CHAPTER 4: THERE'S NO OTHER WAY TO ESCAPE

5.2K 75 3
                                    

Puting kisame ang namulatan ng mga mata ni Haven nang magising siya. Tinignan niya ang kabuuan ng silid. Still the same as before nang siya'y mawalan ng malay. Bumangon siya at hinawakan ang nanakit niyang sintido medyo kumikirot-kirot pa iyon. Bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang ginang kanina.


"Mabuti naman at gising ka na." sabi nito na kasama ang katulong na may dalang tray ng pagkain. Ibinaba nito sa katabing mesa at umalis ang katulong.

"Kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" nag-aalala na tanong nito.

"O-okay na po ako salamat po sa pag-aalala."

"Kumain ka na muna, you look pale." beef tapa at ensaladang cabbage roll at kanin ang nakahain doon. Biglang siyang nakaramdam ng gutom kailan pa siya huling kumain?

"Ilang oras po ba akong nakatulog?" tanong niya habang sumusubo ng pagkain.

"Tatlong oras din ang na-itulog mo. Ang sabi ng doctor na nang check-up sayo wala ka naman daw minor injury."

"G-ganun po ba." sabi niya at nagsimulang galawin ang pagkain. Tumikhim ang ginang na ikinatigil niya sa pagsubo.

"Iha, ano nga pala ang pangalan mo at ilang taon ka na?"

"I-I'm Haven Prado, twenty -three." maikling pagpapakilala niya.

"Where is your parents?" doon na siya tuluyang natigil sa pagsubo.

Nasaan nga ba?

"I-I don't know where she is right now." malungkot na wika niya.

"What do you mean, iha?" Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila.

"Oh, I'm sorry iha, kumakain ka nga pa pala. Mag-usap nalang tayo mamaya okay?" nakangiting sabi nito. Tumango siya bilang sagot. Nakaramdam siya ng habag sa sarili na para bang sa mga sandaling iyon nag-iisa lang siya. Lalong-lalo na ngayon na hawak siya ni Marco at hindi lang iyon magpapakasal pa siya sa taong 'yon!

Nanginginig ang mga kamay na nabitawan niya ang kubyertos! Saglit siyang natigilan nang may pumatak na luha sa kanyang pisngi.

Impit siyang napabulalas ng iyak naitakip niya ang kanyang dalawang palad sa kanyang mukha.

"Another drama again? You're really good on it..." natigil siya sa paghikbi nang marinig ang pamilyar na tinig na 'yon mula sa pintuan.

Si Aries o Marco! Nakatayo ito sa hamba ng pinto. Nag sukatan sila ng tingin. Hindi niya mabasa ang expression ng mukha nito kung galit ba ang nakikita niya.

Nagulat siya ng isara nito ang pinto!

Kinabahan siya sa muling pagso-solo nila ng binata! Makakasigaw naman siya marahil at maririnig siya sa ibaba kung sisigaw siya.

Nilagay niya sa kalapit na mesa ang tray nawalan na siya ng gana dahil dito.

"Anong ginagawa mo? Huwag kang mag tatangka na lapitan ako kung hindi sisigaw ako!"

"Go on! Scream as much as you wanted. Alam mo bang galit na galit ako sa isang oportunista na kagaya mo?"

Siya oportunista? Nagkakamali yata ito ng sinabihan. Bago pa man ito makalapit binato na niya ito ng unan ngunit sinalo lang nito iyon. Bagamat nakakaramdam siya ng kirot sa katawan bumaba pa rin siya ng kama para upang makalayo dito pero impossible ng makakalayo siya dito dahil na corner na siya.

Tuluyan na itong nakalapit sa kanya. Isinandal siya nito sa pader at itinukod ang dalawang kamay napa gitna ang kanyang mukha.

"Scream!" galit na sabi nito.

"T-Tulong..." mahinang bigkas niya.

"See,may ginawa ba ako sayo para magka ganyan ka?" ang lapit lapit ng mukha nito sa kanya.

Hindi siya makahinga ng maluwag dahil dito.

"Kabisado ko na ang isang katulad mo. Akala mo siguro madadala mo ako sa mga drama mo." sabi nito na tinignan pa siya mula ulo hanggang paa at muling dumako ang mga mata nito sa kanyang mukha.

Hindi siya makapagsalita habang titig na titig siya sa binata. Galit ang nakikita niya doon samantalang ang Marco na nakilala niya punong-puno ng pagnanasa. Mas inilapit pa nito ang mukha ngunit kaagad siyang nag iwas ng tingin. Nangangatog ang kanyang mga tuhod sa sobrang lapit ng mukha nito. Mga katok sa labas ng pintuan ang nagbalik sa katinuan niya.

"Remember this woman, hindi mo alam kung sino ang binangga mo, I will not let you succeeded!" he said and punched the wall before he left her. She was so shocked by what he did that she thought he would hurt her.

Parang nauupos na kandila siyang napaupo sa sahig. Hilam na ng luha ang kanyang pisngi. Hanggang sa tuluyan siyang napalahaw ng iyak. God

Is this really happening to me? Sana lamunin na lang siya ng lupa! Sana hindi totoo ang mga nangyayari sa kanya!

"What happened to you my dear may ginawa na naman ba sayo ang anak ko?" tanong ng ginang at tinulungan siyang makatayo at pinaupo sa kama.

"A-ayoko na po...g-gusto ko ng umalis...Ayoko na d-dito" sabi niya habang yakap-yakap ang sarili.

"Sshh. Tahan na iha hinding-hindi ko palalagpasin ang ginawa ng apo ko sayo. We will do everything para panagutan ka niya." sabi ng matanda na ka papasok lang.

"N-no... please...A-ayoko po sa kanya. Uuwi nalang po ako."

"Ako ang bahala sayo, iha." sabi nito at inalo siya.

"Nasaan ang mga magulang mo at kakausapin namin siya?" sabi ng matanda.

Umiling siya. "P-patay na po ang papa ko. A-ang mama ko naman...I think she is nowhere to be found."

"W-what do you mean? I mean natanong ko na sayo kanina 'yan" sabi ng ginang.

Huminga na muna siya ng malalim at nagkwento sa mga ito sa nangyari ng nagdaang gabi.

Napasinghap ang mga ito at hindi makapaniwala sa nagawa ng lalaki. "I can't really believe this, Carmela!" sabi ng matanda at natutop ang noo nito.

"Mama ako mandin hindi ko rin alam kung bakit nagawa nito iyon."

"Pauwiin mo 'yang anak mo sa mansion. Kung papalag 'yan gagawin ko ang lahat para bawiin sa kanya ang mga naipundar namin ni Fernando!" matigas na wika ng matanda.

"Mama..."

"Hindi ako nagbibiro! Gusto ko na siyang lumagay sa tahimik 'nung minsan naman nalaman-laman kong nakipag bugbugan siya dahil lamang sa babae at ngayon ito na naman ang bagong problema na ginawa niya!" mahaba nitong litanya.

"Uuwi na muna tayo sa Mansion.Ora mismo!" maturidad na wika ng matanda.

Papaano na siya? Hindi man lang ba tinanong ng mga ito kung papayag siya sa gustong mangyari ng mga ito?

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now