CHAPTER 42: SHE NEEDS FREEDOM NOT VACATION

2.7K 37 1
                                    

Nakatulugan ni Haven ang pagmumukmok sa kanyang silid at nagising siya ng alas dyes trenta ng umaga! Pakiramdam niya parang nabawi din niya ang puyat niya.

Muling sumagi sa utak niya ang nabungaran niya sa condo ng asawa. Nagtagis ang mga bagang niya nang maalala iyon.

Napagpasiyahan niyang balewalain na lamang iyon at marahang tumayo upang ipaghanda ng tanghalian ang asawa.

Nang makalabas siya ng silid tinungo kaagad niya ang ref at muling nagluto ng uulamin nito.
Muling sumasagi sa isip niya ang pangyayaring iyon kung kaya't padabog siyang naghiwa.

Gagawa siya ng Japanese crusine na ilalagay niya sa bento.
Muli na naman siyang umiyak habang nagtatadtad ng sibuyas.
Maya't-maya nagring ang phone niya. She ignored it and she kept on cooking.

Alam naman niyang ang malanding si Aries iyon.
She was worried to him last night tapos ganoon lang pala ang masasaksihan niya!

Naka-ilang ring din iyon bago kusang sumuko.
Bahala siya!

Nang matapos siyang mag-prepare ng bento pinakatitigan na muna niya iyon at marahang ngumiti.
The meal she prepared was delicious though it looks scary. Inartihan niya kasi iyon. Tignan lang niya kung hindi pa mawala ang appetite ni Aries.

Maaga pa naman kaya muli siyang bumalik sa kanyang silid at muling naligo pakiramdam niya anlagkit niya.

Tinungo niya ang banyo at naligo. Pagkatapos maligo nagsuot siya ng long floral jumpsuit tube.

Blinower niya ang mahaba niyang buhok. Pagkatapos ma-blower at matuyo inilugay niyang muli ang mahaba niyang buhok at nagpahid ng konting make-up sa kanyang mukha.

Lumabas siya ng condo at muling magtungo sa opisina ng asawa as usual binati na naman siya ng mga empleyado nito sa labas.

Padabog na kumatok siya sa pintuan ng opisina ng asawa bago tuluyan siyang makapasok at muling isinara.

Nakita niya ang asawa na nakaupo sa swivel chair at abala yata sa pagsusulat.

She looked around kung meron pang bakas ng babaeng dinala nito pero sa tingin niya wala na ito.

Nagtama ang mga mata nila ng asawa at salubong ang mga kilay nitong tinignan siya.

Parang mag-uunahan na naman sa pagpatak ang kanyang mga luha nang maalala niyang muli ang babaeng kasama nito ng magdamag.

Pero pinaglalaban niya iyon at ayaw niyang magmukha siyang kawawa sa harapan nito.

Huminga siya nang malalim at taas noo niya itong nilapitan.
"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" mariing wika nito na may pagbabanta ang boses.

Hindi niya ito pinansin bagkus nilapitan niya ito at ibinagsak ang lunch box sa mesa nito.
Nagtataka ang mga mata nitong tinignan siya.

"What's wrong with you, woman?"

"Akala ko ba matalino ka sa panghuhusga? Bakit hindi mo kayang husgahan ngayon kung ano ang nararamdaman ko!" sarkastikong sabi niya.

Pinakatitigan siya nito na parang inaaral nito ang bawat sulok ng mukha niya.

"I have to go, marami pa akong gagawin sa condo." sabi niya at tumalikod natigil siya sa ilang hakbang ng pigilan nito ang braso niya at pinaharap siya nito.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant