahit hindi na sigurado.

"Ano? May date ka na ba?" Tanong sa akin ni Colet ng tumabi na siya sa akin.

Pagpasok na pagpasok namin kanina ay agad din naging usap usapan na sa buong campus ang nalalapit na senior prom. Hindi ko naman magawang maging excited sa nalalapit na event dahil wala naman sa tabi ko ang gusto kong makasama sa gabing yon.

"Baka hindi na lang ako pumunta" Sagot ko na siyang kinagulat talaga ni Colet.

"Hindi naman pwede yon, gusto mo ako na kadate mo" Yaya pa niya sa akin kaya natawa na lang naman ako.

"Pwede kung wala kang Maloi, kaso meron e" Usap ko kaya napanguso na lang naman siya.

Isa-isa naman na lumapit ang mga kaibigan namin sa amin dalawa ni Colet habang mayroon mga malapad na mga ngiti.

"Anong plano mo bukas?" Tanong sa akin ni Mikha kaya taka naman akong sa kaniya.

"Ayy! hindi pwede yung ganiyan, Jhoanna" Usap pa ni Maloi sa akin kaya napatingin na lang ako sa kaniya

"Huwag mong sabihin na nakalimutan mong birthday mo na bukas" Dagdag pa ni Sheena kaya napabilog na lang naman ang labi ko at napatango.

"Kila Stacey tayo" Nakangiting suhestiyon ni Ate Aiah.

"Hayy! Mabuti na lang at friday ngayon, dedma na tayo sa hangover" Usap pa ni Gwen kaya tinignan na lang naman siya ni Sheena ng masama.

Nakakapag birthday naman ako nitong mga nakaraan  taon ng masaya. Hindi ko lang talaga kayang maging masaya sa ngayon dahil alam kong nahihirapan yung taong mahal ko at naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong ibang magawa kundi ang maghintay. Maghintay nang maghintay hanggang sa bumalik siya.

"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Ate Aiah. Isa-isa naman tumayo ang mga kaibigan namin para iwan kaming dalawa ni Ate Aiah para makapag usap.

"Jhoanna" Tawag pa niya sa akin.

"Alam kong magiging mahirap, mahirap kasi walang kasiguraduhan pero kasi parang sugal tong pinapasok nila ni Tita Ivy, di malaman kung panalo o hindi kaya talo, kaya kahit kami ni Mikha nahihirapan"

"Hindi lang si Stacey ang naiisip namin, kundi pati na rin si Tita Ivy, mabuti na nga lang at nandoon ang mama mo kahit papaano ay may nakakausap si Tita Ivy"

"Gusto kong magpakatotoo sayo, Jho" Dagdag pa niya na siyang dahilan kung bakit dumoble ang kaba at ang takot ko.

Huminga naman muna siya ng malalim bago tuluyan humarap sa akin.

"Sa oras na sumugal si Stacey sa operasyon, may posibilidad na hindi na siya makabalik sa atin na buhay" Mangiyak-ngiyak na usap niya.

"Sobrang baba ng successful rate ng operasyon, Jhoanna. Kaya nakakatakot talagang sumugal" Dagdag pa niya kaya napaiwas na lang naman ako ng tingin.

"Ano na naging desisyon nila ni Tita Ivy?" Tanong ko sa kaniya pero napapailing na lang naman siya.

"Hindi ko pa rin alam, kaya sinabi ko na sayo ito para maging handa ka, para mahanda mo na ang sarili mo sa mga posibleng mangyari" Usap pa niya habang hawak-hawak na niya ang kamay ko.

Hindi ko alam kung paano paghahandaan ang mga bagay na yon, hindi ko alam kung paano tatanggapin ang mga sinasabi nila na posibleng mangyari, hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong asahan sa pagbalik niya.

"Nadaya ako ng kaibigan niyo, Ate Aiah"

"Talaga naman palang babalik siya, yung nga lang hindi na sigurado kung makakausap pa natin siya o hindi" Napapailing na lang na sabi ko sa kaniya.

"Kaya nga sinabi ko na sayo 'to para handa ka, kaibigan din kita, Jhoanna. Kaya ayokong nakikita ka rin nahihirapan" Usap niya kaya ngumiti na lang naman ako bago siya tuluyang yakapin.

"Salamat, Ate Aiah"

"Pero may tiwala ako kay Stacey, alam kong gagawin niya kung ano ang alam niyang mas makakabuti sa kaniya at kay Tita Ivy" Bulong ko pa kay Ate Aiah kaya napatango na lang naman siya bago tuluyan umalis sa pagkakayakap ko.

"Kaya bukas doon tayo mag celebrate sa bahay nila Stacku, para naman kahit papaano parang kasama na rin natin silang mag celebrate" Nakangiting usap pa niya kaya tumango na lang naman ako.

"Maiba tayo, niyaya ka na ba ni Mikha para sa senior prom?" Tanong ko sa kaniya, taka naman siyang tumingin sa akin.

"Kailangan pa ba yon? Obvious naman na kami na talaga magkadate sa prom" Takang taka talaga na sabi niya.

"Hindi ka sure" Nasabi ko na lang na siyang kinagulat niya talaga.

"Joke lang! Pero dapat ka pa rin naman talaga niyang yayain" Usap ko pa sa kaniya.

"E, ikaw ba? May makaka date ka na?" Tanong pa niya sa akin.

"Hindi na lang siguro ako aattend, ayoko naman na ikwento ko kay Stacey pagbalik niya na may iba akong nakadate, alam mo naman, mahirap na" Sagot ko na siyang kinatawa niya talaga.

"Hindi ko alam na ganito pala ka faithful tong childhood crush niya" Natatawang usap pa niya kaya napangiti na lang naman ako.

Will She Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon