CHAPTER 70: THE DAY HOW THEY WERE ABDUCTED

2.4K 29 0
                                    

Sabik na sabik ang batang si Emi na makitang muli ang kaibigan nitong si AL. Pagkarating na pagkarating pa lang kasi ng mga magulang nito sa condo na kinaroroonan nila sa cebu, bitbit ang pusa nito na patakbong tumungo sa yateng kinaroroonan ni AL.

She never included AJ, as one her friends because he often bullies her.

Nang marating nito ang yate nakita agad niya ang kaibigang si AL! Madali lang nitong matukoy kung sino sina AL at AJ kahit pa na magkamukhang-magkamukha ang dalawa. Dahil nginingitian agad nito si Emi kapag nakita agad siya nito.

At hindi nga siya nagkamali AL smiled on her when she finally approached him.

"AL! I'm finally back!" masiglang wika ni Emi at ibinaba ang dalang pusa.

"Bakit hapon ka nang makarating dito? Kaninang umaga pa kita hinihintay." may pagtatampong sabi nito.

"E, kasi hapon na din kaming nakabalik nina mama at papa," nakalabing sabi ni Emi.

"

Ganun ba, mabuti na lang naabutan mo pa kami,"

"Kasama mo si AJ sungit?"
Natawa si AL sa sinabi ni Emi.

"You're so funny when you say that, don't worry he didn't bite."

"Ayoko sa kanya ang sungit-sungit niya," muli itong natawa sa sinabi ni Emi.

Hinawakan nito ang ulo niya at ginulo ang buhok niya, "Come here may ibibigay ako sayo," sabi ni AL at iginaya siya papasok sa loob ng yate.

Pumasok si Emi sa loob at nagtataka kung bakit wala si AJ sa loob itatanong pa sana niya iyon kay AL pero huwag na lang! Mas natutuwa pa siya kung wala si AJ.

"Actually, last week ko pa sanang ibigay ito sayo." nahihiyang sabi nito habang iniabot nito ang maliit na kahon sa kanya.

"A gift?" manghang sabi ni Emi.
Nahihiyang tumango si AL at napakamot ng ulo.

"Open it, I hope magustuhan mo." nakangiting tugon nito.
Binuksan ni Emi ang maliit na box at tumambad sa kanya ang isang kwintas!

"A pendant of friendship, I guess." napapakamot ng ulo ulit na tugon ni AL.

Isa iyong maliit na bituin na may kulay ginto.

"Wow! Ang ganda naman nito! Yehey! May regalo ako, binigay ni AL!" tuwang-tuwa na sabi pa ni Emi, "Arigato gozaimasu!" masayang pasasalamat ni Emi at saglit na niyakap nito si AL.

"You are most welcome," nakangiting tugon nito, "Actually, I have mine too," sabi ni AL at ipinakita nito ang suot na kwintas nito na kulay asul naman ang sa kanya.

Kinuha ni AL ang kwintas at isinuot iyon kay Emi.

"Pinagawa ko pa 'kay dad 'yan and he is very eager to see you, dahil kinukwento kita sa kanya."

"Talaga!? Bakit hindi siya pumunta dito?" inosenteng tanong ni Emi.

"Actually, he had been very busy, si lolo lang nakakasama namin dito at 'yon nga nandun na siya sa casino." AL explained.

Parehong nagka-casino ang mga magulang ni Emi at malamang nga naroon din ang lolo ni AL.
"Si AJ, nasaan?"

"I think somewhere on the ocean," nakangiting sabi ni AL.

"Huh? Did he go sailing again?"

"Uh, definitely,"

"I hope I can get there too," nakalabing wika ulit niya.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora