CHAPTER 13: THE CHEERFUL AND BUBBLY ELOISE

4.2K 72 21
                                    

Pagkatapos pakiusapan ni Haven si Lola Feliza na bigyan muna siya ng ibang silid ay kaagad siyang bumaba sa sala dahil naghihintay daw si Eloise sa kanya.

"Hi, you must be Haven?" nakangiting  bungad sa kanya ng isang babaeng maamo ang mukha at kulay blonde ang buhok. 

She looks so pretty with her off shoulder dress. Bagay na bagay din ang kulay ng balat nito slightly tan na mamula-mula. Hindi kaya si Eloise ang babaeng ito?

"Yes I'm Haven, ikaw marahil si Eloise?" balik ngiting tanong niya.

"You are so beautifu! And yes the beautiful daughter of mommy Beatrice!" masayang sabi nito at itinuro nito ang ginang na kakapasok lang sa sala.

She was shocked because the woman whom she'd introduce is looked exactly like Aries mom! Ang akala niya mommy ni Aries ito. Are they twins? Malamang kamukhang-kamukha nito ang mommy ni Aries.

"Ikinagagalak ko po kayong makilala tita Beatrice," she bent down to make a beso- beso with her.

"Napakaganda naman ng daughter-in-law ng kapatid ko at magalang pa." nakangiting wika ni tita Beatrice. Mukhang napakabuti nitong tao.

"Naku, kayo din tita Beatrice napakaganda niyo po para ngang wala pa sa hitsura niyo ang edad niyo." natawa ang ginang sa sinabi niya.

"Same with you Eloise, napaganda mo din akala ko nakakita ako ng anghel. Napakaamo ng mukha mo"."ngumiti ng malapad si Eloise sa sinabi niya at nakipagbesuhan din ito sa kanya.

Hindi nalalayo ang tangkad ni Eloise sa kanya. 

She could be a model too. She has a slim figure. Hindi kagaya niya na malaki ang hinaharap. Siguro papasa pa siyang sexy star! Never in her wildest dream na papasok siya sa ganyang industriya.

Maybe God gives her a perfect figure not because to impress others. Ang kailangan niya is respeto. 

She learned that every imperfection should embrace and value it. Kahit gaano pa ka perpekto ang tingin sa sarili meron at meron pa ring taong huhusga. Isa na doon si Aries. Pangit ang tingin nito sa kanya.

Eloise was about to say something nang mula sa kanyang likuran ay may nagsalita. 

"Of course, my cousin Eloise, is such an angel. Hindi gaya ng iba nag nagpapakahirap maging mabuti para mag mukhang kaaya-aya sa harap ng iba." Aries said sarcastically. 

Katatapos lang nitong magshower.

Siya ba ang pinapatamaan nito? Hindi man lang nito magawang mag-sorry pagkatapos ng ginawa nito sa kanya kanina?

Ayaw na muna niyang tignan ito. Nahihiya siya sa nangyaring halikan nila. Tuwing naaalala niya iyon nag-iinit ang kanyang mga pisngi.

"Bro! You are so lucky with her! She is so down to earth. Unlike 'yong mga nakilala kong ex girlfriend mo they are all so freak! Ops, sorry Haven I didn't mean to say those—"

"It's okay Eloise, you don't have to apologize." salungat kaagad niya at nginitian ito.

Tumawa si Eloise na parang may kung anong naalala ito. "Sorry nga pala naka-istorbo ako sa inyo kanina!" sabi nito at muling humagikhik na para bang kilig na kilig ito sa kanila. 

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon