CHAPTER 24: HOME ALONE

4.3K 78 111
                                    

It was cloudy, a little foggy and breezy. Haven gave a light hearted skip as she jumped out the bed and went to the bathroom to do her morning routine and after that she hurried to the kitchen to prepare breakfast.

Nang makarating siya sa kusina walang bakas na may gumamit niyon. Tinignan niya ang laman ng ref. Nakita niyang may nagyeyelong karne, ham, bacon at kung anu-ano pa.

Mukhang kalalagay lamang ang mga iyon kahapon. Nang matapos kasi ang kasal hindi na siya nag-abalang kumain pa ng pang gabi dahil busog pa siya.
Hindi niya alam kung kumain na din si Aries kahapon.

Bakit ba siya mag-aalala sa taong 'yon?

Wala na siyang pakialam kung kumain na ito o hindi pa!
Kaninang pagbaba niya ng hagdanan sumalubong sa kanya ang nakakabinging katahimikan.
Hindi niya maramdaman ang presensya Aries.

Where is he? Maaga ba itong umalis?

O baka naman hindi pa ito nakaka-uwi simula kagabi?

Pagkatapos ng argumento nila kagabi at nang magtungo na siya sa kwarto narinig niya ang ingay ng motorboat papalayo ng bahay.

Dali-dali siyang nagtungo sa balkonahe at tinignan iyon. And she was right Aries left her without telling he was leaving or where he was going to.

At hanggang sa mag-umaga na hindi pa rin ito nakabalik.
Dapat nga na matuwa siya dahil wala ito pero bakit nakaramdam siya ng kahungkagan?

Mamaya siguro babalik ito pero anong oras na wala pa ito.

Tinignan niya ang orasan sa dingding. Alas diyes na ng umaga pero wala pa ito.

Pagkatapos niyang magluto at kumain ng agahan nagtungo siya sa labas. Makulimlim sa labas at parang uulan pa yata. Mahamog din.

Sumalubong sa kanya ang pahapyaw na lamig ng hangin. Napayakap tuloy siya sa sarili.
Iba talaga ang klima sa Amerika kumpara sa klima sa Pilipinas. Kahit na ganitong makulimlim sa Pilipinas at umulan man mainit pa rin.

Para sa kanya mas maganda pa ring tumira sa Pilipinas. Mas lamang nga lang ang ekonomiya ng bansang America kumpara sa Pilipinas kaya marami ang nagnanais makapunta ng Amerika.

She pulled off her sandals, when she reached the dock. She walked down and sat on the edge, dancing her feet in the cold water.

The place was something scary and creepy. Bakit nga naman siya dadalhin ni Aries sa magandang lugar para sa honeymoon nila? Sinadya marahil nito na dalhin siya sa lugar na kung saan alam nitong hindi siya makakatakas. Iniisip parin siguro nito na tatakas siya.

Para sa kanya wala namang pangit na gawa ng langit sadyang mapanuri lang din ang kanyang mga mata na alam niyang hindi magandang lugar ang pinagdalhan sa kanya ni Aries.

Napatigil siya sa pagmuni-muni nang maramdaman ng kanyang ulo ang mahihinang pagpatak ng ulan. Umaambon! Hanggang sa lumakas na iyon.

Patakbo siyang pumasok muli sa loob ng bahay at umupo sa sala.
She felt bored. Ni wala man lang Tv sa loob ng bahay na pwede sana niyang paglibangan.
Hanggang sa sumapit ang tanghali, hapon at gabi wala pa rin si Aries!

She shook her head in frustration. Hindi ba nito maalala na may tao itong kinulong sa gitna ng lawa!?
Kahit mga alagang hayop may oras para tingnan sila at pakainin pero siya mukhang nakalimutan na yata siya ni Aries!

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now