CHAPTER 6: LEAVING THE MANSION

4.9K 90 8
                                    

Pagbaba ni Haven sa taxi sa tapat ng kanilang bahay ay kaagad niyang napansin ang isang guard sa may shed. Paanong nagkaroon ng guard sa labas ng gate ng bahay nila? Her mom never allowed to hire nannies or even guard. Sa kuripot na 'yon ng kanyang ina talagang napaka-imposible!

She was the one who did all the household chores. Siya na talaga laba, taga hugas, taga luto basta lahat ng gawaing bahay siya ang gumagawa tuwing wala siyang pasok sa school. Habang ang kanyang ina naman lagi itong nasa shop.

Hindi kaya ginamit nito ang perang nakuha niya kay Marco?

Nilapitan niya ang gate at akmang bubuksan ito nang magsalita ang guard na marahil nasa edad trenta ito.

"Teka lang miss, bawal kang pumasok diyan."

"Po? Papaanong bawal ei bahay namin 'yan. Teka lang po nasa loob po ba si mama? I need to talk to her."

"Alam ko na ang galawang 'yan miss, wala ng nakatira diyan and that is banks property already, kala mo a hindi ako marunong mag english!" sabi nito na tumawa pa ng malakas.

Nagdikit ang kilay niya sa sinabi nito.
"Ano po ang sinabi niyo?" maaaring nagkamali lang siya ng narinig.

"Maganda ka nga bingi ka naman. Ang sabi ko for banks property na 'yan. Kumbaga sinangla ng may-ari yan o ano gets mo na?" sabi nito na pinasadahan pa siya nito mula ulo hanggang paa.

Naaasiwa at nandidiri siya sa mga tingin nito.

"N-no! Hindi 'yan totoo! Hindi magagawa ng mama ko 'yan!" hindi siya makapaniwala sa nalaman. Sana nga hindi totoo ang sinabi ng guard.

"Napaka-imposible naman miss na hindi mo alam 'yan? Mama mo nagsangla tapos hindi mo alam? Saan-saan ka ba nagpupunta? Tsk. Irrisponsableng anak."

Nainis siya sa sinabi nito ganun pa man she keep herself calm. Hindi makakabuti kung makipag-argument siya dito.

Ano pa nga ba ang magagawa niya ? Mukha naman itong nagsasabi ng totoo.

Walang salitang nilisan niya ang bahay nila at nagsimulang maglakad papalayo.

Papaano na siya? Ni wala siyang mga gamit at sapat na pera para mangupahan. Kahit sana 'yong mga importanteng bagay sa bahay nila sana naman kinuha ng mama niya.

Hindi kaya matagal ng plano ng kanyang ina ang lahat? Ang pagkaka-benta sa kanya kay Marco at ngayon ang pagsangla ng bahay nila o mas tamang sabihin na baka wala ng balak pang tubusin iyon ng kanyang ina?

May isa pa siyang naalala 'yong shop nila. Impossible pati iyon binenta na ng kanyang ina?

Pinara kaagad niya ang taxing napadaan at naghatid sa shop nila ten minutes' drive lang naman iyon doon.

Hindi pa man siya nakakababa nakita na niya kaagad ang shop nila na sarado at wala na din ang karatolang Prado Japan Surplus!

Ma? Bakit!?

Wala na siyang nagawa kung hindi ang bumaba ng sasakyan at magbayad sa taxi driver.

Saan ako pupulutin ngayon?

Nahihiya naman siyang pumirmi sa bahay ng mga kakilala niya. Wala din ang kanyang cellphone!

She was just a fresh graduate! She was unemployed! Kahit sana 'yong mga document niya makuha niya sa bahay nila? But who knows? Baka nakuha na ng mama niya. But she needed to check it out! But how could she enter their house?

Nakasangla pa lang naman 'yong bahay nila wala pang isang buwan. Baka marahil madami pa silang gamit sa loob.

She took a deep breath so she could hold the tears in her eyes. Her body was shaking that she would collapse!

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now