CHAPTER 51: THE TWINS AL AND AJ

2.6K 32 0
                                    

"Get your dirty hands off me!" sigaw ng batang si AJ sa lalaking kumidnap sa kanila at dinala sila sa isang yate habang pilit tinatanggal ang nakataling mga kamay sa likuran niya.

Kagigising lang niya mula sa pagkakaturok nila ng pampatulog kung kaya't nawalan siya ng malay.

Habang sina AL at ang batang babaeng iyakin na kasama nila ay pawang mga tulog.

Tumawa ang tatlong kalalakihang may nakakatakot ang hitsura.

Nagningkit ang mga mata niya!
"Aba! Matindi 'tong batang 'to ah, mukhang mayaman!" sabi ng isang matabang lalaki na butete na yata sa laki ng tiyan!

"Bantayan niyo ang mga 'yan malilintikan tayo kay boss." sabi ng isang kidnaper na may mahaba ang buhok.

"Pero hindi ba't isa lang ang huhulihin natin?" sabi ng mukhang bata sa kanila na maitim.

Sino ba ang dapat hulihin?

"Ano ba kayo sayang din itong dalawa!" sigaw ulit ni butete.

"You are going to pay for this once I'm freed!" sigaw niya sa mga ito.

Tumawa ang mga ito sa sinabi niya. "Ano ang kalaban-laban ng isang batang kagaya mo!" sabi ni butete.

"Get off me, you stink!" galit na sigaw niya ulit dito na ikinasalubong ng dalawang kilay nito at muling nagtawanan ang mga kasama nito.

"Pag ako napuno sayo masasaktan kana sakin!" sigaw nito at padabog siyang binitawan.

How dare that asshole!

Maya't-maya nagising si AL at inilinga nito ang paligid at nang mawari nito na nasa panganib sila kagyat na nakita niya ang takot sa mga mata nito.

"B-bro, where are we?" takot ang mga matang tanong nito.

"I don't know," maikling tugon niya.

"Uy, mukhang gising na ang isang kambal." sabi ng mas bata sa tatlo.

"Stupid." he said in lower voice.

"AJ, don't tell me we're in danger?" tanong ni AL.

“Sort of."

"Darn." sagot naman nito.

"Hoy, ano ang binulong-bulong ninyo diyan!"

"Hoy ka din wala kang pakialam!" salubong ang kilay na bulyaw niya."

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now