CHAPTER 30: HER PUNISHMENT

4.2K 74 70
                                    

"Guys sorry we're late!" sabi ni Tasha nang makarating sila sa loob ng Cabin ng hapong iyon.
   

Nakita niya sina Horrace, Phil, Vandrix, Eloise, Daniel, Clint, at si Aries na nakasalubong na naman ang mga kilay nito.
   

Nakaupo ang mga ito sa couch at abalang nanunuod ang iba saflat screen TV!
   

"OMG, Clint babe! You're finally here!" sigaw ni Tasha at nagtatatakbong pinuntahan nito si Clint! At pinugpok ng halik sa mga labi ang nobyo!
   

Si Chloe naman lumapit din ito kay Phil at hinalikan nito sa mga labi ang nobyo.
   

Ang kanyang mga nasaksihan ay ang mga magkakasintahan na nagmamahalan!
   

And next? What about her!? She was standing there and frozen.
   

Nanginginig ang kalamnan na unti-unti siyang lumapit kay Aries na ang mga mata na nito'y nakatuon sa kanya at seryosong nakatitig ang gwapong mukha nito habang ang mga babaeng pinsan nito ay masayang nakikipagharutan sa mga nobyo ng mga ito.
   

Alam niyang mapapahiya si Aries kung wala siyang gagawin.
   

Dumukwang siya at mabilis na hinalikan ito sa mga labi! Nag-init ang mga pisngi niya sa ginawa niya.
   

Nakita niya ang pagkagulat sa mga mata ng asawa pero saglit lang bagamat hindi parin kumukurap ang mga mata nito pero mariin siyang tinitigan nito.
   

"E-excuse me I just go to the kitchen." paalam niya atsaka umalis at mabilis tinungo ang kusina.
   

Her heart began to palpitate when she leave the living room.
   

She needs water. Tinungo niya ang dispenser at pinuno ng tubig ang basong hawak niya.
   

At marahang uminom. Medyo kumalma ng kaunti ang ang katawan niya.
   

What's wrong with me?
   

Muntik na siyang mapasigaw nang maramdaman ang mga kamay na 'yon ni Aries sa kanyang baywang at marahang ipinulupot nito ang mga iyon.
   

Niyakap siya nito patalikod! Hindi siya agad nakakilos sa ginawa nito.
   

Bakit ba ang hilig nitong gawin iyon sa kanya!?
   

"How's your day, sweetheart? We don't talk about lately? Isn't it a nice day?" bulong nito sa likod ng kanyang tenga.

Naramdaman niya ang init ng hininga nito sa pisngi niya. Pumapaso.
   

"I- I think it's a little warmer than yesterday." she said casually bagamat kinakabahan siya sa kinikilos nito.

Alam niyang may kasamang insulto na naman ang pag-uusap nila hindi mawawala iyon.
   

"Yes, I like warm weather."muling bulong nito sa kanya parang may malisya ang pagkakasabi nitong iyon kung kaya't nagsitayuhan lahat ng balahibo niya!
   

Huminga siya ng malalim trying to calm herself because he was teasing her again and again!
   

"Let go of me, Aries." sabi niya at hinawakan niya ang mga kamay nitong nakapulupot sa kanyang bewang at inilayo niya ang mga 'yon.

Nakahinga siya nan maluwag dahil nakalayo din siya dito.
   

Pero nakakailang hakbang palang siya nang muling hawakan nito ang kanyang bewang at walang kahirap-hirap siya nitong binuhat at pina-upo sa kitchen table!
   

"A-Aries what are you doing!" madiin na wika niya.
   

Inilapit pa nito ng husto ang katawan nito while her legs slightly parted ways dahilan para makapasok ng tuluyan ang katawan nito! Their positions were unusual.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now