CHAPTER 49: HEADED TO BLACK BEACH

2.7K 39 0
                                    

Reykjavik Iceland, Northern Europe

Nagising si Haven nang mag -alarm ang cellphone niya sa bedside table. It was 10 in the morning.

Kinuha niya iyon at pinatay. Parang kulang na kulang pa din ang tulog niya. Sinabihan kasi siya ni Aries na mag-alarm ng alas dyes.

The total flight duration from Philippines to Iceland is Thirteen hours. They used the private plane again.

They were at Reykjavik, where in one of the most beautiful places in Iceland. Gabi na kasi silang nakarating kahapon kung kaya't pagdating palang nila sa bahay o parang palasyo na yata sa sobrang laki ng bahay na tinutulayan nila ni Aries ay kaagad siyang natulog sa kwartong inilaan sa kanya.

Tinatamad pa siyang bumangon kung kaya't muli niyang ipinikit ang mga mata. Muli siyang nagtalukbong ng kumot dahil ramdam pa rin naman niya ang lamig.

"Woman, aren't you going to get up?"

Nagmulat kaagad siya ng mga mata nang marinig ang tinig na 'yon ni Aries! Nang tignan niya ito nakasandal ang katawan nito sa hamba ng pinto at nakahalukipkip ang dalawang braso nito.

Mukhang bihis na bihis na ito ng saktong kapal na coat at maong black na pants.

Nakakatula ang gwapong mukha nito. At ang mga biyas nito ay mahahaba!

Hindi na niya tatanungin ito kung paano itong nakapasok sa kwarto niya. Total sanay naman na itong pumapasok sa kwarto ng hindi ito kumakatok o nagpapaalam man lang.

"My time is precious don't waste every seconds of it. Hindi tayo nagpunta dito para matulog maghapon."

Ayan na naman siya napaka arogante talaga nito!

"S-sige maliligo na ako!" natataranta na sabi niya. Mabilis siyang bumangon at tinungo ang banyo.

Tinignan niya ang kanyang mukha sa salamin na baka may bakas ng kahapon siyang makita pero mabuti nalang talaga at wala!

Muling sumagi sa isip niya nang gabing magkatabi silang natulog ang buong akala niya mag-iiba na mag trato nito sa kanya pero kinaumagahan bago sila papuntang airport naging malamig ulit ang pakikitungo nito.

Minadali niya ang paliligo basta kasi si Aries ang nagmamadali talagang binibilisan niya.

Nang matapos siyang maligo at lumabas ng banyo wala na si Aries doon at napansin niya ang ilang shopping bag sa ibabaw ng kama.

Lumapit siya doon at tinignan ang loob niyon.

May kulay abuhin na coat na kagaya ng kulay ng coat ni Aries kanina.

Boots, black pants at underwear. Hindi na kasi siya hinayaan ni Aries na mag-ayos siya ng gamit kahapon para nga lang silang dumalaw sa bahay ng kapitbahay dahil wala silang dalang maleta ni Aries maliban lang sa shoulder bag na dala niya.

Nang lumabas na siya ng pintuan nakasalubong niya ang isang may edad na babae.

"Good morning po," she greeted.

"Good morning, breakfast is ready. The boss is waiting at the dining table." sabi nitong hindi ngumingiti.

"Thank you,"

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora