CHAPTER 76: HIS WIFE's WHEREABOUT

3K 43 2
                                    

"Aries, to be honest with you, you really look terrible!" natatawang sabi ni Horace nang tanungin niya ito kung okay pa ba ang hitsura niya.

"You're supposed to be cheering me up, not making rude remarks about my looks." he said.

"Hmn. Is there any chance of cheering you?" asked Chloe doubtfully.

"Ano ba kayo, huwag niyo na nga siyang pagtawanan kita niyo na ngang nalulungkot 'yong tao." pagtatanggol ni Tasha.

"Nalulungkot? Woah! I didn't know na nalulungkot pala ang isang Tigre!" muling kantyaw ni Horace at muling tumawa.

Nasabi na niya sa mga ito ang buong totoo mula sa kanyang plano at ang nagawa niya sa kanyang asawa.

Wala na rin siyang pakialam kahit pagtawanan siya ng mga ito.

Ang iniintindi ni Aries ay ang pangungulila niya sa kanyang asawa na isang buwan na niya itong hindi nakikita.


Halos ipahalughog na niya ang buong Pilipinas sa kanyang mga tauhan at hindi pa rin nila ito makita.

Maging ang mga airports kung may pangalaan ba ito na nakapag flights ito abroad pero wala ring record.

Naalala niya nang magising siya ng umagang iyon hindi niya mabungaran ang asawa. At nang i-check nila ang CCTV footage sa baba ng building, ni wala itong dalang mga gamit at may sumundo rito na itim na kotse!

Where the hell was she? He just hope she's fine. Alam niyang pinagtataguan siya nito.

Pero sino? At kanino ito humingi ng tulong?

Mababaliw na yata siya!
Wala ng mas masakit pa sa pagkawala ng kanyang asawa.

Bakit hindi niya ito mahanap!?

"Aries, I know what you are going through, but please fix yourself first. Sige ka baka maturn-off si Haven sa'yo niyan dahil sa hitsura mo ngayon kapag nagkita kayo." suhestyon ni Tasha at iniharap siya nito ng salamin na hawak nito sa mismong mukha niya.

Ang buong akala niya si Tasha na ang ang pinaka matino sa magkakapatid but he got it wrong.

Nang tignan niya ang kanyang mukha sa salamin halos hindi na niya makilala ang sarili. Dahil mas humaba pa ang kanyang balbas na dati inaahit niya iyon.

Humaba na rin ang buhok niya ng marahil limang sentimetro.
Inilayo niya ang salamin kay Tasha at muling tumingin sa malayo at tumungga ng alak.
Kasalukuyan silang nasa yate sa Las Vegas ng alas-diyes ng umaga na kung saan natatanaw niya ang malawakang karagatan.

Habang sina Vandrix at Horace ay namimingwit ng isda, at ang dalawang sina Tasha at Chloe naman ay naka-upo sa bench malapit sa kanya.

Isang linggo na siya sa California at nagliliwaliw dahil sa bigat ng kanyang nararamdaman.

Kinansela din niya ang lahat ng appointments niya.

"Ay, wala talaga siya sa mood." singit ni Chloe.

"Iyan kasi ang napapala sa hindi nagseseryoso." singit din ni Vandrix.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now