CHAPTER 83: TAKING OFF THE MASK SHE WAS WEARING

2.3K 41 0
                                    


"Bakit ayaw magbukas?" inis na sabi ni Haven habang walang humpay niyang binuksan ang kalan.

Hindi naman kaya naubos na ang gasul?

Bakit ba palagi nalang nauubos ang gasul sa mga isla? Gaya na lang noong nasa isla sila na kasama sina Eloise at Daniel.


Naalala na naman niya iyon noong nagsukatan ng suntok ang dalawa.

Iwinaksi niya ang ala-alang iyon. Hindi na dapat niya muling maalala iyon.

What now? Nasa kalagitnaan pa naman siya ng pagluluto.
Lumabas siya ng kusina at tinungo ang balkonahe. Tanaw na tanaw niya si Aries mula sa pangpang.

Habang nakaupo ito sa bench sa ilalim ng mga puno ng niyog at nakatanaw din sa lawak ng dagat.

Apat na araw na sila ni Aries sa isla at sa mga apat na araw na iyon ay naging casual lang ang pakikitungo nila sa isa't-isa.

Pakiramdam niya sumusuko na si Aries at marahil mare-realize nito na hindi talaga sila pwede.

Mabilis ang mga hakbang niya na lalapitan niya si Aries sa kinaroroonan nito.

"Aries," tawag niya dito nang tuluyan na siyang makalapit.

"Yes, what is it?" tugon nito na hindi naman siya tinapunan man lang ng tingin ngunit ang mga mata nito ay nasa malawak na karagatan.

It was six o'clock in the evening but the sky was still clear.

"I think naubusan tayo ng gasul," anunsyo niya.

"Again?" gulat na sabi nito at tinapunan naman siya nang tingin.

Napatango siya.

He groaned as he began to stand up. "How many times did I tell them to check all the necessities before I landed here?" sabi nito.

Hindi niya alam kung naiinis ba ito pero blangko lang kasi ang expression ng mukha nito.

Nakakapanibago hindi na siya nito kinukulit. Hindi ba dapat maging masaya siya? At malamang sumusuko na nga talaga si Aries.

"Okay, let me check." sabi nito at nagsimula ng maglakad papasok sa rest house.

She felt a sigh of relief when he finally vanished in her sight.
Mga ilang minuto lang lumabas na ito at may dalang itak.

Muli itong lumapit sa kanyang kinaroroonan.

"Kukuha lang ako ng panggatong. Hintayin mo na lang ako dito." paalam nito at tinalikuran na siya.

Hindi tuloy alam ni Haven kung naiinis siya sa kinikilos ni Aries.

"Aries, wait." pigil niya.

Sinulyapan naman agad siya nito pero walang namutawing salita sa bibig nito.

"S-sasama ako,"

"No, dito ka lang."

"Please, I want to help. Maaga pa naman,"

She heard him breathing so hard bago pumayag.

Naunang naglakad si Aries at nasa likod lang siya nito nakasunod.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें