CHAPTER 48: HE CAME IN TO APOLOGIZE

2.7K 34 0
                                    

"Are you afraid of me?" tanong nito
   

"O-oo! Sasaktan mo na naman ba ako?" she said it loudly.
   

"Sasaktan? What are you talking about? Of course not! Alam mong hindi ako nanakit ng babae."
   

"Hindi nanakit ng babae? Ei ano 'yung ginawa mo sakin kanina!?"
   

"That was your punishment for being stubborn but forget it..." he said. "I came here to apologize...damn what am I saying." bulong nito sa huling sinabi nito na para bang napilitan lang ito.
   

Apologize? Ano na naman ba ang sinasabi nito. Hindi siya umimik at nakatingin lang siya sa mga mata nito at halatang hindi pa ito nakakatulog.
   

"Okay! I'm sorry...alam mo bang hindi ako makatulog." he was sorry? Mukhang napapadalas na yata ang pagsasabi nito ng sorry sa kanya.
   

"Will an apology be enough? Do you really mean it? Hindi ka makatulog dahil naku-konsensya ka?"
   

"Maybe...That's why I came here too to check on you...baka nilagnat ka na naman."
   

Napanganga siya sa sinabi nito. Did he really care for her? 
   

"Hindi mo man ako sinaktan physically but emotionally sobrang sakit ng ginawa mo," may bikig ang lalamunan na sabi niya.
   

"Am I hurting you that much?" he asked gently.
   

"Mabuti pa lumabas ka na kung maaari ayoko na munang makita ka," sabi na lang niya at niyakap ng mahigpit ang unan na hawak niya dahil pantakip iyon sa dibdib niya.

She wasn't wearing any bra.    

Nakasuot siya ng ternong pajama.  Kahit pa siguro nakabukas ang lampshade na konting liwanag lang ang naibibigay niyon alam niyang makikita pa rin nito ang hindi dapat nito makita.
   

Pero wala rin naman pinagkaiba kanina nung nasa swimming pool sila dahil halos nakahubad na siya sa harapan nito.
   

"I'll sleep here next to you,"
   

"You what—!?"
   

"Hindi naman ito ang unang beses na magkasama tayong natulog sa iisang kama. If you remember." nakita niyang sumilay ang ngiti sa mga labi nito.

Ewan ba niya kung ano na naman ba ang trip nito.
   

"Noon iyon noong wala pa akong nararam—oh, I mean noon iyon but this time hindi na pwede!"    
Muntik na siyang madulas!

Mahirap ng katabi niya ito sa isang kama dahil baka bumigay na siya!
   

"Why? There's no difference from before and now..." he simply said.
   

Hindi siya umimik at nakatitig lang sa kanya.
   

"Lumapit ka sa akin." utos nito.
   

"Ayoko," mariing wika niya.
   

"Lumapit ka sabi,"
   

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now