CHAPTER 61: SNEAK IN

2.3K 35 0
                                    

"Hi! Good evening!" nakangiting bungad sa kanya ni Daniel. Gaya niya nakabihis na din ito ng ibang damit.

"Good evening too." she said and smiled back.

"How's your sleep?"

"Ayon sobrang na-recharged ako hindi ko namalayan na gabi na. Napasarap tuloy ang tulog ko."

"That's good at least mas makakabuti 'yan sa baby." sabi nito.

Ayon na nga ang hindi maganda ay ang mapupuna at mapupuna talaga nila ang kunwaring pagbubuntis niya.

"Ah...oo nga eh, sige tutulungan ko muna si Eloise sa kusina." sabi niya at iniba ang usapan.

"No need, Haven!" singit na sagot ni Eloise na nakalapit na din pala ito.

Nakasuot ito ng apron at may hawak na sandok.

"I promise to Aries to take care of you. Mabuti pa babe sa balkonahe muna kayo samahan mo na lang muna siya para makalanghap siya ng sariwang hangin."

"Are you sure babe? You don't need any help?"

Umiling-iling si Eloise. "Yup! Please samahan mo muna siya. Malapit na din naman maluto 'yon."

"Okay, babe!"

Parang gusto na niyang maiyak at mag-confess na lang sa harapan ng dalawa at sabihin sa mga ito ang binabalak ni Aries. Pero iniisip din niya ang asawa niya. In the first place palang si Eloise na talaga ang gusto nito.

"Tara sa labas," yaya sa kanya ni Daniel at hindi niya namalayang wala na pala sa harapan nila si Eloise dahil sa lalim ng iniisip niya.

Naglakad na sila palabas.

"You want me to tour you nearby the ocean?" tanong nito sa kanya.

"H-hindi ba delikado sakin sa gabi na lumabas?"

"Of course not and besides may mga ilaw naman sa pathway papuntang dagat. I think the view at night is beautiful."

"Sabi kasi nila na masama sa buntis kung lumabas sila ng gabi." sabi niya.

Inaaply lang naman niya ang kaalaman niya sa mga napapanood niya noon na horror movies.

Nangunot noo ito. "You mean, aswang?"

"Ganun na nga," sabi niya.


Napakagat siya ng mga labi sa sinabi.

"That was just an urban legend."

"Daniel paano kung totoo?" tanong niya. Takot din naman talaga siya sa mga monster.

"Trust me, hindi 'yan totoo."

"Sige. Ikaw ang bahala." sang-ayon na lang niya.

Nagsimula na silang maglakad maraming mga puno ang nadaanan nila.

May mga ilaw nga sa bawat puno ng niyog na nadadaanan nila pero pakiramdam niya nanginginig siya sa takot.

"Sa tingin mo magiging masaya ka ba kung mag-isa mo lang sa isla?" kapagkuwan tanong ni Daniel.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now