CHAPTER 81: GETTING ATTACHED WITH EACH OTHER

2.5K 37 0
                                    

Nagising si Haven mula sa mahimbing na pagtulog dahil nilalamig ang buong katawan niya.

At nang magmulat siya ng mga mata ay ang dilim ng buong silid ang nabungaran niya.

Iyon na naman ang pakiramdam niya ay ang pagsisikip ng kanyang dibdib dahil sa dilim na para bang nahihirapan na naman siyang huminga.

Mabilis siyang bumangon  at tinungo ang pintuan ng silid palabas. Ganun na lang ang panghihilakbot niya sa kanyang nabungaran dahil halos iyon balot na balot sa kadiliman!

"Aries!" tawag niya sa pangalan nito. Pero hindi ito sumagot.

Pagkarating na pagkarating kasi nila ng hapon sa isla na kahit kailan hindi pa niya napupuntahan ay patakbo siyang pumasok sa loob ng resthouse at kung anong silid na lang ang pinasok niya at ini-lock iyon.

Dahil sa galit niya kay Aries kanina ay hindi niya ito pinagbuksan ng pintuan nang kumatok ito!

At ngayon sa tingin niya nag-iisa siya sa loob ng resthouse!
"Aries, please, stop this! Don't frighten me!" muling sabi niya.


Pero wala siyang makuhang sagot mula kay Aries.

Yakap ang sarili na dahan-dahan siyang pumanaog paibaba.
Alam kasi ni Aries ang kahinaan niya at malamang iyon ang naisip nito upang lumabas siya ng kusa sa kanyang silid. But the silence inside of the house triggers her!

Kinapa ng mga kamay niya ang pader kung nasaan ang switch ng ilaw at ng may isa siyang nakapa ay kaagad niya itong binuksan. Pero hindi nabuksan ang ilaw! Dahil sa tingin niya walang supply ng kuryente.

"Aries!" muling tawag niya dito.
Sa tingin niya hinalughog na niya ang buong kabahayan but no traced of Aries.

Nagdesisyon siyang lumabas ng resthouse. Pero ganun na lang din ang panggigimbal niya ng mas nakakatakot pa ang kanyang nabungaran.

It was completely pitch dark!
She went through the bushed to find her way out on the shore.
And when she finally reached her destination was terrified as she couldn't find Aries.

Napahilamos siya sa kanyang mukha. Alam niyang mag-isa lang siya sa isla!


Muling nag-unahaan sa pagpatak ang kanyang mga luha habang unti-unti siyang napasalampak sa buhangin. Wala na rin siyang pakialam kahit nabasa na siya dahil naabot na ng maliliit na alon ang kanyang katawan.
Ang buong akala niya matapang na siya pero hindi pa pala at hanggang ngayon may takot pa rin siya.

Nasa ganoong posisyon pa rin siya nang makarinig siya ng mga yabag na mukhang papalit sa kanya. Mabilis siyang lumingon at nakita niya ang pamilyar na bulto na kailanman hindi na yata niya mapagkakamali sa sino man.

"There you are! I've been looking around for you." sabi ng humahangos na si Aries.

Nakasuot lang ito ng maong na pantalon habang wala itong suot na pang itaas.

Mabilis siyang tumayo at sinalubong niya ito ng sampal sa mukha nito.

"Is this really what you want? Ang pahirapan ako!"

Sa tulong ng liwanag ng buwan nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito.

"No, it is not what I tend to—"

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang