CHAPTER 72: THE ENGAGEMENT PARTY

2.4K 62 3
                                    

"You are so beautiful and sexy!" bulalas ni Eloise pagkatapos siya nitong maayusan.

She was wearing a black Backless Halter neck sequins dress! Halos lantad ang likuran niya at dalawang pulgada lang ang haba niyon bago maabot ang tuhod niya. Nakapusod din ang mahaba niyang buhok at naglagay siya ng light make up.

"Thanks, ikaw din napakaganda mo ngayong gabi at matutuwa si Daniel niyan sayo." nakangiting tugon niya.

Nakasuot si Eloise ng sleeveless na kulay kremang satin dress na pinalamuti ng maliliit na perlas at beads na hanggang baba ng tuhod nito iyon.

"I'm sure, Aries will also happy to see you, tiyak luluwa ang mga mata 'nun sa kasexy'han m—" bigla itong natigil sa sinabi nito, "ops, sorry hindi ko sinasadya." hinging paumanhin nito nang mabanggit nito ang pangalan ni Aries.

"Okay lang sakin kahit banggitin mo pa ng paulit-ulit ang pangalan niya," sabi niya, tiwala naman siya na nakar-ecover na siya ng kaunti.

"Iyong paalala ko sayo huwag mong kakalimutan! Ipakita mo kay Aries na matapang ka na hindi mo siya kailangan!" sabi pa ni Eloise.

Tumango-tango na lang siya kahit ang totoo kinakabahan siya sa muli nilang paghaharap ng asawa.

Kailangang maka-attend si Aries dahil maraming mga anak ng investors ang imbitado sa engagement party na iyon nila Eloise at Daniel.

Nasa bulwagan na sila sa isang five star hotel sa Makati, at marami ng bisita ang naka-upo ang iba doon ay hindi niya kilala.
"Bakit wala sina lola Feliza?" tanong niya kay Eloise.

"I didn't invited them this is our engagement, as you can see walang matatanda dito." natatawa na sabi nito.

Nilinga niya ang paligid tama nga ito parang mga dalaga at binata lang ang imbitado.

"Maupo ka muna dito tatawagan ko lang ulit si Daniel, kanina pa kasi niya hindi sinasagot ang tawag ko." sabi nito at iniwan siya.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at nangangati ang kanyang mga kamay na tawagan ang numero ni Aries. Balita niya mula kay Eloise na nakauwi na si Aries galing California.

And when the opening party was about to start, parang tumigil ang pag-inog ng mundo niya nang makita si Aries, papalapit sa kanyang kinaroroonan.

He was wearing a black tuxedo, and that makes him more attractive! At nang magtama ang kanilang mga mata halos hindi na siya kumukurap! Bumilis din ang pintig ng puso niya na parang may mga naghahabulang daga!

Gustong-gusto na niya itong habulin ng yakap at magkukusang halikan ito dahil sa sobrang pananabik dito.
Pero kaagad ding nawala ang kanyang tuwa nang hindi na niya mahagip si Aries sa kanyang paningin dahil mukha na ni Daniel ang papalapit sa kanyang kinaroroonan.

Napakurap siya kung si Aries nga ba talaga ang nakita niya kanina.

"Hi!" nakangiting bati ni Daniel sa kanya na kasama na nito si Eloise at naka abrisete si Eloise dito. Tinabihan siya ng dalawa.
Malakas na nagsalita ang isang emcee sa mikropono sa stage na kinatatayuan nito habang binabati nito ang mga nagsidatingang mga bisita.

Hindi siya mapakali sa kanyang kinaupuan na para bang pakiramdam niya hindi siya masaya na naroon siya at kahit makailang beses ng nagpapatawa ang emcee ay hindi halos siya tumatawa.

May isang tao lang ang kukumpleto sa kanya at labis siyang nangungulila dito walang iba kundi si Aries.

Nakailang kurap na rin siya upang pigilan ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata at nang hindi na siya makatiis, nagpa-alam siya kay Eloise na magtutungo muna siya sa comfort room pero hindi talaga doon ang punta niya at lumabas siya ng bulwagan dahil pasikip ng pasikip ang dibdib niya!
Hindi na niya kaya pa ang mga nangyayari! Patakbo siyang nagtungo sa madilim na bahagi ng building upang doon niya ibuhos ang kanina pa niyang pagtitimpi!

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now