CHAPTER 45: THE SPINSTER's LEGACY

2.6K 41 0
                                    

Sigurado ka ba na anak mo talaga siya? Pero paano mo siya mahahanap!? I think nagtatago siya sa ibang pangalan." tanong ni Priscilla sa lalaking kaharap habang may hawak na kopita ng alak.

Napangisi ang kaharap habang nagsasalin ng inumin nito.

"Sigurado ako na siya ang anak ko na matagal na naming hinahanap. Kailangang imbestigahan ko muna kung sino ang mga taong kumupkop sa kanya."

"Dalian mo sawang-sawa na akong magtago."

"Be patient, Priscilla."

"Paano kung malaman ng asawa mo na tinatago mo ako dito." galit na sabi niya.

"Parang hindi ka naman nasanay sa sitwasyon mo noon." pang-iinsulto ng kaharap.

Alam na alam talaga nito ang pagkatao niya.

Napabuga ng hangin si Priscilla.
"What about your son? Paano kung malaman niya?"

Ibinaba nito ang hawak na wine glass at tinitigan siya. Matikas na lalaki pa rin ito kahit may ilang gitla na ito sa noo.

Masasabi niya noong kabataan nito ay magandang lalaki nga ito.

"Hindi nito malalaman dahil hindi nito pinapakialaman ang mga desisyon ko and besides I'm still his father."

Hindi siya umimik at nakatitig lang ang mga mata niya sa wine glass na para bang nandoon ang solusyon sa lahat ng gusto niyang mangyari.

Napakadami na niyang kasalanan.

Paano niya iyon malilinis?

At nabalitaan niyang ikinasal ang anak niya sa ibang lalaki.

Ang buong akala niya kay Marco Madrigal ito bumagsak!

Ang taong kaharap niya anak daw nito si Marco! At ang nakagigimbal na nalaman niya ay asawa ngayon ng anak niya ang isang anak pa nito.

Coincidence ba ang lahat ng nangyayari ngayon sa kanyang anak? Dapat ba siyang magbunyi dahil mas mayaman pa ang pinakasalan ng anak niya?

Muli siyang huminga ng malalim at tumanaw sa karagatan. Nasa isang private beach siya na pagmamay-ari ng kanyang kaharap. Talagang wala siyang kawala dahil hindi siya makaalis ng basta-basta sa isla. Bukod pa sa madami ang bantay sa labas.
May nakapagturo dito kung saan siya nagtatago.

Nung una pinapahanap lang siya nito pero 'nung usisain siya nito at inamin niya dito ang nagawa niya ang buong akala niya isu-surender na siya nito sa anak niya pero nagkamali siya.

Sinabi nitong nanganganib daw ang buhay niya. Nang ipakita niya kasi ang mukha ni Marco sa lalaking kaharap niya ngayon sa kanyang cellphone na kinuhanan niya noong namimili ng Antique Collection niya ang binata na lingid sa kaalaman ni Marco.

Nagulat ang kaharap niya sa larawang ipinakita niya.

Tinanong pa nito kung totoong si Marco ba iyon.

"Mag-stay ka muna dito hangga't maaari." sabi nito.

"Bakit?"

"Delikado pa rin ang buhay mo," kapagkuwan sabi nito.

"Para kanino ba dapat akong matakot? All I know is that I just left my daughter."

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now