CHAPTER 60: THE FIRST ENCOUNTER

2.4K 36 0
                                    

Palinga-linga ang batang si Emi habang hinahanap ang nawawalang alaga niyang pusa na kanina lang ay nasa kanyang tabi.

Tiyak mapapagalitan na naman siya ng kanyang mama dahil sa kapabayaan niya.

Lumabas siya ng bahay nila kung saan nag stay ang pamilya nila.

Hapon na kasi at kabilin-bilinan ng papa niya na huwag siyang lalabas ng bahay hangga't wala sila.

Ngunit ang batang si Emi hindi nakinig at lumabas pa rin ng bahay nila.

Dahil naengganyo siyang maglaro sa dalampasigan na kung saan napakaraming klase ng bangka. Hindi din kasi alam ng batang si Emi kung saan nagtungo ang mga magulang niya.

"Kitty, nasaan ka na ba?"

Tinungo ng mga paa niya ang dalampasigan na kung saan may mga bangka at yate ang naroon.

"Hey, little kid where are you going?" tanong sa kanya ng lalaking matangkad, maputi at kulay mais ang buhok.

Habang abala ito sa paglilinis ng yate nito. Pawang mayayaman lamang ang nakapunta sa lugar na iyon.

"Hi, I am looking for my cat and I didn't know where she is." nalungkot na sabi niya.

Ngumiti ito sa kanya na para bang aliw na aliw. "Really? Can you describe her?"

"Uhm, she's white like snow a little bit chubby and her nose is pink." Magiliw na sabi niya.

"Wow I think your cat is beautiful but sorry I haven't seen her."

Nalungkot si Emi sa sinabi ng lalaking mama.

"Is that so? Okay, thank you!"

"I'll tell you when I see it just be careful when roaming around, okay?"

Tumango-tango si Emi at nagpaalam na siya dito.

"Kitty!" muling pag tawag niya sa pusa niya. Dalawa kasi ang tinatawag niya dito.

Hanggang sa napadpad siya sa isang yate at natatanawan niya ang isang batang lalaki na mukhang nanghuhuli ng isda.

Magtatanong na lang siya dito.
Maingat na sumampa siya sa hagdanan ng yate at pinuntahan ang batang lalaki. Nakatayo ito at nakatalikod habang may hawak na fishing rod.

"Stupid! Oh come on! Catch it!" inis na sigaw ng batang lalaki.

"Hi! Can I ask something!?"
malakas na tanong ni Emi sa batang lalaki na mas lamang ang edad sa kanya base na rin sa laki nito kumpara sa kanya.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now