CHAPTER 37: HIS ATTRACTIVE OFFER

2.7K 36 0
                                    

The next three days Haven was busy preparing lunch in her husband condo. Aries provides her an attractive offer, to stay with him in his condo. In short he will be giving her a double salary per month.

Lumipat din sila ng ibang unit 'yon nga lang sa mas mataas na floor.

Namangha siya sa nakita niya sa loob ng condo nito lalong-lalo na ang kusina iyon kaagad ang interes ng mga mata niya. Dahil mahilig siyang magluto.

The environment of the working place was roughly great. Kumpleto ang gamit sa kusina.
Paano siya napunta sa condo nito?

Nagpumilit si Aries na dalhin na lang siya sa condong pagmamay-ari ng mga ito kung kaya't sa huli wala na rin siyang nagawa.

Kinabukasan din kasi ng araw na binigyan siya ni Aries ng maraming bulaklak sa garden nila ay lumuwas na agad sila papuntang Makati.

Nang matikman kasi nito ang luto niya ng gabing iyon nasarapan ito. Tumaba pa ang puso niya nang marinig iyon.

Nag-hire si Aries ng care taker na magbabantay sa bahay nila ng mama niya maliban sa guard at hindi daw makakampante si Aries na tumira siya mag-isa sa bahay nila habang wala ito!

Nag-request siya dito na kung pwede magkahiwalay sila ng tutulugan kung kaya't pumayag din ito at 'yon na nga lumipat ulit si Aries ng ibang unit 'yong dalawa ang silid at mas malawak kaysa noong una.

Ikinatutuwa din niya na may swimming pool pa iyon na parang balkonahe na makikita pa ang view sa iba't ibang nagtataasang building mula sa labas.

Maya't-maya nagring ang phone niya. Ibinaba niya ang hawak na sandok at lumapit siya sa sala dahil nandun ang cellphone niya.
Si Aries ang caller.

Sinagot niya iyon. "What kind of meal are you preparing wife?" tanong agad ni Aries sa kabilang linya.

She rolled her eyes. "Aries, alam kong nakikita mo ko and I'm busy cooking your lunch pwedeng mamaya ka ng tumawag makikita mo din naman mamaya." inis na sabi niya.

May mga cctv sa loob ng condo nito at napapanuod nito ang bawat galaw niya sa opisina nito.

Malamang nakatutok lagi ang mga mata nito sa cctv footage kung hindi man ito busy.

Naiinis na talaga siya pakiramdam tuloy niya wala siyang privacy sa loob ng condo nito! Akala naman siguro nito may nanakawin siya!

Kamakailan lang ito nagpakabit ng CCTV camera nung unang araw niya ulit sa condo nito.

"Face on the camera." utos nito.
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. "Ayoko nga!" galit na sabi niya.

"Tumingin ka sabi." muling utos nito.

She took a deep sighed.

Nanggigigil na talaga siya dito! Tumingala siya sa CCTV camera na nakakabit sa taas ng beam.

"Smile." utos nito.
Nagningkit ang mga mata niya.

"Are you crazy!? Pangingitiin mo ako ng walang dahilan! Hindi pako nababaliw para gawin 'yang pinag-uutos mo!" galit na sigaw niya dito.

"Just do what I've said woman! Paaano sasarap ang luto mo kung nakasimangot ka diyan?

"Alam mo Aries ang dami mong alam!" sabi niya at akmang babalik ulit sa kusina nang pigilan siya nito.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now