CHAPTER 17: THE PROPOSAL

4K 83 34
                                    

Naibuga ni Debbie ang inimunin nitong wine sa sinabing iyon ni Haven.

"You're, gross!" nandidiring sabi ni Eloise na lumayo ng konti.

"Seryoso ka!? Knowing that jerk, walang pinapalampas na babae 'yan! He is impatient. Halimaw pa sa kama 'yan!" hindi makapaniwala na sabi ni Debbie.

Naasiwa siya sa sinabi ni Debbie. Siguro dahil wala pa talaga siyang karanasan.

She looked straight to Debbie. Sana mapaniwala niya ito at hindi na magtanong dahil hindi na niya kaya ang mga kasinungalingan lumalabas sa kanyang bibig. And knowing that Debbie and Aries had an intimate relationship before.

"He respect me," maikling tugon niya.

"Alam mo Debbie, sumuko ka na huwag ka ng maghabol sa pinsan ko! Alam mo ang tunay na laban ay 'yong marunong tanggapin ang pagkatalo 'dun pa lang masasabi mong panalo ka na. So you better get lost girl and let them happy." muling salungat ni Eloise.

Huminga ng malalim si Debbie. "I know hindi naman ako naghahabol sa gagong 'yon! Pero pag malaman ko na pumatol na naman 'yon ng iba ako na ang puputol sa kaligayahan niya!" galit na galit na sabi ni Debbie.

Eloise burst out laughing. Maging siya ay napatawa nalang sa sinabing iyon ni Debbie.

The place was filled with laughter and giggles.

"Girls, groufie naman tayo ipopost ko lang sa socmed!" sabi ni Karina. Nagkumpulan na silang apat sabay ngiti.

Click!

"I think girls are having an awesome time! " nawala ang ngiti niya nang magsalita si Gelo kasama nito si Bruce pero wala sina Aries, Paul at Louie.

Nasaan sila?

Mula pa kaninang hapon hindi na nila nakita ang mga ito. Maging si Aries wala din maghapon.

Inilubog niya ang sarili sa tubig dahil nahihiya siyang makita ng mga ito ang katawan niya.

"So anong pake niyo? Magsaya din kayo!" masungit na sabi ni Karina kay Gelo.

"Wooh! I'm just being friendly here," sabi ni Gelo.

"Tara Gelo, magpalit muna tayo ng damit." yaya ni Bruce at iniwan sila.

"Seriously? Nandito na naman ang mayabang na Gelo na 'yan?" naiinis na sabi ni Karina.

Tumawa si Debbie sa sinabi nito. "Ano ka ba huwag ka na ngang mag-inarte diyan boring kaya kung walang boys."

"Whatever!" Karina said and rolled her eyes. Siguro matagal nading magkakilala sina Karina at Gelo.

"Excuse me. I need to take that call malamang si Daniel baby ko 'yan!" natatawa na sabi ni Eloise nang tumunog ang cellphone nito at mabilis na umahon sa pool.

Siya naman ay nagpaalam kina Karina at Debbie na maglulunoy lang siya at ikutin ang buong kabahayan.

Habang papalayo siya sa mga ito palalim din ng palalim ang tubig na sa tingin niya hanggang lagpas ulo na niya.

Napapaligiran kasi ng tubig ang bahay kumbaga nasa gitna ito ng pool at pwedeng gawing race sa swimming 'yon nga lang ikutin mo lang ang buong bahay. Total naman naging paborito niyang hobby ang paglangoy.

Sumisid siya sa ilalim at tinuloy ang paglangoy. She was one of the bests sa school nila when it comes to swimming palagi siyang nangunguna noon.

Napasinghap siya nang may humugot sa kanyang bewang mula sa kanyang likuran kasunod niyon hinila siya palapit dito!

Nagulat siya na si Aries iyon! Kahit dim light lang ang ilaw at nasa ilalim sila ng tubig hindi siya maaaring magkamali na si Aries nga ang kaharap!

He looks forward to her with anticipation. Shock was written on her face.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now