CHAPTER 89: DISTANCES ARE REALLY MATTER

2.3K 36 0
                                    

"I'll be right back once I closed the deal," assurance ni Aries kay Haven at hinalikan ito sa mga labi.

Tutungo na kasi ulit ito sa America at may aasikasuhin lang daw ito.

Iyon na raw ang huling pagpunta ni Aries overseas at magfo-focus na lang daw ito sa kanya at sa nalalapit na kasal nila pagbalik nito.

"Mag-ingat ka lagi 'dun," tipid ang ngiti na sabi niya.

Ngumiti ito. "Alam mo bang napakasarap pala ang pakiramdam ng may nag-alala sakin?"

"Syempre naman asawa kita at asawa mo ako,"

Ngumiti ito sa sinabi niya. "When I come back, get ready because we'll make love the whole day!"

Kinurot niya ito sa tagiliran na ikinatawa nito. "Kahit kailan talaga yan na lang lagi ipinagduduldulan mo sakin, hmp!"

"Paano kasi lagi mo na lang akong inaakit."

"Aba, mister hindi kita inaakit, ikaw tong kusang naaakit!" she said and roll her eyes.

Tumawa naman ito sa sinabi niya.

"Sort of."

"Sige na umalis ka na!" kunwari pinagtabuyan niya ito.

"I still don't want to leave you.


Sumama ka na kasi." umit nito at pinagsalikop ang dalawang kamay nila.

They really felt the love for each other.

"Ano ka ba baka hindi mo magagawa ng maayos ang trabaho mo dun kung sasama pa ako sayo, atsaka magiging busy ka lang din 'dun, makaka-distract lang ako."

Huminga ng malalim si Aries.


"Hindi pa ako nakakaalis pero namimiss agad kita,"

Inayos niya ang kwelyuhan ng polo nito. "Dalawang araw ka lang namang mawawala." natatawang sabi niya.

"Pero ang dalawang araw na hindi kita makikita malaking torture na iyon sa akin,"
Pano naman kasi gabi-gabi siyang inaangkin ni Aries.

"Edi, tawagan mo ako kapag hindi ka na busy I'll wait your call! Basta ba no woman involve 'dun sa pupuntahan mo."

Hinawakan nito ang tungki ng ilong niya. "Sweetheart, I won't ever do that to you. Ikaw nga itong kinatatakutan kong iwan baka aaligid na naman sayo si Vince."

Natawa siya sa sinabi nito na hanggang ngayon pinagseselosan pa rin nito si Vince. Since nakaperma sila ni Aries ng kontrata kay Vince kaya tuloy-tuloy pa rin ang negosasyon nila dito.

"Ano? Hindi pa ba tapos ang drama niyo? Kanina pa kami inip na inip dito." maktol ni Chloe sa kanila na nasa loob na ang magkakapatid sa helicopter na maghahatid sa mga ito sa airport ng Manila.

Sabay-sabay na kasing babalik ang mga ito sa America. Limang araw din ang ginugol na bakasyon ng mga ito simula nung party.

Nakapag-paalam na din ang mga ito sa kanya at ayon nga si Aries na lang ang hinihintay ng mga ito para makaalis na.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now