CHAPTER 46: ARIES' DOPPLEGANGER

2.5K 36 0
                                    

"H-hindi may kasama ako pero pabalik na ako,"

"Baka gusto mong ihatid na kita," suhestiyon nito.

"H-hindi na salamat na lang!" akmang aalis na siya nang humarang ito sa harapan niya.

Nakaramdam na siya ng takot! His voice something familiar to her!

"Tignan mo nga naman kapag palay na ang lumalapit sa manok." sabay tumawa nang mahina.

Parang kilala niya ang taong kaharap niya.

"Marco!" hiyaw niya at lalo siyang napaatras.

No! It coudn’t be!

"Hmn, mabuti naman at naalala mo pa ako..." sarkastikong sabi nito at tinanggal ang suot nitong tumatabing sa ulo nito.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ito.

Mukha ni Aries din ang mukha nito.

Bakit? Paanong?

"Sino ka bang talaga! A-Ano ang binabalak mo? Alam mong wala akong atraso sayo!"

"I’ll get what is suppose to be mine!" sabi nito.

Ang daming katanungan sa kanyang isip pero hindi kayang sagutin iyon ng kanyang utak!

Nakita niya ang gwardya na papalapit sa parking lot at may dalang flashlight akmang sisigaw siya nang takpan nito ang bunganga niya at yakapin siya nito sa likod na naiipit ang dalawa niyang braso sa higpit ng yakap nito!

Kung kaya't wala siyang kawala! Humihiyaw siya pero mahigpit nitong hawak ang bunganga niya!

She was crying out loud!

Para bang nawawalan na siya ng pag-asa nang unti-unting lumalayo ang gwardya sa paningin niya.

"Tulong!" sigaw niya kaagad pero alam niyang malabo na siyang maririnig ng mga tao sa loob ng hotel.

"Even if you scream there's no one will hear you!  You bitch!  I've been spying on you for a long time, it's really good that you came to me. Your mother will pay for hiding me. Malalaman ko din kung saan siya nagtatago!" bulyaw nito sa kanya at isinandal siya nito nang malakas sa katawan ng kotse at napahiyaw siya sa sakit!

Hinawakan nito ang buhok niya nang mahigpit.

May kinalaman ba ito sa papasok nito sa bahay niya sa Laguna?

"Marco, huwag mo ng idamay ang mama ko dito! Ano ang kinalaman mo sa pamilya Spinster!? Bakit kamukhang-kamukha mo si Aries?"

Nakita niya ang pagngisi nito. Pati hairstyle ng buhok nito gayang-gaya nito ang kay Aries.

"Tsk, wala akong pakialam sa pamilyang 'yan ikaw ang sadya ko kaya sasama ka sa akin!"sabi nito at hila-hila siya palabas sa hindi na sakop ng hotel.

No hindi siya makakapayag na tangayin siya nito.

"Marco, oo sige sasama na ako sayo pero sana mahanap mo din ang mama ko." umiiyak na sabi niya.

"Huwag kang mag-alala pinapahanap ko na sa tauhan ko ang mama mo kaya kung ako sayo sumakay ka na sa kotse!" madiing sabi nito habang kinaladkad siya nito palapit sa kotseng nakaparada sa gilid.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant