CHAPTER 18: SAN FRANCISCO, CALIFORNIA

4.2K 94 44
                                    

Mabilis na lumipas ang apat na araw at tuluyan na ngang nagtungo sina Aries, Haven at ang pamilya Spinster sa America. At dalawang araw na lang ang pinakahihintay bago ang kasal.

"Hello! Narinig mo na ba ako?" sigaw na tanong ni Haven habang kausap sa kanyang cellphone ang kaibigan niyang si Lexi. Sinabi niya dito na nasa California na siya.

"Yes, bes! Nasa party ka ba? How come you're in a party?" tanong nito sa kabilang linya.

Napakagat siya ng labi. Alam nito na hindi siya mahilig sa mga party. "Listen to me, please pick me up here in San Francisco. Explain ko nalang sayo later."

"Are you in trouble? I will call 911!"

"Don't, I'm not in trouble! Please pumunta ka na lang dito, gusto kasi kitang makita nami-miss lang kita. Please hurry-up!"

"Okay sabihin mo sa akin kung nasaan ka." sabi nito sinabi niya ang exact location niya.

Nasa malapit lang daw pala ito maghintay lang daw siya ng ilang minuto.

Lumabas siya ng club dahil maingay sa loob. Naki-connect na lang siya ng wifi para ma- contact si Lexi.

Nagpa-alam lang siya saglit na lalabas ng club kina Eloise at ang dalawang pinsang babae ni Aries na sina Tasha at Chloe at mga girlfriends ng kapatid na lalaki ng dalawa kaya anim silang nasa loob ng club bilang farewell party na din daw niya bago siya ikasal dahil hindi na daw siya single.

At ang mga lalaki naman may kanya kanya ding lakad kasama na si Aries.

Kahapon lang narating nila ang California gamit ang private plane ng mga Spinster. Mabilis na na-proseso ang passport niya ng walang kahirap-hirap.

"Haven, the next dance is going to be amazing. Come inside." yaya sa kanya ni Chloe ang isa sa pinsan ni Aries at may lahi din ito pero tan ang kulay ng balat. Maganda ito at balingkinitan ang katawan.

Nilingon niya ito. "Later, I just need some more air to breath," nakangiting sabi niya. Tulad niya magaling din itong magtagalog 'yon nga may pagka slight slang.

"It's the first time that we went out together. Please, don't kill this night without having fun and I really like you that much!" sabi nito at inakbayan pa siya.

Nalaman niya kay Eloise na ang dalawang magkapatid na sina Chloe at Tasha ay mag-partner sa negosyo. They are the best known for being the founder and owner of C&T, the fashion/retail tycoon as one of the world's most reclusive billionaires.

Kumikita ang mga iyon ng limpak-limpak na dolyar! At isa din pala si Eloise ang nag-invests sa negosyo ng mga ito sa Pilipinas.

Ang magkapatid din pala ang gumawa sa mga ibang kasuotan nila sa kasal nila ni Aries.

"Let's get inside! I know mag-eenjoy ka." yakag nito at tuluyan na siyang ipinasok muli sa club. Maingay, magulo, at mausok iyon ang una niyang napansin kanina sa loob ng club. Hindi niya talaga kaya ang ganoong sitwasyon kung bakit gustong-gusto nila ang ganun.

Hintayin na lang niyang mag reply si Lexi.

"Wooh!"

"Yeah!"

"Lemme' do this dance for you motherf*ckerr!!"

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now