CHAPTER 90: HAVEN IS PREGNANT

2.5K 34 0
                                    

The next day, Eloise's driver picked her up at the mansion at exactly ten in the morning Hindi na siya nakapag-paalam pa lay lola Feliza at ang mama ni Aries dahil wala ang mga ito paggising niya.

Haven didn't mention to Aries last night that she was seeing Eloise when she had had video call with him last night.

"Glad you came," sabi ni Eloise nang marating niya ang meeting place nila. Isa iyong resort sa Tagaytay din.

Pinasadahan niya ito ng tingin.

Parang nangangayat ito. Nanlalalim din ang mga mata nito.

"Eloise, kamusta ka? Sigurado ka bang okay ka lang?" tanong niya.

"Have a seat first," sabi nito at tumalima naman siya.
Napahugot ito ng malalim na hininga.

"You notice it too that I am not okay. Hindi gaya mo, you are still beautiful as before. And I've heard that Aries will marry you for the second time. That's nice."

Pakiwari ni Haven may kakaiba ngayon kay Eloise. Hindi dahil sa pisikal na anyo nito. She never saw again the cheerful and bubbly Eloise.

"Kailan ka pa dumating ng Pilipinas?"

"The day after the mansion's party." walang kabuhay-buhay na wika nito.

Hindi niya alam pero nakakaramdam siya ng pagkailang dito.

"Eloise, galit ka pa rin ba sakin?" prangkang tanong niya.

Umiling-iling ito. "Listen to me Haven...it is not about Daniel why I wanted to meet you and I know this will upsets you."
Kinakabahan siya sa sasabihin nito.

Umiwas ito ng tingin sa kanya.
"I'm pregnant…with Aries child," napatitig siya dito dahil sa pagkagulat.

"A-ano ang sinabi mo?" gustong ulitin ni Haven ang sinabi ni Eloise na baka nagkamali lang siya ng dinig.

Ikwenento nito ang totoong nangyari simula noong engagement party nila Daniel at Eloise at ang nangyari sa pagitan nila ni Aries.

Wala sa sariling tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi.

How could that be!? Nung mga oras na iyon kasama niya si Aries sa condo nito at doon nga nangyari ang hindi dapat sa kanya ay ang pwersahan siyang inangkin noon ni Aries.

"E-Eloise, alam kong galit ka pa sakin dahil kay Daniel pero huwag ka naman sanang magbiro ng ganyan—"

"I'm telling the truth...Why would I make such a scandal for myself? And wala na akong pakialam kay Daniel simula nung engagement namin party namin."

Tama naman ito bakit nito ipapahiya ang sarili nito.

May kinuha ito sa kanyang cellphone at ipinakita nito iyon sa kanya.

"I think you should watch this proof," sabi nito at ipinakuta sa kanya ang isang video ng surveillance na kuha nga ni Aries na pumasok ito sa loob ng bahay ni Eloise.

Hindi na niya tinapos panoorin iyon dahil durog na durog na ang puso niya.

Nanginginig ang buong kalamnan niya sa galit. Ang buong akala niya magiging masaya na siya sa piling ni Aries at wala ng aberya!

"A-ano ang plano mo ngayon? Did Aries knew about that?" she asked.

Umiling ito. "Hindi ko pa nasasabi sa kanya kaya ikaw na muna ang pinagsabihan ko. At kahit sina mommy Helen wala silang alam. Hindi ko rin alam kung ano ang mangyayari sakin at sa pamilyang kinalakihan ko kapag nalaman nila ang tungkol dito.

Maiiskandalo sila pag nalaman nila ito." this time tuluyan ng napahagulhol si Eloise.

Kung mayroon man ang mas nakakaawa sa kanila ni Eloise ay walang iba kung hindi ito. She realize that Eloise has been suffering a total abandonment.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora