CHAPTER 22: HIS DESIRE

4.4K 75 52
                                    

"Sweetie, may ipapakilala ako sayo." nakangiting bungad ng ina ni Haven sa kanya sa sala na kinaroroonan niya.

"Sino na naman, ma?" she asked.

"Come here, Arnolfo." sabi ng ina niya.

Nangunot ang noo ni Haven nang makita ang isang matanda na nasa edad sixty marahil ito.

"Isn't she beautiful, Arnolfo? She's my daughter."

Bagong lalaki na naman ba ng mama niya?

"My! My pleasure to meet you! I'm Arnolfo Bautista" sabi ng matanda at inilahad nito ang kamay sa kanya pero hindi niya tinanggap iyon at tinignan lang.

"Haven, huwag kang bastos sa bisita ko." her mom warned her at pinanlakihan siya ng mata.

"I like her, Priscilla." sabi ni Arnolfo na nakaramdam siya ng pandidiri sa sinabi nito at nakikita niyang may mali sa sinabi nito.

"Hindi mo ba kilala ang taong binabastos mo!?" galit na sabi ng ina at hinawakan siya ng mahigpit sa braso at kaagad din siyang binitawan.

"H-hindi ko siya kilala at wala akong interes na kilalanin siya."

"You!" akmang sasampalin siya ng ina nang pumagitna si Arnolfo.

"Priscilla! Don't you dare hurt my fiancée."

Fiancée!? What was he talking about!

"Ma! Anong ibig niyang sabihin!?"

"Well, nasabi na niya sayo and yes magpapakasal ka kay Arnolfo sa ayaw at sa gusto mo!" sabi ng ina na ikinalaki ng mga mata niya.

"You’re insane, ma!"

"Malaki ang utang ko kay Arnolfo. Total naman nakatapos ka na ng pag-aaral malaki din ang maitutulong niya satin sa negosyo. Aayaw ka pa ba sa isang milyonaryo na kagaya niya? Anak maging praktikal na tayo ngayon at—"

"Ayoko! Nakakadiri ka! Kayo!" sigaw niya at walang lingon-likod na mabilis siyang lumabas ng kanilang bahay.

Mapait na ngumiti si Haven habang muling nanariwa ang alaalang iyon nang nakaraan.

Dahil mabilis na nakagawa ng paraan ang kanyang ina kung paano nito mabayaran ang utang nito sa matanda ay dahil sa ibinenta siya nito kay Marco Madrigal!

Paano kung malaman nito na ikinasal na siya? Sa mas mayaman pang tao? Matutuwa marahil ito at baka magpakita ito kaagad.

Pero bakit wala pa ring lead kung nasaan ito? Bakit hindi pa rin ito nagpapakita? Hindi kaya nagtatago ito sa kilala nitong mayayaman? O baka naman nagtatago ito sa boyfriend nito?

Huli niyang nakita na may karelasyon ito ay may dalawang buwan na ang nakaraan.

Bilib na talaga siya sa kanyang ina. Dahil sa pagiging glamorosa nito kung kani-kaninong mayayamang negosyante ito lumalapit at maging siya ay nadadamay sa ginagawa nito.

Kung magkakaroon siya ng anak balang araw hinding hindi niya tatratuhin ng ganoon na hindi gaya ng pagtrato ng mama niya sa kanya na parang hindi siya tunay na anak.

Hahayaan niya ang mga ito na magdesisyon sa anumang gustong gawin ng mga ito. Gabay na lang ang maibibigay niya sa mga ito.

Dahil walang obligasyon ang mga anak sa kanilang mga magulang at lalong-lalo ng walang utang na dapat bayaran ang mga anak sa kanilang mga magulang.

At balang araw magkaka-anak din siya at obligado niyang buhayin ang mga ito at bigyan ng magandang buhay.

Pero ang kanyang mama wala itong pakialam sa kanya makuha lamang ang luho nito kahit sa pamamagitan niya.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now